BB Gandanghari admits crush on Paulo Avelino: “Nakakahiya talaga, pero sige na nga! Si Paulo Avelino, crush ko talaga ‘yan.”

Aminado si BB Gandanghari na gusto rin niyang magpakasal. Sabi niya, “I wish and pray and I hope that it will happen to me someday. Ilagay na natin lahat. Kasi, magiging masaya ako sa… when the time comes.”


Hindi nakapagtataka na magkaroon din ng crush si BB Gandanghari.

Inamin niya sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kung sino ang showbiz crush niya ngayon nang makausap siya kamakailan sa taping ng Talentadong Pinoy ng TV5.

Nag-aalinlangang sabi ni BB, “Nakakahiya? Hay naku! Sino nga ba ang crush ko?

“Nakakahiya talaga, pero sige na nga! Si Paulo Avelino, crush ko talaga ‘yan.

“Ang type ko kasi sa guy ay yung medyo nasa mid-twenties. Puwede ring nasa thirties.

"Hindi ko masyadong type ang bagets.”



QUALITIES. Ano ang mayroon si Paulo na naka-attract sa kanya?

“Yung confidence level noong mama,” sagot niya.

“Basta, everytime I see him sa TV or sa stage or even the way he speaks. Need I say more?

“Physically? Ano… hindi kasi ako mahilig sa maputi, ha? Pero isa siya sa gusto ko ang pagka-puti.

“Tsaka, lalaki talaga ang dating niya sa akin.

"Kahit yung katawan niya, hindi over sa pagka-muscle, di ba? Iba ang dating niya.”



WHO ELSE? Nagbanggit kami ng mga pangalan kay BB upang alamin kung may iba pa siyang crush.

Si Coco Martin na siyang latest crush ng bayan?

“Hindi masyado. Hindi ako gaano masyadong mahilig sa pretty boy.

“Mas gusto ko kasi talaga, yung medyo may angas,” sabi ni BB.

Biro namin, katulad ng kapatid niyang si Robin Padilla?

Natatawang pagsisita niya, “Sobra namang peg mo ‘yan!

“Bakit naman si Robin pa? Sobrang bad boy image naman ‘yan!

“Gusto ko yung pa-English-English naman, pero medyo… Paulo talaga—ganoong tipo.”



MOMMY EVA. Muli naming kinumusta kay BB ang relasyon nila ng kanyang ina na si Eva Cariño-Padilla.

“Okey naman na kami. Mas maganda talaga ang relationship namin ngayon.

“Mas tanggap na niya ako ngayon.

“Nasasabi ko na rin sa kanya na may crush akong ganyan. Kumbaga, mas open ako sa kanya ngayon.

“Kasi noon, kapag may nasasabi siya, nao-offend pa ako, e. Feeling ko, parang ano pa siya, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ngayon, alam ko na pag may sinasabi siya, she means another thing.

“Alam ko na ano… ‘Sige, ‘wag na nating pag-usapan, naiintindihan ko na.’”

So, mas magaan na rin ang kanyang pakiramdam ngayon at mas nakahinga na siya nang maluwag?

Ani BB, “Siyempre naman. At least ngayon, hindi na ako naiilang sa kanya.

“Kahit sa lalaki, yung kaya ko na ring ipakilala sa kanya… yung I felt na I want it to be normal.

“Na yun bang kung sino napupusuan ko ay kaya ko nang ipakilala sa kanya na parang normal lang.

“Hindi para i-offend siya, kundi importante sa akin ang opinyon niya… mas maganda kung may approval.”

Pero ayaw naman ni BB na basta na lang ipakilala sa kanyang ina kung sino man ang lalaking magiging karelasyon niya.

“Oo, siyempre naman. Gusto ko rin siyempre yung sigurado din ako.

“Hindi naman yung parang in love na in love ako, tapos ipapakilala ko na agad.

“Pag-aaralan ko rin siyempre, kasi ayaw ko namang mapahiya. Nanay ko yung makakaharap niya, di ba?

“Dapat, kung sigurado akong magiging okay ang pagtanggap sa kanya.”



REAL WEDDING. Pinangarap din ba niya na magkaroon ng formal ceremony para ma-solemnize ang partnership ng kanyang magiging boyfriend?

“Gusto ko yun," sagot ni BB.

"Again, not just to prove anything, but it’s one way to celebrate yung partnership—plain and simple, di ba?

“I wish and pray and I hope that it will happen to me someday. Ilagay na natin lahat.

“Kasi, magiging masaya ako sa… when the time comes.”

Kung sakali mang nangyari iyon, ano ang gusto niyang setting?

“Alam mo, dalawa lagi ang pinagpipilian ko—either beach or garden wedding na parang Tagaytay ang effect.

“Pero, naka-trahe de boda ako!” natatawang sabi ni BB, na sinasakyan ang mga tanong namin.

Parang nakita tuloy namin si Jon Santos at ang partner nitong si West Stewart na sa Canada pa nagpakasal.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kasal na sila, di ba?” tanong ni BB.



COMPANIONSHIP. Naghayag naman ng mga dahilan si BB kung bakit gusto niyang “lumagay sa tahimik.”

Aniya, “Kasi maganda naman yung makakuha ka ng magiging kasama sa buhay.

“Kasi ako, I’ve been on my own for fifteen years already at nararamdaman ko na yung aloneness.

“Yung loneliness, natural lang naman sa atin ‘yan, pero iba pag ang feeling mo ay alone ka… mahirap, e.

“Nagso-solo ako, mabuti kung may kasama akong magulang, wala, e.

“Mahirap yung mag-isa ka lang, na wala kang kausap.

“Na may mga nangyari sa buong buhay mo na gusto mo may mapagkuwentuhan ka din.

“Nararamdaman ko na lahat yun… Nagsi-sink in na lahat sa akin.”



CROSS-DRESSING. Tinanong din ng PEP sa kanya kung ang pagdadamit niya ng babae ay panghabambuhay na.

Sagot ni BB, “Ako naman, this is really how I want to express myself.

“Iba-iba naman kasi ako, e. Sometimes I would dress up na hindi naman ganoon ka-feminine.

“Wala na sa akin yung… basta ako, kung ano lang gusto ko for the day, ganoon ako.

"I just wanna dress up the way I want every single day.

“I don’t know kung ito ba ang magiging the way I would dress hanggang sa tumanda ako.

“Now, what I can say is that I’m very comfortable. Hindi katulad ng dati na parang takot pa ako… ngayon, relax na relax na.”

Gumagawa ba siya ng isang fashion statement noong kararating niya galing Amerika na bumuluga naman ng local fashion scene?

Pasubali niya, “Alam mo, hindi naman talaga statement, e. I was then kasi in a transition.

“Yun ang fashion na bagay sa akin that time, kasi malaki pa ang katawan ko at bumagay sa akin.

“Lahat ng mga ginagamit ko noon ay medyo oversized.

“Ngayon ay medyo payat na ako, mas okay ako kaya nakakapagdamit na ako na noong look na gusto ko—simple lang.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



BEAUTY REGIMEN. Paano niya mini-maintain ang physique niya ngayo?

Sagot niya, “Okay lang. I just do little exercise, I do yoga. Tapos, hula hoop.

“Ang lola mo, ha? One hour na naghu-hula hoop sa bahay, ha?

“Kaya ninyo yun? Ang hirap, ha? But I really have to do it. Mahirap kasi pag lumaki ako.

“Kaya, kahit hirap ang lola mo, hala sige!

“Very fruitful and fulfilling naman… masaya ako.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN