Jake Cuenca fulfills wish to be paired with Jessy Mendiola in Maria Mercedes

Sa unang pagkakataon ay makakatambal ni Jake Cuenca sa isang teleserye ang young actress na si Jessy Mendiola sa pamamagitan ng Pinoy remake ng Mexicanovela na Maria Mercedes. Sabi ni Jake, “At saka, gusto ko rin naman nape-pair sa iba’t ibang tao at isa na naman siyang oportunidad na iba ang mapanood ng mga tao. Ayoko lang kasi ng nape-predict na kapag pinanood ka ng audience mo, very predictable na ang pag-arte mo, mape-pair sa iyo. Ayoko ng ganoon, e. Gusto ko ng


Bukod sa Lihis, marami pang pelikula si Jake Cuenca.

Natapos na niya ang Tuhog sa Star Cinema kasama si Eugene Domingo; may Nagalit Ang Buwan Sa Haba Ng Gabi pa siya sa Viva Films; at may pang-Cinemalaya entry rin siya na Nuwebe kasama naman si Nadine Samonte.

May bago ring teleserye na gagawin si Jake sa ABS-CBN, ang Maria Mercedes, kunsaan sila ni Jessy Mendiola ang magiging magkapareha.

Ang Maria Mercedes ay remake ng Mexican telenovela na may ganun ding pamagat. Pinagbidahan ito ni Thalia.

Si Jake ang gaganap bilang si Jorge Luis, na unang ginampanan ng Mexican actor na si Arturo Peniche.

Sabi ng Kapamilya actor sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Alam ninyo, hindi ko pa masyadong napapanood ang Maria Mercedes, pero meron akong mga nakita sa YouTube na clip.

“Akong-ako raw ang role kaya more or less, tsinallenge [challenged] ko rin ang sarili ko sa mga pelikula.

“Again, akong-ako lang ang role na yun kaya I wanna be doing things na hindi ako.

“Pero, sobrang grateful ako kasi may teleserye ako ulit.

“Si Jessy Mendiola pa ang leading lady at si Direk Chito Roño pa ang director.

“So, isa rin siyang bagay na hindi mo mahihindian.”

Gaano naman siya ka-excited na si Jessy ang leading lady niya?

“Sobra,” nakangiting sabi ni Jake.

“Napapanood ko ang Paraiso at ang laki na ng in-improve niya, ang laki na ng maturity level niya as an actress and as a person.

“Tapos, magkaibigan din kami, so excited akong makatrabaho siya.

“Tinanong din kasi ako ng Star Magic kung sino pa ang mga gusto kong makapareha at isa siya sa nasabi ko.

"Nagkatotoo, so nakakatuwa talaga.”



UNPREDICTABLE. Hindi kaya siya dapat matakot kay Matteo Guidicelli, na balitang boyfriend ni Jessy ngayon?

Sabi ni Jake, “Kay Matteo? Magkaibigan naman kami ni Matteo at trabaho lang naman sa akin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“At saka, gusto ko rin naman nape-pair sa iba’t ibang tao at isa na naman siyang oportunidad na iba ang mapanood ng mga tao.

“Ayoko lang kasi ng nape-predict na kapag pinanood ka ng audience mo, very predictable na ang pag-arte mo, mape-pair sa iyo.

“Ayoko ng ganoon, e. Gusto ko ng magugulat at magugulat ang mga tao.”



SPANISH ROOTS. Na-recharge naman daw si Jake mula sa sunud-sunod na trabaho niya dahil kakauwi lang niya galing sa dalawang linggong pagbabakasyon sa Spain.

Ayon kay Jake, “Ang saya, sobra!

"Last time akong nagpunta doon, I was fourteen years old, ten years exactly… bago ako mag-artista.

“Doon na sana ako, umuwi lang ako para kunin ang gamit ko, tapos bigla akong naging artista.”

Walang regret na hindi na lang siya nanatili sa Spain?

“Hindi, saya ng buhay,” sabi niya.

“Pero na-miss ko talaga ang pamilya ko. Sobrang parang na-energize ako at na-recharge ako doon.

“Feeling ko, kailangan kong gawin yun once a year.”

May mga kaibigan pa raw siya sa Spain bukod sa buong side daw ng ama niyang Kastila ay nandoon.

“I have my childhood friends, cousins ko kasi kaedad ko, so mga kababata ko talaga mga yun.

“Kaya nag-enjoy ako nang sobra.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN