Lovi Poe continues guessing game over network-transfer issue: "Let’s just wait na lang."

by Rose Garcia
Apr 12, 2013
Bagamat nakapagdesisyon na si Lovi Poe tungkol sa nababalitang paglipat niya ng network, ayaw pang sabihin ng aktres kung ano ang naging desisyon niya: Kung mananatili siya sa GMA-7 o lilipat na nga ba siya sa TV5. Paliwanag niya, "It’s not yet time for me to talk about it and I’m not in the position to disclose anything."

Nakapagdesisyon na raw si Lovi Poe tungkol sa pinag-uusapang paglipat niya ng network.

Ngunit ayaw pang sabihin ni Lovi kung ano ang kanyang desisyon—kung mananatili siya sa GMA-7 o lilipat siya sa TV5.

Sabi ng aktres sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Well, the truth is, I’ve already decided.

“I’m not in a position to actually disclose anything or say things right now, but I just made a decision.”

May malaking pagbabago ba na magaganap o magpapatuloy lang kung anuman ang meron siya ngayon?

“Let’s wait and see, parang may hidden meaning ang question!” natawang sagot ni Lovi.

Marami ang nagsasabing lumipat na siya sa TV5, lalo’t hindi na siya napapanood ngayon sa alinmang programa ng GMA-7.

Sabi ni Lovi tungkol dito, “What I said is, I already made a decision, but it’s not yet time for me to talk about it and I’m not in the position to disclose anything.

Continue reading below ↓

“Let’s just wait na lang. Soon naman, e.”

Siya lang ba ang nagdesisyon nito?

“Well, of course, it’s something that we talked about it.

“But of course, sa akin naman, it’s something na pinag-uusapan.”

Si Lovi ay mina-manage ni Leo Dominguez, na manager din ni Ogie Alcasid na napapabalita ring lilipat na sa Kapatid network.

Paano niya tinimbang ang desisyon na ginawa niya?

“It’s hard to say, e, it’s not easy…” tugon ni Lovi.



LOVE & LIES. Dahil hindi pa siya makapagdesisyon noon—kung mananatili siyang Kapuso o magiging Kapatid na siya—ang role ni Lovi sana sa bagong primetime series ng GMA-7 na Love & Lies ay napunta kay Bela Padilla.

Nanghinayang din ba siya?

“Of course, I wanted to work with Chard [Richard Gutierrez]. But I’m happy rin naman that Bela is doing it,” sabi ni Lovi.

Mas malaki ba ang magiging kapalit nito?

“No, no, no… it’s hard for me to answer. Let’s wait for the decision.

Continue reading below ↓

“Basta for me, I’m happy.”

Pero posible ba na mas maraming exciting at magandang mangyayari sa career niya ngayon?

“Of course, I’ve always been excited and I’ve always been inspired and work-driven.

“Mas lalo ngayon. Mas lalo akong motivated.”

Ano ang mas gusto niya: Mas malaking talent fee o mas magandang proyekto?

“For that question, all of the above!” natawang sagot ni Lovi.



HEART EVANGELISTA. Naitanong din kay Lovi ang suportang ibinibigay niya sa kaibigang si Heart Evangelista, na dumadaan sa malaking pagsubok ngayon dahil sa pagtutol ng mga magulang nito sa relasyon nila ni Senator Chiz Escudero.

Sabi ni Lovi, “I really love her to death. She’s like my best friend, my sister… and she’s a a very strong woman.

“Lahat naman, lahat kaya niya. We’re all here for her.”

Naka-relate din ba siya sa pinagdadaanan ni Heart?

Sagot ni Lovi, “With that naman, that’s really hard to answer.

Continue reading below ↓

“With that, I don’t think I’m in the position to say anything because I’m just here by her side, yun na lang.”

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Bagamat nakapagdesisyon na si Lovi Poe tungkol sa nababalitang paglipat niya ng network, ayaw pang sabihin ng aktres kung ano ang naging desisyon niya: Kung mananatili siya sa GMA-7 o lilipat na nga ba siya sa TV5. Paliwanag niya, "It’s not yet time for me to talk about it and I’m not in the position to disclose anything."
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results