PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Eula Valdes on having a baby with boyfriend Rocky Salumbides: “Kung ako, ayoko na. Pero kung bibigyan kami, kung magkaka-anak, di alagaan, di ba?”

Eula on remake of Pangako Sa 'Yo: "Bakit pa?"
by Joyce Jimenez
Published Apr 12, 2013
Eula Valdes admits that she doesn’t want to get pregnant again, since her pregnancy with second child Juliana wasn’t easy. But if her boyfriend Rocky Salumbides asks for it, Eula says, “Kung bibigyan kami, kung magkakaanak, di alagaan, di ba?”

“Bakit pa?” ito ang balik na tanong ni Eula Valdes nang tanungin ang reaksyon niya tungkol sa pinaplanong remake ng ABS-CBN primetime series na Pangako Sa ‘Yo (2000).

“Matagal ko nang naririnig ‘yan, ang intial reaction ko, ‘Bakit pa?’

“Kasi it did very good nung time na ‘yon, and normally magsa-suffer lang sa comparison yung mga magre-remake.

“Pero siyempre, nasa kanila naman ‘yon kung gusto nilang ulitin, okay lang. Wala, wala na akong masasabi kundi iyon.”

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ibang entertainment press si Eula kahapon, Abril 11, sa presscon nila ni Eula Caballero para sa upcoming fantaserye ng TV5 na Cassandra: The Warrior Angel, sa Annabel’s restaurant sa Tomas Morato, Quezon City.



PACKAGE DEAL? Samantala, isang taon na kontrata ang pinirmahan ni Eula sa TV5.

At hindi pa man umeere ang unang proyekto niya sa Kapatid network ay tila may isyu na—ang pagkakasama ng kanyang nobyong si Rocky Salumbides sa cast ng show.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Wala po akong kinalaman do’n,” mabilis na tanggi ng award-winning actress.

“In-inform lang ako ni Ricky Gallardo, manager namin, na kinuha rin daw po si Rocky.

“Mamatay man ako ngayon. Yes, mamatay man ako, wala akong… hindi naman ako magpu-pull ng strings para magkaro’n siya ng trabaho.

“Nagkataon nga na kinuha siya, siyempre natuwa naman ako for him.”

Dagdag pa ng aktres, ikinatutuwa rin niya na ipagpapatuloy na ng kanyang nobyo ang showbiz career nito.

Nakakapanghinayang daw kasi kung hindi niya ito itutuloy, lalo na at nanalo si Ricky ng Breakthrough Performance by an Actor sa 8th Golden Screen Awards, para sa unang pelikulang ginawa nito, ang Tarima (2010).

Pagbabahagi ni Eula, “Kasi before, yung last na ginawa niya, Imortal (2010), medyo alangan pa siya no’n mag-artista kasi hindi siya sanay. Parang very reluctant siya kung itutuloy niya o hindi.

"Yun nga ang sabi ko sa kanya, [na] siguro sayang yun, na dapat ipagpatuloy niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Kinukumbinsi ko siya kasi nasayangan ako.

"Sabi ko, ‘Ikaw nga, kabago-bago mo pa lang nagkaro’n ka na ng acting award, ako ang tagal-tagal bago nagkaro’n.’”



PREGNANCY PLANS? Napag-usapan na rin lang ang kanyang nobyong si Rocky, kinumusta na rin namin kay Eula ang relasyon ni Rocky sa kanyang mga anak.

Mayroong dalawang anak si Eula sa una niyang asawa na si Ronnie Quizon—sina Miguel (18 years old) at si Juliana (8 years old).

Magli-limang taon naman na ang relasyon nina Eula, 44, at Rocky, 30.

Maganda naman daw ang relasyon nito sa kanyang dalawang anak.

Kuwento pa ni Eula, “Naiyak nga ako nung sinabi niya na masaya na siya dun sa dalawang anak ko.

“Kasi lalo na yung bunso, mahal na mahal niya.

"Kasi kapag aalis siya o kaya uuwi siya sa bahay nila, humahabol yung bunso ko—eight years old na ‘yon, e.

“Siya talaga yung girlfriend, e, as in!

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Kung mag-asikaso ‘yon kay Rocky, grabe, tatanong niya, ‘Saan ka pupunta? Magdyi-gym ka?’ ganyan, 'Sasama ‘ko,' sumasama!” sabay tawa ng aktres.

Pero hindi ba nila naiisip na magkaroon ng sariling anak?

“Gusto niya,” pag-amin ni Eula.

“Matagal na niya ‘yon sinasabi, pero yung last kasi na pregnancy ko, nahirapan ako.

"And since sa edad ko nga ngayon, either genius or alam mo na ‘yon, di ba?

“Kung kayo ang magbubuntis, why not?

"Pero since nahirapan nga ako nung second pregnancy ko, ayoko mag-take ng risk.

“Although naaawa ako, kaya sabi ko, 'Sorry, parang naawa naman ako sa ‘yo. Hihinto ang lahi mo sa ‘yo.’

“Di ba, for a guy naramdaman ko ‘yon, na disappointed siya, frustrated siya na bahala na.

“Kung ako, ayoko na. Pero kung bibigyan kami, kung magkakaanak, di alagaan, di ba?

“Pero siya, hindi na niya ako kinukulit na gusto niya magkaanak.”

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Eula Valdes admits that she doesn’t want to get pregnant again, since her pregnancy with second child Juliana wasn’t easy. But if her boyfriend Rocky Salumbides asks for it, Eula says, “Kung bibigyan kami, kung magkakaanak, di alagaan, di ba?”
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results