PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Heart Evangelista admits to thinking about marrying without her parents' permission

Heart on fighting for love: “Kung tama, gagawin ko.”
by Rommel R. Llanes
Published Apr 11, 2013
Aminado si Heart Evangelista na naiisip niyang hindi pupunta ang kanyang mga magulang kapag nagdesisyon siyang magpakasal. Paliwanag niya, “I always ano, e, I always thought of that. I never really thought of… siguro moment lang yun na naisip ko that I will have my parents at my wedding. I always thought that they will never be there because they will not be able to accept… no one talaga will be good enough for them. So I always… that wasn&

Dahil sa recent controversy tungkol kay Heart Evangelista, biniro namin siya na baka gusto ng kanyang mga magulang na mag-madre siya.

Tutol kasi ang mga magulang ng aktres na sina Rey at Cecile Ongpauco sa boyfriend niya ngayon na si Senator Francis “Chiz” Escudero, gaya ng pagtutol ng mga ito sa dating mga karelasyon ni Heart na sina Jericho Rosales at Daniel Matsunaga.

“Hindi naman!” ang natatawang reaksiyon ni Heart nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong Lunes, April 8, sa taping ng Forever sa Urology Center of the Philippines sa Diliman, Quezon City.

GETTING MARRIED. Posible kaya na dahil sa kaguluhan at sa epekto nito ay biglang maisipan ni Heart na mag-asawa na—kahit walang permiso ng kanyang mga magulang?

Tugon niya, “I always ano, e, I always thought of that.

“I never really thought of… siguro moment lang yun na naisip ko that I will have my parents at my wedding.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“I always thought that they will never be there because they will not be able to accept… No one talaga will be good enough for them.

“So I always… that wasn’t a problem for me.

“That’s why I always say I wanted a small wedding.”



TIME TO SETTLE DOWN? Ngayong tapos na ang taping ng Forever—bagamat hanggang April 19 pa itong mapapanood sa GMA-7—at bakante at pahinga na si Heart, naisip ba niyang ito na ang time na mag-asawa siya?

“A, no, no!” mabilis niyang tugon.

“I don’t… the difference now and before—I’m not rebelling now.

“I’m just simply living my life the way I want to live my life, what I think is right.

“Before, yes, I was in love before, yes.

“Wala naman din akong maling ginagawa; but at that time, now or never.

“Yung ganun, ‘Oh, it’s now or never!’

“So kahit may natapakan akong iba, may nasaktan ako, hindi ako nag-ingat sa mga actions ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Kahit wala namang mali, pero hindi ko iningatan, hindi ako nag-isip.

“Yung time na yun, sige, gagawin ko lahat for love, you know?

“Now, it’s not.”

FIGHTING FOR LOVE. Ngayon ba ay hindi na niya gagawin ang lahat para sa pag-ibig?

“Kung tama, gagawin ko,” sagot ni Heart.

Kung babalikan niya ang nakaraan, may pagsisisi ba siya na sana ay ipinaglaban niya ang dati niyang pag-ibig, tulad ng pakikipaglaban na ginagawa niya ngayon?

“No… I think it comes with age, e. It really comes with age.

“You cannot compare before.

“The situation is the same but the person is different, the character, so it’s not the same.”

Hindi ba nakakainis na nasa tamang edad na siya, pero ang trato sa kanya ng mga magulang ay tulad pa rin ng dati?

Natawa muna ang 28-year-old actress at sinabing, “Wala, mahal nila ako, e, parang ganun talaga, e.

“Many times I tried to ask how to do this, ganyan, but they’ll always think of me like that… so, hindi naman.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Parang I try to do na lang my own thing on the side, you know, to experiment what I want in life, ganyan.

“But I just want them to be happy.”

Handa ba si Chiz na tumayo at lumaban kasama niya?

“Yeah, oo naman, in fairness naman sa kanya.”

CHIZ'S WORDS. Ano ang pinakamagandang sinabi sa kanya ni Chiz sa gitna ng isyu nila sa kanyang mga magulang?

“He just said that, ‘You know this too shall pass.’

“And ‘Magulang mo ‘yan, kahit ano pa ang mangyari, ganyan. One day mami-miss ka din nila.’

“My dad especially will miss me one day.

“And, you know, parang sinabi lang niya [Chiz] sa akin na, ‘No matter what you do, you always think many times before you decide on something because, even from afar, you would want them to be proud of you.’

“So that’s what I plan to do.”



CHANCE ENCOUNTER. Paano kung sakaling biglaang nasalubong ni Heart ang mommy niya sa isang lugar?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Oh, my gosh! Actually iniisip ko na 'yan, e. Kasi nag-Makati ako nung isang araw.”

Palinga-linga raw si Heart habang naglalakad.

Ano ang una niyang sasabihin sa ina kung sakali; ano ang gagawin niya?

“I will definitely… I would greet her, you know, and I would ano…

“But hindi mo kasi mapipilit ang isang bagay kung ayaw talaga, kung ayaw nila, e.”

Kahit biglaan?

“Ewan ko.”

Given a chance na makausap niya ang kanyang mommy, ano ang una niyang sasabihin dito?

“Hindi ko alam! I don’t know! I don’t know,” sagot ni Heart.

Aminado siyang may tampo pa rin siya sa ina.

“Yes.”

Nasaktan daw si Heart, pero hindi siya galit dito.

“Hindi ko kayang magalit, hindi ko talaga kayang magalit.

“I don’t hate them, I love them so much.

“That's what makes me tampo—it’s because I love them so much.

“Why?! Parang they don’t have a lot of time, especially my dad, we’re all getting so old, why now?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Parang before, okay lang kasi there’s so much time to make mistakes. Now, none.”

Ang mga kapatid ni Heart ba ay hindi sumasali sa gulo?

“They are also very upset because it’s something that shouldn’t have happened, so they tried to fix things.

“But we can’t do ano… I think maybe… there must be something… a great lesson that we all need to learn from this.”

Nakakausap naman daw ni Heart ang mga kapatid niya.

“Mom and dad ang hindi.”



RENTING A CONDO. Umalis si Heart sa kanyang condo unit noong kasagsagan ng kontrobersiya nila ng kanyang mga magulang. Nagrerenta siya ng bagong condo unit ngayon.

Paliwanag niya, “Kasi yung mga condo ko, hindi ko na pinupuntahan.

“Kasi ayoko, e, paparentahan ko na lang sila sa iba, oo, parang it’s hard, e.”

Laging ganito ang proseso ng buhay ni Heart na palipat-lipat siya ng tirahan kapag may problemang personal.

“Lumilipat ako ng bahay, paulit-ulit, oo. Kasi hindi ko kaya sa isang bahay na parang nasu-suffocate ako.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

O may mga bagay siyang ayaw maalala?

“Or something, so kailangan kong umalis talaga.

“Kasi hindi naman ako umaalis ng bansa, aalis na lang ako ng bahay.

“Pero this time, I didn’t want to leave my house.

“Bagong design ko lang yun, pininturahan ko pa yun and everything.”



FRIENDS. Malaki raw ang naitulong ng mga kaibigan ni Heart na sina Alessandra de Rossi at Lovi Poe sa mga panahong may personal na krisis siya.

“Yes, sobra! Na-touched talaga ako.

“Si Alex, siya ang nag-e-encourage sa akin na mag-painting, ganyan.”

Kuwento pa ni Heart, “Nakapunta ako dun sa dati kong bahay, sumaglit ako dun.

“Nakabalik ako, e, recently, kumuha ako ng gamit.

“Tapos kinuha ko yung tokador ko, kaming dalawa [ng assistant niya] ang nagbuhat.

“Tapos dinala namin sa bahay ni Alex kasi dun din ako nag-i-stay minsan, e.

“So pininturahan namin ni Alex, bumili si Alex ng Boysen [paint]!

“Pinagluluto nila ako, ganyan.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ngayon daw ay nakikilala ni Heart ang mga tunay niyang kaibigan.

“Sobra, sobra talaga, sobra talaga.”

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Aminado si Heart Evangelista na naiisip niyang hindi pupunta ang kanyang mga magulang kapag nagdesisyon siyang magpakasal. Paliwanag niya, “I always ano, e, I always thought of that. I never really thought of… siguro moment lang yun na naisip ko that I will have my parents at my wedding. I always thought that they will never be there because they will not be able to accept… no one talaga will be good enough for them. So I always… that wasn&
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results