Walang gaanong naglabasang balita kay BB Gandanghari matapos ang critically-acclaimed niyang stageplay na Halik ng Tarantula sa Teatrino Greenhills, noong Marso.
Tiyempong nag-guest si BB bilang talent scout sa Talentadong Pinoy nitong Martes, April 9, kasama sina Joey de Leon at John Lapus.
Dito siya nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).
Pauna niyang kuwento, “Oh well, ngayon lang ako nahihimasmasan. Sobrang napagod talaga ako doon!
“Kahit okay na okay all throughout, pero after noon, bumagsak talaga ako.
"So, ngayon, medyo okey naman na.
“Nag-rest muna ako ng saglit kasi yung rehearsal noon ay inabot kami ng almost two months.
“Wala pa doon yung concentration, preparation, at kung anu-ano pa sa production.
“Kaya right after ng last performance, parang nag-shutdown ang lahat.”
INTIMATE SCENES. Tumatak sa publiko ang passionate love scene ni BB sa Halik ng Tarantula kasama ang mga baguhang aktor na sina Jet Alcantara at Jovic Monsod, na parehong gumanap bilang Valentin.
In real life ba ay gusto rin niyang maranasan ang ganoong kainit na pakikipagtalik sa isang lalaki?
“Oo,” diretsahang sagot ni BB.
“I think, kaya nga ako nag-enjoy ako sa play na yun kasi sobra akong nakapag-identify.
“Lahat-lahat, talagang maraming semblance of truth—ang sarap!
“Napakaganda ng play, nami-miss ko nga, e.”
May kasunod na ba siyang gagawin pagkatapos ng Halik ng Tarantula?
Sabi ni BB, “I’m thinking of doing an indie film.
“May isa akong konsepto na pinaglalaruan na parang comedy na family chuva, e.
“So, pinagdedesisyunan ko pa kung talagang itutuloy ko. Pero, gusto ko siya.”
REVIVE RUSTOM. Nabanggit dati ni BB sa mga interviews na lilipad siya papuntang Amerika para makapagpahinga. Matutuloy ba siya?
Aniya, “Babalik pa rin ako pero after June na. Titingnan ko pa kasi marami akong gustong gawin ngayon.
“Like yung sa indie movie, I will conceptualize it, then maghahanap ako ng magiging co-producer... parang ganoon siya."
Dagdag pa niya, “Yung nakaplano na movie ni Robin [Padilla, BB's brother]... ang problema kasi ay iba ang gustong mangyari ni Robin, e.
“Ang problema kasi, may requirement si Robin na parang hindi ko talaga kayang gawin.
“Ang gusto niya ay ibalik si Rustom Padilla—buhayin si Rustom.”
Baka yun nga ang way para maibalik si Rustom?
Natatawang pahayag niya, “Ang problema din kasi, hindi ko pa rin nababasa o nakikita ang script.
“Mahirap kasi yung maging Rustom uli, pero kung ano, I can play a male character, why not? I can.
“Yun nga lang, ‘wag naman yung Rustom na Rustom. Mahirap, e... mahirap i-explain.
“Nag-e-enjoy naman ako sa paiba’t ibang role, pero kailangan lang talaga ay maliwanag ang script.”
How about a movie with her nephew Daniel Padilla?
Sabi ni BB, “Why not, di ba?
“Actually, meron akong concept na siya ang nasa isip ko, but then, again, hindi pa natin alam kung matutuloy
“Andiyan kasi ang mga conflict sa schedule... ipagpapaalam mo pa sa management niya.
“Well, tingnan natin.”
EX-WIFE CARMINA. Sa puntong ito, tinanong ng PEP kay BB kung kaya na niya bang humarap ngayon kay Carmina Villarroel, ang kanyang dating asawa noong si Rustom Padilla pa siya.
Si Carmina ay happily married naman ngayon kay Zoren Legaspi at may anak na twins.
Nag-isip muna si BB at sinabing, “I don’t see the reason kung bakit hindi. Kung talagang may pagkakataon.
"Pero para sa akin ay dapat nasa right time, na nandiyan yung mga bagay na hindi mo ipinipilit.
“Si Rustom kasi at si Carmina, they had a very good closure, yun ang iniingatan ko."
Dugtong pa niya, “Baka kasi pag nagtagpo pa kami, alam mo yun? Baka madugtungan pa.
“Pero napakaliit naman nitong ginagalawan natin, di ba?
“So hindi ko kinu-close yung isip ko na one day ay magkakasalubong talaga ang landas naming dalawa.
“And when that time comes, sana ay sa umpisa lamang ang awkward moments.”
In case na magkasalubong nga sila ni Carmina, ano kaya ang magiging reaksiyon niya?
Tugon ni BB, “I don’t know.
"Again, that’s one thing you don’t anticipate or you don’t even think na what will happen—maloloka ka!
“And I don’t even think o hindi ko pinaglalaruan sa isip ko na one day ay magkikita kami.
“Nandiyan lang siya sa iyo subconsciously.”
Kung si Zoren ay nakaharap na ni BB sa dating showbiz talk show ng TV5 na Paparazzi, may time din pala na inimbitahan si BB na umupo sa isang talk show ni Carmina.
Ani BB, “Yeah, there was a time na ini-invite nila na umupo sa show niya but it never pushed through.
“Okay din sana ako, pero nagkaroon ng problem along the way... hindi ko alam kung may second time pa.”
What if an encounter with Zoren and Carmina?
Halos mapasigaw siya at sinabing, “Oh, no! puwede paisa-isa muna?
“Actually biro lang. Wala namang problema doon.
“Kung dumating naman yung time na magkikita-kita kami, I don’t see anything wrong.
“Kahit sa talk show na kaming tatlo, actually trabaho lang ‘yan.
“Mga disente naman siguro kaming tao na wala namang dapat gawing problema ang hindi na dapat.
“So, huwag nang gawing isyu, di ba?” natatawang sabi ni BB.
