Lovi Poe cries over love scene in The Bride and The Lover

Ikinagulat daw ni Lovi Poe ang isang eksenang ipinagawa sa kanya ni Direk Joel Lamangan para sa pelikulang The Bride and The Lover. Kuwento ng aktres, "I cried kasi si Direk was saying something, this word, it’s a sexual word, and I had a hard time talaga. After nag-cut si Direk, biglang akong gumano’n kay Ahron [Villena], tapos pumunta ako sa gilid and I was just crying."


Nakapanayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) at ng iba pang entertainment press si Lovi Poe sa presscon ng The Bride and the Lover noong Sabado, April 13, sa Imperial Palace Suites, Tomas Morato, Quezon City.

Dito ay ikinuwento ng aktres kung bakit siya napaiyak sa isang love scene sa naturang pelikula.

Sabi ni Lovi, "Usually kasi, when making a love scene, puwede kang mandaya sa mga movements mo because you’re not making out with the person.

"Dito kasi, si Direk was telling me what to do. May word siyang ginagamit na hindi ko nakayanan, parang ganun."

Si Joel Lamangan ang direktor ng pelikula.

Sa nasabing eksena ay umaarteng liberated woman si Lovi, at sine-seduce niya ang isang lalaking ginagampanan ni Ahron Villena.

Pagpapatuloy ni Lovi, "I cried kasi si Direk was saying something, this word, it’s a sexual word, and I had a hard time talaga.

"After nag-cut si Direk, biglang akong gumano’n kay Ahron, tapos pumunta ako sa gilid and I was just crying."

Na-shock daw si Lovi nang makita niya ang eksenang kinunan nila.

"I just can’t believe nung nangyari yun, and nung pinanood ko yung rushes, napapatayo talaga ako lagi at talagang, ’delete, delete.’

"May isang shot kasi talaga na, ’Oh my god!’" sabi niya.

Gayunpaman, hindi niya sinisisi ang kanyang direktor sa nangyaring ito.

"No, not at all. Kasi kailangan naman talaga sa eksena.

"At least it helped me. Kasi kailangan yung emotion ko nandun.

"Nilabas ko talaga," pahayag niya.



RONALD SINGSON. Nabanggit din ni Lovi na kahit intense ang love scenes na ginawa niya para sa pelikula ay wala siyang kailangang alalahanin dahil single naman siya.

Sabi niya, "A lot of good things have been happening to me, so ako, I want to focus sa trabaho talaga.

"Na-realize ko na I can see the difference kapag wala muna akong iniisip."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Gayunpaman, tanggap naman daw ni Lovi na lagi’t laging mali-link sa kanya ang dating boyfriend na si Ronald Singson.

"Tanggap ko naman yun, e. Magkaibigan naman kami so hindi naman problema sa akin yun," sabi niya.

Isang film producer ang dating pulitiko, kaya naman naitanong kay Lovi kung payag ba siyang umarte sa isang project kung sakaling mag-produce ito.

"I don’t know, mahirap sagutin ’yan. I don’t think it’s going to happen anyway," sagot ni Lovi.

Dagdag niya, mukha raw kasing magiging awkward sa kanya kung tanggapin niya ang magiging offer. Hindi niya maipaliwanag kung bakit ganito ang mararamdaman niya.

"Siguro, medyo awkward sa akin. Kasi parang... I don’t know," ang may pag-aalinlangan niya sagot.



TV5 TRANSFER. Naitanong din muli kay Lovi ang napapabalitang paglipat niya sa TV5. Dito ay pilit iniwasan ng aktres ang pagsagot.

"I can’t answer questions about that kasi I don’t think I’m not in the position to say anything," sabi niya.

Wala pa raw tiyak na oras kung kailan niya maihahayag ang kanyang desisyon.

"Wala pang exact ano, pero malapit. Coming soon," ang panghuli niyang sabi.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN