PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Bianca Gonzalez says she is considered as an "adopted daughter" of ex-boyfriend Lino Cayetano's family

Bianca says she has no plans of joining politics.
by Ava May Robles
Published Apr 13, 2013
Kapamilya host Bianca Gonzalez says her relationship with ex-boyfriend Lino Cayetano's siblings has gotten better after their breakup. Bianca, 30, added that she feels like she is an adopted family member of the Cayetanos.

Nagsilbing moderator ang host na si Bianca Gonzalez sa Google Hangout event ng senatorial candidate na si Senator Alan Peter Cayetano sa The Mind Museum sa J.Y. Campos Park, 3rdAvenue, Taguig City.

Sa nasabing event, ilang overseas Filipino workers (OFWs) mula sa iba't ibang bansa ang nagtanong at nagpahayag ng kanilang mga hinaing kay Senator Cayetano, via online video conference.

Pagkatapos ng event, nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Bianca.

Kapansin-pansin na tila maganda pa rin ang relasyon ni Bianca sa pamilya ng kanyang ex-boyfriend na si Lino Cayetano.

Ayon sa TV host, parang kapatid na ang turing sa kanya ng mga kapatid ni Lino na sina Alan, Senator Pia Cayetano, at former Muntinlupa councilor Rene Carl Cayetano.

“Para akong bunsong kapatid ng mga ‘yan, e,” pagkumpirma ni Bianca.

Nagkahiwalay sina Bianca at Lino noong 2006 matapos ang higit isang taong relasyon.

Ang boyfriend ngayon ni Bianca ay ang PBA player na si JC Intal.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

CLOSER THAN BEFORE. Sabi pa ni Bianca, “Actually it all worked out for the best because even after Lino and I broke up, I was very much in touch with Ate Pia, Kuya Alan, and Ren... even Kuya Alan’s partner—si Ate Lanie [current Taguig mayor].”

Mas naging close pa raw siya sa mga kapatid ni Lino nang magkahiwalay sila.

“Even when di kami magkausap ni Lino, mga siblings [niya] magkausap kami, kasi I think because I have a lot of advocacy projects.

"Yun nga, we share the same vision.

“That’s why nagagawa ko yung projects ko sa Taguig, which is why I kept in touch… and kumbaga nakatulong kami sa isa't isa, e.

Ang main advocacy ni Bianca ay edukasyon para sa mga kabataan.

Siya ang founder ng Help Kids Learn Project, kung saan nagbibigay sila ng mga libro at book supplies sa mga kabataan.

Katuwang din siya sa book drive ng United Nations Children’s Fund o UNICEF.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“So na-surpass na yung kung anuman yung before [sa amin ni Lino]. Parang na lang nga akong adopted [sister nila].”

NO TO POLITICS. Speaking of politics, nilinaw ni Bianca na wala siyang intensiyon na pasukin ang mundo ng pulitika.

Kuwento niya, “Nung ginagawa ko yung Y Speak [youth-oriented debate show, 2003-2010], lagi akong tinatanong ng mga tao.

“Actually, lalo na nang na-meet ko yung family nila [Cayetano] kasi nakita ko kung gaano kahirap.

“It’s not for everyone. It’s really a different kind of dedication.

“Ang hirap ng buhay nila.”

Ayon sa 30-anyos na TV host, hindi niya kailangang maging pulitiko para makatulong sa kapwa.

Kuntento na raw siya na makatulong sa pamamagitan ng kanyang mga proyekto para sa mga kabataan.

Very active din si Bianca sa mga social networking sites at vocal sa pagpapahayag ng kanyang opinyon sa iba't ibang isyu.

Higit dalawang milyon ang online followers ni Bianca sa Twitter at marami ang nai-inspire sa kanya.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Nilinaw niya na hindi niya hinangad na magkaroon ng malaking impact sa mga kabataan online.

“Parang bonus na lang yung may mga nagpa-follow sa akin sa Twitter o kung saan man.

“I don’t think about it that way na parang kunyari I’m going to do this project kasi gusto kong maka-inspire ng mga bata.

“Ginawa ko kasi it’s something I’m passionate about.

“Sobrang laking bonus na natuwa ang mga tao, nakita nila, tapos gumawa sila ng sariling project na parang ganon.

“Yun ang most fulfilling about it.

"Kunwari a lot of people, gumawa sila ng blog to share their opinion dahil daw nabasa nila ang blog ko.

“Yun yung most rewarding na merong naging take-home sila, nagiging [positive] result yung influence,” pagwawakas niya.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kapamilya host Bianca Gonzalez says her relationship with ex-boyfriend Lino Cayetano's siblings has gotten better after their breakup. Bianca, 30, added that she feels like she is an adopted family member of the Cayetanos.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results