Senatorial candidates Koko Pimentel and Ramon Magsaysay Jr. support Anti-Dynasty Bill; Alan Cayetano cries, “It’s about equalization..."

Senatorial candidates Alan Peter Cayetano, Ramon Magsaysay, Jr., and Aquilino ‘Koko’ Pimentel III are all second-generation politicians, but they have different views on the Anti-Dynasty Bill.


Magkakaiba ang opinyon ng tatlong senatorial candidates na sina Alan Peter Cayetano, Aquilino ‘Koko’ Pimentel III, at Ramon Magsaysay Jr. sa isyu ng Anti-Dynasty Bill.

Mga second-generation politicians ang tatlong senador na nasa ilalim ng Team PNoy Coalition.

Habang bukas ang dalawang senators na sina Pimentel at Magsaysay sa pagsusulong ng Anti-Dynasty Bill, may hesitasyon naman si Sen. Cayetano.

Ang political dynasty ay tumutukoy sa matagal na pamamahala ng isang angkan na may mga pulitikong miyembro, na minsan ay bumibilang rin ng henerasyon.

Sumasalungat ito sa 1987 Constitution ng bansa kung saan nakasaad sa Article 2 Section 26 ang sumusunod: "The State shall guarantee equal access to opportunities for public service, and prohibit political dynasties as may be defined by law."


Mula pa noong late ‘80s ay isinusulong na ang enabling law para sa Anti-Dynasty Bill, subalit hanggang ngayon ay hindi pa ito naaaprubahan.

Marami ang tumututol dito dahil ang monopoly of leadership ay posibleng maging dahilan ng corruption.

Sa ginanap na 1st Senate Forum noong Abril 9, sa UP Diliman Film Center, Quezon City, natanong sina Cayetano, Magsaysay at Pimentel kung pro o anti ba sila sa Anti-Dynasty Bill.

Unang sumagot ang anak ni dating Pangulo Ramon Magsaysay.

CERTIFICATION FROM THE PRESIDENT. “Yung isyu ng dynasty, matagal na ‘yan, nasa ating provision ng Constitution,” simula ng 74-anyos na pulitiko.

“Ngunit sunud-sunod ang file ng [Anti-Political Dynasty] bill. The latest I know was of [former senator] John Flavier.”

Si Flavier— na dati ring Department of Health secretary— ang author ng Senate Bill 12 na nagpapaliwanag at naglalayong supilin ang pagkakaroon ng political dynasties sa bansa.

“Maganda yung kanyang batas, measure," papuri ni Magsaysay.

"Pero ano’ng gagawin natin?

“Magpa-file tayo, magdedebate, bumabagsak every time,” lahad niya.

“So ang dapat gawin natin [ay] gawin nang certified bill [via an] administration measure.

“Ibig sabihin kung ang liderato—si President Benigno Aquino III— meron siyang political will to remove dynasty, bigyan siguro natin ng window— 5 years, 6 years— I don’t know...

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“But the most important [ay] yung kultura, dahil yung kultura ng ating bayan ay tended towards dynasty.

“Bagama’t maraming ayaw diyan pero ang nangyayari, pag ang anak o ang kapatid o ang ina o ang asawa ay nagustuhan, ano’ng sasabihin ng patron?"

Binigay niyang halimbawa ang pamunuan ng kanyang ama.

“Noong panahon ni Magsaysay, [sinabi niya] ‘Walang isang Magsaysay ang makakatakbo as long as I’m in office as President.’ Walang Magsaysay [ang tumakbo sa pulitika].

“’Yan po, kung gusto niyong mag-file ako, mas mabuti pa magpa-file pero [dapat ay] certified by the political leadership to make it certain na papasa.”

Dagdag pa ni Magsaysay, para raw ma-certify ito ng Pangulo, “Dapat magkaroon tayo ng referendum para makita natin—ng buong bansa— the whole population. Pag may referendum, pasado, gagawing certified ng Presidente.”

TIMES HAVE CHANGED. Sumunod namang sumagot ang anak ng dating senador na si Aquilino "Nene" Pimentel.

Bungad ni Koko, “Una sa lahat, gusto kong sabihin na trinabaho ko na ang Anti-Dynasty Bill, pero dahil sa ako’y one year and eight months lamang na senador, e, siyempre, naubusan tayo ng oras.

"Dahil yung one year at eight months ay meron pang six months na impeachment trial do’n.

“Pero inumpisahan ko na yung Anti-Dynasty Bill drafting, kasi nga sabi ko kailangan bigyan natin o irespeto natin yung mandato na nandun sa Article 2 Section 26 ng Constitution—that the State shall prohibit political dynasties as may be defined by law, so we really need this law defining political dynasties."

Pagpapatuloy pa ng senador, “Sinubukan na po natin ‘yan."

Gayunpaman, sa kabila ng pagsusulong nila ng panukalang anti-dynasty ay may natisod daw silang tatlong problema.

“Una, ano ang specific definition ng political dynasty?” tanong ng senador.

“Number two, ano ang degree of relationship na i-prohibit natin [pagtakbo ng kandidato mula sa isang political dynasty]?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“And number 3, ano ang offices na iko-cover natin sa Anti-Political Dynasty Law?

“So andiyan na kami sa stage na ‘yan. Masagot lang po yung tatlong ‘yan, we will be ready with a good model [for an] Anti-Political Dynasty Law."

Nagbitaw rin ng salita si Koko na kapag siya ay muling mananalo bilang senador, sa 16th Congress ay handa niyang ipagpatuloy ang nasimulang panukalang batas.

“I hope it’s a model Anti-Political Dynasty Bill and then, whether verified or not, ang importante kasi is to explain it, e. Explain to your fellow legislators and explain to the people, so that you will get the support from the people.”

Pagkatapos ay humirit pa ang senador, “Kasi ano’ng malay natin? The 1987 constitution is how old... 25 years old, 26 years old?

"Maybe times have changed.

“Gusto pa ba natin yung binanggit kong Article 2 Section 26?

“Nagustuhan ng taong-bayan [ang Saligang Batas] noong 1987 pero sa year 2013 gusto pa ba natin ‘yon?

“So the people must support such a bill and I’m ready, I’m 80-90 percent ready with the Anti-Political Dynasty Bill,” paniniyak ni Sen. Pimentel.


NOT THE QUANTITY BUT THE QUALITY. Samantala, base sa mga sagot ni Alan, halata na hindi siya pabor sa Anti-Dynasty Law.

Nakakatatlong termino na bilang senador ito, pati na rin ang kapatid niyang si Pia Cayetano na incumbent senator. Sumunod sila sa yapak ng kanilang yumaong ama, si former senator Rene Cayetano.

Nagsilbi namang councilor sa Muntinlupa mula 2004 hanggang 2007 ang kapatid ni Sen. Alan na si Rene Carl Cayetano.

Tumatakbo naman ngayon bilang representative ng lone District ng Taguig-Pateros ang TV/commercial director na si Lino Edgardo Cayetano, o mas kilala sa showbiz bilang si Direk Lino Cayetano.

Maging ang misis ni Sen. Alan na si Ma. Laarni Lopez-Cayetano ay kasalukuyang reelectionist sa pagka-mayor sa Taguig City.

“Kapag mali ang premise mo, mali din ang conclusion mo,” banat ni Alan sa isyu ng anti-dynasty.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“It’s about equalization, yung proseso maging equal ang opportunity sa gobyerno.

“So ang magpapahirap sa ating bansa, ‘no, ay yung corruption at ang pagre-represent ng mga pulitiko sa sarili nilang interes.

“So kahit marami kayo sa isang pamilya, pero ang ipinagtatanggol niya ay interes ng mga mamamayang Pilipino, okay ‘yon.

“Pero kung kokonti kayo, o kahit mag-isa ka lang at ang nire-represent mo ay interes mo lang, e, masama ‘yon."

Bilang pagsuporta sa mga kandidato na may kakayahang mamuno pero hindi kilala dahil baguhan, nagsumite siya ng panukala sa Supreme Court na dagdagan ang 120 minutes na airtime sa telebisyon at 180 minutes sa radio para sa mga political advertisements ng tumatakbo sa national elective positions.

Ang nasabing airtime limits ay itinakda ng Commission on Elections.

Ang rason ni Sen. Cayetano, “Dahil walang pag-asa [manalo] ang magaling pero walang pera o di kilalang kandidato.

“Sinasabi nila mahal ‘to. Mali, kasi puwede kang mag-regional pagka-120-180 minutes per station.

Ani Cayetano, isinusulong daw niya ito para magkaroon ng patas na pagkakataon ang mga gustong tumakbo sa gobyerno.

“Pero ang sinasabi kasing Anti-Dynasty bagamat masarap pag-usapan, bagamat ito ay issue, it misses the point of high prices, kawalan ng trabaho, kita.

“It’s not the dynasties that are causing these, it’s the equalization of opportunity in government.

“So kung corrupt kahit mag-isa lang siya, tanggalin. Kung hindi corrupt, kahit marami sila, nasa tao ‘yon, kung iboboto nila o hindi.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN