Lexi Fernandez on relationship with Jake Vargas: “Okey naman po kami ni Jake. We’re friends and we can work naman anytime.”

Inamin ni Lexi Fernandez na may mga nanliligaw siya ngayon, pero on-hold muna. Sabi niya, “Puro mga hindi taga-showbiz naman ang mga gustong makipagkilala or makipag-date. But I really don’t have time to entertain.”


Ikatlong pagganap na bilang kontrabida ni Lexi Fernandez ang role niya sa bagong afternoon drama series ng GMA-7 na Kakambal Ni Eliana.

Una siyang nagkontrabida kay Barbie Forteza sa Nita Negrita at sumunod naman ay kay Bea Binene sa Alice Bungisngis and Her Wonder Walis.

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Lexi sa press launch ng Kakambal Ni Eliana last April 10 sa GMA Network Center.

Ayon sa Kapuso teen actress, wala namang problema para sa kanya na maging kontrabida kay Kim Rodriguez sa bago niyang proyekto.

Saad niya, “Maganda po yung role na binigay sila sa akin as Margarita kaya okay lang na maging kontrabida ako ni Kim.

“Magkakilala naman kami po ni Kim and I am happy for her kasi nga nabigyan na siya ng malaking break.

“I am happy din naman na ako ang napiling maging kontrabida niya.

“They can cast anyone for the role pero natuwa po ako noong ako ang maging choice nila.

“Masarap yung feeling na sinusuportahan mo ang isang kaibigan sa pagiging bida niya.”



PRE-TAKES. Nakunan na ang ilang mga eksenang inaapi ni Lexi si Kim sa naturang teleserye.

Bago nila kunan ang eksena ay nag-uusap muna raw sila ni Kim para alam ng bawat isa ang gagawin nila.

“Yun naman po ang laging sinasabi ni Mommy [Maritoni Fernandez].

“Lalo na kapag medyo delikado ang eksena, kailangan mag-usap kami ng makakaeksena ko para walang maging problema.

“Si Mommy po kasi, sanay na siya playing kontrabida and sometimes, the scene can get physical.

“Kaya maganda raw yung mag-usap kayo ng kasama mo sa eksena para prepared kayo pareho.

“Like kami nga po ni Kim, sasabihin ko na itutulak ko siya ng medyo malakas, so alam na niya kung paano niya sasaluhin iyon.

“Or ipu-pull ko po ang hair niya, alam na niya kung saan ko siya mahahawakan para hindi siya masasaktan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“After each scene naman, I check with Kim baka masyadong napalakas ang anumang nagawa ko sa kanya.

“So far, wala pa naman pong nangyayaring ganooon.

“Kaya we’re good at maayos ang pagtrabaho naming dalawa,” sabi ni Lexi.



MORE ROLES. Okay lang daw kay Lexi na i-groom siya bilang kontrabida. Tama lang na hindi magkakasunod ang pagiging young villainess niya.

“It’s okay naman because it’s work and I love doing character roles naman.

“Mean girl po kasi ako sa Reel Love Presents Tween Hearts at bagay naman daw sa akin.

“Tsaka hindi naman ako parating kontrabida, e. The last series I did na Magdalena, hindi naman po ako kontrabida doon.

“Kahit naman din sa Together Forever, hindi naman ako sobrang mean girl doon. And sa Pepito Manaloto, good girl ako doon.

“It’s good din po na may space yung paglabas ko as kontrabida.

“Gusto ko rin naman na mabait ang gampanan ko paminsan-minsan.”



MOM’S ADVICE. May ibinibigay bang tips ang kanyang ina Maritoni sa paglabas niya bilang isang kontrabida?

Sagot ni Lexi, “Wala naman po. Si Mommy naman kasi, she wants me to do things on my own.

“Lalo na po sa pag-aartista ko, she wants me to learn and be responsible sa work ko.

“Parating sinasabi ni Mommy na maging professional po ako.

“That I have to love my career and always be a friends sa mga nakakatrabaho ko.

“Kaya I promised my Mom that I will never be a headache to anyone na makakatrabaho ko.

“And she wants me to enjoy my acting career the same way that she did.

“Kahit na anong role daw gawin ko para when I reach a certain age, wala raw akong pagsisisihan dahil hindi ko ginawa.”



SUITORS. Sa edad na 18, walang ini-entertain na manliligaw si Lexi dahil mas focused daw siya sa kanyang trabaho.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi niya, “Puro mga hindi taga-showbiz naman ang mga gustong makipagkilala or makipag-date.

“But I really don’t have time to entertain. Three times a week yung taping namin at mostly on location pa.

“Kaya imbes na may i-entertain pa ako sa bahay, magpapahinga na lang po ako.”



NORMAL. Once pa lang na-link sa isang kasamahan niya sa trabaho si Lexi na si Jake Vargas.

Pero tapos na raw iyong pagkaka-link niya kay Jake at magkaibigan naman daw sila nito.

“Okey naman po kami ni Jake. We’re friends and we can work naman anytime.

“Yung nangyari naman po sa amin ni Jake, it’s a normal thing with teenagers.

“Wala naman pong seryosohan iyon.

“What’s important is that we’re still friends,” sabi ni Lexi.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN