Tila masaya na si Boy2 Quizon matapos ang kalungkutang dumaan sa kanyang personal life—ang pagkamatay ng kanyang lolo na si Dolphy noong isang taon.
“Actually, I’m okay. Naging busy nga because of this movie," pagtukoy ni Boy2 sa bago niyang pelikula na Coming Soon.
“So, kung ano yung nangyari sa personal na buhay namin ay napunta sa pelikula, e.
“Kasi pag mahal mo pala ang project ay kahit yung pinaka-pahinga mo na lang ay ibibigay mo pa sa kanya.
“Kung anuman yung pinagdaanan namin sa pagkamatay ni Lolo, kahit papaano ay nakakapag-move on na kami.”
Buong Quizon family naman daw ay nakapag-move on na sa pagkawala ni Mang Dolphy.
Sabi ni Boy2 sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Yeah. You know, one thing good about us is that we support each other emotionally.
“Like nitong nakaraang Christmas, magkakasama kami but, of course, malulungkot ka pa rin… Pero, we’re okay.
“Like ngayon, malapit na ang anniversary ng kanyang death… sa July [10].
"And then yung birthday [July 25] ng lolo ko ay malapit na din, so at least halos lahat ay uuwi dito.
“And everytime na nagkikita-kita lahat, masaya kaming lahat.”
FOUNDATION. Naitanong ng PEP kay Boy2 kung ano na ang nangyari sa Dolphy Aid Foundation na itinayo in memory of the late Comedy King.
“Good, good… it’s doing good,” mabilis niyang tugon.
“Si Kaizz [Eric Quizon] is on top of everything.
“Everything naman about Lolo, the family naman… we’re always there to support the foundation.
“At alam ko maraming tao ang natutulungan niya. And I know also that TV5 is always there to help us out.
Dugtong pa niya, “Up to now, yung movies ng lolo ko ay ipinapalabas pa rin at ang daming gusto talagang tumulong.
“One of them ay yung mga kaibigan natin sa production na hanggang ngayon ay natutulungan pa rin ng foundation.
“Marami sa kanila ang nagbe-benefit.”
LOVELIFE. Hirit namin sa kanya, ang puso niya, kumusta naman?
Natatawang sagot ni Boy2, “Ayos na ayos. Coming soon din.
“Okey din, wala akong girlfriend na bago ngayon. Wala akong idine-date na bago ngayon.
“Dahil nga siguro, puro mga kaibigan ko ang laging kasama ko ngayon, so I can say na I’m not really dating anyone.”
Matatandaan na ang huling na-link sa kanya ay ang comedienne na si Rufa Mae Quinto.
At minsan na rin niyang inamin na, “Yes, naging kami talaga na something na hindi naman namin plinano.
“And we’re better off as friends now.”
Dagdag pa niya tungkol sa estado ng kanyang puso, “Sakto lang—sakto talaga. At coming soon pa rin ‘yan.
“Darating at darating ‘yan. Focus muna sa work, then saka na si Kupido.”
