Jennica Garcia disproves critics as relationship with Alwyn Uytingco gets better and stronger

Isa raw sa sikreto sa matatag na relasyon nina Jennica Garcia at Alwyn Uytingco ay ang pananalig nila sa Maykapal. Sabi ni Jennica, “Siyempre, may kasamang dasal lahat. We let God be the center of our relationship.”


Natupad ang hiling ni Jennica Garcia na maging tahimik at hindi na maging kontrobersiyal ang kanyang buhay-pag-ibig.

Noong una kasing lumabas ang tungkol sa kanyang relasyon kay Alwyn Uytingco, maraming nagbigay ng hindi magagandang komento.

Pero napatunayan ni Jennica na tama ang lalaking napili niya at ngayon ay more than three years na sila at matatag pa rin ang kanilang samahan.

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Jennica sa taping ng Bukod Kang Pinagpala sa Tagaytay City last April 5.

Saad niya, “Wala akong marereklamo sa situation ng lovelife ko ngayon—happy po ako!”

“Kung noong nag-uumpisa pa lang kami ni Alwyn, maraming may ayaw, maraming hindi pabor.

“Okey lang naman yun. Tanggap namin iyon. You cannot please everybody sa mga nagiging desisyon mo sa buhay.

“Meron at meron pa ring hindi sasang-ayon.

“Pero naging strong kami ni Alwyn. Yung mga intriga, mas nagpatatag sa amin.

“Kung mahina lang kaming pareho, baka hindi kami umabot nang ganito katagal.”



DIVINE INTERVENTION. Isang sikreto raw sa kanilang matatag na samahan ay ang laging pagdarasal sa Diyos.

“Pareho naman kami ni Alwyn na madadasalin.

“We attend Bible studies at iyon ang nakakadagdag ng strength sa aming dalawa.

“Aminado kami na minsan may mga pagkakataon na nag-aaway kayo, meron kayong hindi napagkakasunduan—natural naman lahat iyon.

“Pero nagagawa ninyo pa ring magkaayos.

“Huwag lang sasabay ang galit ninyo—yung parehong mainit ang ulo ninyo.

“Kapag cool na ang lahat, yun na ang time na mag-usap nang maayos.

“At nagkakaroon ng magandang result kapag ganoon ang ginagawa namin.

“Siyempre, may kasamang dasal lahat. We let God be the center of our relationship.”

Lumakas na rin daw ang tiwala nila Jennica at Alwyn sa isa’t isa at tapos na raw ang selos factor sa kanilang dalawa.

Sabi pa ng Kapuso young actress, “Na-survive nga namin ang stage na iyon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Lahat naman ng magkakarelasyon dumadaan sa selosan, di ba? Hindi naman mapipigilan iyon.

“Kami ni Alwyn, nalagpasan na namin lahat ‘yan.

“Pareho na kaming umiyak, nasabi na namin ang mga gusto naming sabihin sa isa’t isa. Kumbaga, open ang lahat sa amin.

“Kaya yung tiwala mas lumakas. Mas maganda naman ang ganoon, di po ba?

“Ngayon, kahit nasaan kaming lugar, malayo man kami sa isa’t isa, alam naming walang magiging problema.”



PARENTS’ APPROVAL. Masaya namand aw ang mga magulang ni Jennica sa maayos at matatag na relasyon niya kay Alwyn.

Nabanggit ni Jen na sa kanyang parents na sina Jean Garcia at Jigo Garcia, mas mabilis daw mag-react sa mga tsismis ang kanyang ina.

“Si Mama kasi, super-react talaga ‘yan.

“Malalaman ko na lang nagpa-interview na siya. Mas nauuna pa sa akin!” tawa pa niya.

“Kapag tinawagan na ako ni Mama, alam kong may gusto siyang malaman.

“Ako naman, wala akong secret na itinatago kay Mama, lahat sinasabi ko.

“Hindi ako puwedeng magtago ng anuman kasi mahahalata ni Mama. Kaya kung ano ang gusto niyang malaman, sinasabi ko.

“I appreciate na si Mama ay ganyan. Lahat naman ng mothers ay ganyan, e—very protective sa mga anak nila.

“Kaya hindi ako naiinis na maraming tanong si Mama sa akin.

“I know na she wants me to be happy and she will always be there kapag kailangan ko siya.”

Ang kanyang ama namang si Jigo ay minsan dedma sa mga nakakarating na tsismis dito.

Ayon kay Jennica, “Kahit alam kong alam niya… hindi siya yung may reaction agad tulad ni Mama.

“Ako pa nga nagsasabi sa kanya na may ganyang balita about me and Alwyn.

“Sasagutin ako ng ‘Meron ba?’ sabay ngingiti na lang siya.

“It only means that Papa trusts me with everything.

“Kapag nagkikita kami ni Papa, hindi siya yung magtatanong. He lets me say it na lang sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Feeling ko, ayaw lang ni Papa na sabihan siyang tsimoso!” sabay tawa ni Jennica.



AT WORK. Sobrang masaya naman si Jennica dahil patuloy na tumataas ang ratings ng Bukod Kang Pinagpala sa GMA-7 Afternoon Prime.

Mas bumibigat daw ang role ni Jennica bilang Ofelia at lagi siyang excited sa mga magiging eksena niya sa series.

“Masarap po kasing magtrabaho kapag lahat ng mga kasama mo ay kasundo mo… yung masaya kayong lahat.

“I look forward parati sa tapings namin. Kami kasi nina Ate Camille [Prats] at Jackie [Rice], girl talk kami parati kapag breaktime.

“Nagtatanong nga ako parati kay Ate Camille tungkol sa pagiging mother niya.

“Parang nakakainggit na may anak na siya at parang magbarkada lang sila.”



MARRYING AGE. Nasabi noon ni Jennica na gusto niyang magkaroon ng pamilya kapag 25 years old na siya.

Gusto kasi niyang magsimula nang maaga para marami pa siyang puwedeng gawin kasama ang mga magiging anak niya.

“Yun po ang gusto ko talaga. Yung parang barkada lang kami ng mga magiging kids ko.

“Kami kasi ni Mama, ganyan kami. Eighteen years old lang kasi si Mama noong maging anak niya ako.

“Kaya yung age gap namin ay hindi ganoon kalaki.”

Twenty-three years old na nga si Jennica ngayon at dalawang taon na lang ay nandoon na siya sa target age niyang magkaroon ng pamilya.

Hindi na ba mababago ang kagustuhan na ito ni Jennica.

“Pinagpe-pray ko po parati ‘yan—kung tama lang ba o maghintay pa ako—humihingi nga po ako ng sign.

“May dalawang taon pa naman. Sa ngayon, trabaho lang muna tayo.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN