Vice Ganda, Kris Aquino, and Ai-Ai delas Alas named Phenomenal Box-Office Stars at 44th Box-Office Entertainment Awards

Dahil sa malaking tagumpay sa takilya ng pelikula nilang Sisterakas, itatanghal bilang Phenomenal Box-Office Stars sina (mula kaliwa) Ai-Ai delas Alas, Vice Ganda, at Kris Aquino sa 44th Box-Office Entertainment Awards.


Ginanap noong Linggo, Abril 7, sa Pampanga Room ng Cabalen Restaurant, Quezon City, ang official deliberation at pagpili ng winners para sa 44th Box-Office Entertainment Awards, na taunang ipinamamahagi ng pamunuan ng Guillermo Mendoza Memorial Scholarship Foundation, Inc. (GMMSFI).

Noong nakaraang taon ay nagdagdag ng bagong kategorya ang GMMSFI na “Phenomenal Box-Office Star” para kay Vice Ganda.

Ito ay dahil ang pelikula niyang Unkabogable Praybeyt Benjamin (2011) ay kumita ng P331.2 million, na siyang may hawak ng record noon bilang highest-grossing Filipino film.

Ngayong taon ay muling gagamitin ang kategoryang ito.

Si Vice muli ang makakakuha ng titulong ito, ngunit sa pagkakataong ito ay kasama na niya sina Ai-Ai delas Alas at Kris Aquino bilang “Phenomenal Box-Office Stars.”

Ito ay dahil ang pelikula ng tatlo na Sisterakas, na ipinalabas noong Metro Manila Film Festival (MMFF) 2012, ay nakakuha ng pinakamalaking box-office returns na P342 million.

Ang Sisterakas ngayon ang may hawak ng record bilang highest-grossing Filipino film.

Ang Box-Office King & Queen ay iginawad kina John Lloyd Cruz at Bea Alonzo para sa pelikula nilang The Mistress, na second highest-grossing film noong 2012.

Ang napili namang Film Actor of the Year ay ang Kapuso star na si Dingdong Dantes, at magkatuwang sina Angelica Panganiban at Angel Locsin bilang Film Actresses of the Year.

Magkakasama ang tatlo sa MMFF 2012 entry na One More Try.

Sina Luis Manzano at Toni Gonzaga ang kokoronahang Prince & Princess of Philippine Movies.

Sina Coco Martin at Julia Montes naman ang itatanghal na Prince & Princess of Philippine Television.

Dalawang awards ang napanalunan nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo: Most Promising Male & Female Stars of the Year at Most Promising Love Team.

Dalawa ring awards ang nakuha nina Jose Manalo at Wally Bayola: Male Concert Performers of the Year at Most Popular Novelty Singers, kasama si Ryzza Mae Dizon para sa kanilang hit song na “Cha Cha Cha.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Si Ryzza Mae rin ang itinanghal na Most Popular Female Child Performer.

Ang coronation night ng 44th Box-Office Entertainment Awards ay gaganapin sa Mayo 19, Linggo, sa AFP Theater, Camp Aguinaldo, Quezon City.

Mapapanood naman ito sa May 26 sa Sunday’s Best ng ABS-CBN.

Narito ang kabuuang listahan ng winners para sa 44th Box-Office Entertainment Awards:

Phenomenal Box Office Stars: Ai-Ai delas Alas, Vice Ganda, Kris Aquino

Box-Office King: John Lloyd Cruz

Box-Office Queen: Bea Alonzo

Film Actor of the Year: Dingdong Dantes

Film Actress of the Year: Angelica Panganiban, Angel Locsin

Prince of Philippine Movies: Luis Manzano

Princess of Philippine Movies: Toni Gonzaga

Prince of Philippine Television: Coco Martin

Princess of Philippine Television: Julia Montes

Most Promising Male Star of the Year: Daniel Padilla

Most Promising Female Star of the Year: Kathryn Bernardo

Male Concert Performers of the Year: Jose Manalo and Wally Bayola

Female Concert Performer of the Year: Anne Curtis

Male Recording Artist of the Year: Christian Bautista

Female Recording Artist of the Year: Aiza Seguerra

Promising Male Singer/Performer: Robin Nievera

Promising Female Singer/Performer: Zia Quizon

Most Popular Recording/Performing Group: Spongecola

Most Promising Recording/Performing Group: Chicsers

Most Popular Novelty Singers: Jose Manalo & Wally Bayola & Ryzza Mae Dizon – (“Cha Cha Cha”)

Most Popular Loveteam on Television: Richard Yap & Jodi Sta. Maria

All-Time Favorite Loveteam on Movies & TV: Richard Gomez & Dawn Zulueta

Most Promising Love Team: Daniel Padilla & Kathryn Bernardo

Most Popular Male Child Performer: Bugoy Carino

Most Popular Female Child Performer: Ryzza Mae Dizon

Most Popular Film Producers: Star Cinema & Viva Films

Most Popular Film Director: Wenn Deramas

Most Popular Screenwriter: Olivia Lamasan/Vanessa Valdez (The Mistress)

Most Popular TV Program News & Public Affairs: 24 Oras (GMA-7)

Most Popular Daytime TV Drama Series: Be Careful With My Heart (ABS-CBN)

Most Popular Primetime TV Drama Series: Walang Hanggan (ABS-CBN)

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Most Popular TV Program Musical Variety: Eat Bulaga! (GMA-7)

Most Popular TV Program Talent Search/Reality: X-Factor Philippines (ABS-CBN)

(Special Award) Bert Marcelo Lifetime Achievement Award: Noel Trinidad


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN