Donaire loses to Rigondeaux in close bout; ends 12-year undefeated streak

Tinalo ng Cuban boxer na si Guillermo Rigondeaux ang Pinoy boxer na si Nonito Donaire, na meron nang dalawang talo na naitala sa kanyang professional boxing career.


Tapos na ang 12-year undefeated streak ni The Filipino Flash Nonito Donaire.

Ito ay matapos siyang ideklarang talo sa kanyang unification bout laban kay Guillermo Rigondeaux ngayong araw, April 14, sa Radio City Musical Hall sa New York City.

Ayon sa scorecard ng mga hurado matapos ang 12 rounds, bahagyang nakaungos ang boksingerong Cuban: 114-113; 115-112; at 116-111.

Isang close fight ang naturang labanan, na nagkaroon lamang ng isang masasabing knockdown. Nangyari ito sa Round 10 nang mapabagsak ni Donaire si Rigondeaux sa pamamagitan ng isang straight right na suntok.

Gayunpaman, ibinigay pa rin ng mga hurado at kilalang boxing analysts ang panalo kay Rigondeaux, na umano’y mas maraming suntok ang ipinaulan kay Donaire.

Ito ang ikalawang pagkatalo ni Donaire, na sa ngayon ay may boxing statistics na 31 wins, 2 losses, at 20 knockouts.

Samantala, undefeated pa rin si Rigondeaux, na sa ngayon ay may 12 wins, 0 losses, at 8 knockouts. Ang 32-year-old boxer ay dating representative ng Cuba sa Olympics, kung saan nakakuha ito ng dalawang gintong medalya.

Si Rigondeaux na ang unified champion ng World Boxing Association at World Boxing Organization sa kanyang 122 lbs division.

Sa panayam ng boxing commentator na si Max Kellerman kay Donaire matapos ang kanyang pagkatalo, inamin ng 30-year-old boxer na hindi siya gaanong nakapaghanda sa laban niyang ito.

Para sa mas detalyadong report, visit SPIN.ph.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN