John Lapus on Kris Aquino: "As friend, e, I’m here with a hundred percent support sa kanya."

Todo pa rin daw ang suporta ni John “Sweet” Lapus para sa kaibigan niyang si Kris Aquino sa gitna ng kontrobersiyang pinagdadaanan nito. Sabi niya, “Whatever na pinagdadaanan niya ngayon ay ipinagdadasal ko yun. Na at the end of the day, sana’y malagpasan niya, especially kina Bimby at Joshua ay huwag silang maapektuhan in the future. Kawawa ang mga bata.”


Sabik ang entertainment press na makakuha ng statement kay Kris Aquino mula nang dumating ito at ang mga anak na sina Joshua at Bimby mula Holy Week vacation nila sa Europe.

Kaya nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si John “Sweet” Lapus, na isang malapit na kaibigan ng Queen of All Media, sa taping ng Talentadong Pinoy sa Broadway Centrum noong April 9, sinubukan naming alamin sa kanya ang tungkol kay Kris.

Tinanong namin si Sweet kung seryoso nga ba si Kris na nagre-resign na ito sa mga shows niya at tuluyan nang iiwanan ang showbiz.

“Ewan ko, tanungin ninyo siya!" natatawang tili niya.

“Hindi… sinabi naman talaga niya yun. And siyempre, ako, bilang isa sa malalapit niyang kaibigan, sad ako talaga.

“Hindi ba mabu-bore ako kung walang Kris Aquino ng showbiz, di ba? Di ba?

“So, sana ay pag-isipan niya ulit.”

Dagdag pa niya. “Alam mo naman yun, nasabi lang niya yun at the height of her emotions.

“Pero… alam mo na si Kris, kaya niyang i-give up ang kanyang showbiz career for her kids.

“Ganoon niya kamahal ang kanyang mga anak.”



NO COMMUNICATION. Hindi pa rin daw sila nagkakausap mula nang dumating si Kris.

“Hindi pa. Dumiretso kasi siya sa live ng Pilipinas Got Talent,” pagkumpirma niya.

“Text-text pa lang. One of these days magkikita din kami. Kunin ko na raw yung mga pasalubong ng kids sa akin.

“Tsaka, nami-miss ko na rin sina Joshua at Bimby kasi matagal na kaming hindi nagkikita.

“Si Joshua nga, tawag na nang tawag.”



HOPE FOR THE BEST. Ano ang opinyon ni Sweet sa nangyari sa pagitan nina Kris at JamesYap?

Matatandaang bago dumating ang Holy Week ay isang napakalaking balita ang sumabog tungkol sa dalawa.

“Honestly, to be honest, hindi na ako nagulat.

“Ako at si Zsa Zsa Padilla, na inaanak sa kumpil ang anak niya [Kris], ang una niyang sinabihan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Noong dumating ‘yang mga resoluton na ‘yan, nasa taping ako on a Sunday ni Kris para sa Kris TV tungkol sa mga furniture.

“After that, nag-dinner kami.

“Tapos, sumunod si Zsa Zsa at noong hinatid namin siya ay natsitsikahan muna kami.

“At doon na finally niya sinabi na ganoon nga.

“Hindi na kami nagulat na gagawin niya yun.

"Ang nagulat lang ako noong sabihin niya na magre-resign siya.”

Maging ang pagsasabi ni Kris na she was disrespected as a woman ay malaking sorpresa para kay Sweet.

Aniya, “Actually, ako din nagulat.

"Pero, heto lang ang masasabi ko: As friend, e, I’m here with a hundred percent support sa kanya.

“And whatever na pinagdadaanan niya ngayon ay ipinagdadasal ko yun.

“Na at the end of the day, sana’y malagpasan niya, especially kina Bimby at Joshua ay huwag silang maapektuhan in the future.

“Kawawa ang mga bata.”



“ACQUAINTANCE.” Kumusta naman sila ni James? Gaano ba niya kakilala ang pagkatao nito base sa personal experience niya?

Sagot ni Sweet, “Okay naman kami ni James. Hindi naman kami ganoon ka-close sa isa’t isa.

“Noong araw na sila ni Kris, civil naman kami sa isa’t isa. Mabait naman siya sa akin.

“And I cannot comment tungkol sa kanya. Kung ano ba yung totoong siya.

“Basta nalungkot lang ako ng ganoong bongga.”

Kapag nagkita sila ni Kris, ano ang sasabihin niya sa kaibigan niya?

“Hay naku, alam na ni Kris kung ano ang sasabihin ko sa kanya… hindi ko na kailangang sabihin pa.

“I’m the type of person na hindi ako vocal sa mga ganyan—ipinararamdam ko na lang.

“I’m an action person rather than a talker pagdating sa pagkakaibigan.”

Tapos nito ay nag-beg off muna si Sweet na pag-usapan ang tungkol sa isyung iyon.



NEXT TOPIC. Bahagi si Sweet ng success ng Must Be Love na launching movie nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ay, oo nga!” bulalas niya.

“Bukod sa kumita ay napakaganda pa ng review sa movie.

“Yung buong pelikula pati, yung performance ko, kaya nga hind ako nanghinayang na i-postpone ko muna yung shooting ng launching movie ko sa Viva Films.

“Na-overwhelm talaga ako lalo sa positive reaction ng fans, bloggers, at iba pa.

“Sa dami kasi ng fans ng dalawa, pati tuloy ako ay dumami rin ang fans, lalo na mga bata at teenagers.

“Lalo na magtu-twenty years na rin ako sa showbiz, so napakalaking blessing na meron akong ganoon na achievement, di ba?”



ANNIVERSARY SHOW. Para sa kanyang twenty years in showbiz, ngayon pa lang ay meron na siyang pinaplanong show in celebration nito.

Sabi ni Sweet, “Sa June 15 na bale ang show para sa 20thanniversary ko.

“Bale sa Music Museum siya at ang titulo niya ay Music in a Box.

“Sa title pa lang, kakaiba na. Kasi yung mga title ko dati ay Sweet Sixteen, Sweet @ 18. This time we opted for that title.”

Dagdag pa niya, “Yung concept ko dito, e, yung mga fans kasi, tayong mga artista ay nilalagay nila tayo in a box.

“Like halimbawa, kapag matinee idol ka, dapat wholesome ka. Halimbawa, Jon Santos ka, dapat nakakatawa ka.

“Yun ang gagawin ko. Na ang mga artista, including myself, ay inilagay ng fans sa kahon.

“Tapos dito, ire-reveal ko na dapat kami din ay nasa labas ng box.

“Part pa ng monologue ko ay si Kris Anino na favorite character ko, na finally ay magre-resign na din sa showbiz.

“At magko-concentrate na siya sa dalawang anak niya!” natatawang pagtatapos niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN