Kris Aquino leads list of top individual taxpayers for 2011

Ang tinaguriang “Queen of All Media” at presidential sister na si Kris Aquino ang nangunguna sa listahan ng mga indibiduwal na nagbayad ng kanilang buwis sa gobyerno ng Pilipinas nung 2011.


Sa kalalabas lang na Top 500 Individual Taxpayers For Tax Year 2011 sa website ng Bureau of Internal Revenue (BIR), nangunguna sa listahan ang tinaguriang “Queen of All Media” at presidential sister na si Kris Aquino.

Sa talaan, ipinakitang ang binayaran ni Kris bilang Regular Income Taxes Paid To The Philippines nung 2011 ay P49,871,657.37.

Nung 2010 ay ang direktor na si Carlo J. Caparas ang taga-showbiz na may pinakamalaking binayarang income tax.

Nasa No. 3 position siya ng Top 500 Individual Taxpayers For 2010 na inilabas naman nung isang taon.

Samantalang si Kris ay nasa No. 17 position naman.

(CLICK HERE for related article.)

Ngayong 2013 sa inilabas na listahan ng BIR, si Kris na talaga ang nangungunang indibiduwal—hindi lamang sa showbiz, kundi sa buong bansa—na may pinakamalaking binayarang tax mula sa kanyang mga kinita nung 2011.

OTHER STARS. Ang iba pang artistang nasa listahan ay sina Vic Sotto na nasa No. 19 at nagbayad ng buwis na P14,728,940.14, at ang kanyang kaibigan na si Joey de Leon na nasa No. 28 at nagbayad naman ng P12,478,595.88 na buwis.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang leading man ng dalawang 2011 box-office hit movies na No Other Woman at The Unkabogable Praybeyt Benjamin na si Derek Ramsay ang nasa No. 120 na may income tax na P7,076,553.71.

Si Piolo Pascual na may binayarang buwis na P6,981,393.47 ang nasa No. 123, habang ang kapwa Kapamilya na si Kim Chiu ang nakapuwesto sa No. 133 dahil sa binayarang P6,711,100.76 income tax.

Nasa No. 158 si Manny Pacquiao na nagbayad ng P6,106,040.96, habang nasa No. 178 naman ang Kapuso niyang si Michael V na may buwis na P5,901,711.79.

Nakapuwesto sa numerong 181 ang Wowowillie host na si Willie Revillame na nagbayad ng P5,852,304.08 bilang buwis.

No. 184 naman si Ogie Alcasid na nagbayad ng P5,806,981.48, No. 191 si Sharon Cuneta na may income tax na P5,741,064.46, No. 194 si Ryan Agoncillo na may P5,598,648.01 tax paid, at No. 205 ang drama prince na si John Lloyd Cruz na nagbayad ng P5,407,268.27 na income tax.

Nasa No. 490 naman ang dating presidente, aktor, at kumakandidatong Mayor ng Maynila na si Joseph Estrada na nagbayad ng P3,505,157.94 income tax.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

TV BOSSES. Sa mga TV bosses naman na nasa 2011 Top 500 Taxpayers list, nangunguna ang TV5 chairman na si Manny V. Pangilinan na nasa No. 4 at nagbayad ng P25,992, 131,86.

Pumuwesto sa No. 10 si GMA-7 chief executive officer and chairman Felipe Gozon na may buwis na P19,587,983.60.

Nasa No. 20 ang TV5 president and CEO na si Ray Espinosa na may P14,483,402.44 na income tax, at No. 33 si ABS-CBN president and CEO at Maalaala Mo Kaya host na si Charo Santos-Concio na may P11,608,752.43 na buwis.

Para sa kumpletong listahan ng Top 500 Taxpayers of 2011, CLICK HERE.


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close