Sisters Gretchen and Marjorie Barretto confront mysterious Instagram user because of "her evil ways"

Sino ang pinatutungkulan ng magkapatid na Marjorie (kaliwa) at Gretchen Barretto sa kanilang mga nakaka-intrigang mensahe sa Instagram? Hindi nagbanggit ng anumang pangalan ang dalawa sa kanilang mga patutsada ngunit mahihinuhang kilala nila ito.


Kalat na kalat ngayon sa social networking sites ang diumano’y mga patutsada ng magkapatid na Gretchen at Marjorie Barretto laban sa isang hindi nila pinangalanang tao.

Noong April 13, Sabado, ay may nakasagutan sina "Gretchen" (gretchenbarretto) at "Marjorie" (marjbarretto) na isang Instagram user na ang ginagamamit na username ay "btchjuliaisbitch."

Ang Instagram account ni "Gretchen" ay may lagpas 100,000 followers na; at ang kay "Marjorie" naman ay lagpas sa 52,000 followers.

May mga post sila dito na tila mayroong pinatatamaan, ngunit hindi nila direktang tinukoy kung sino ito.

Isang post ni "Gretchen" na ini-address niya kay btchjuliaisbitch ay may nakasaad na mensaheng: “Yuck. You know what yuck is? Your husband walked out coz you violent ways. What exactly did you do to his Porsche? His laptop? Etc. oh pls reflect and go to your happy place..Medical City.”

Isang follower naman ni La Greta, a certain “ellabernal” ang nag-comment ng ganito: “I think @btchjuliaisbitch deleted her comment because we all talk about her!!! And I think she’s ashamed of what she’ve done!!”

Sagot dito ni "Gretchen": “That basher warned us that if Julia enters star magic she will do everything to ruin Julia because she claims she is the teleserye princess & will remain that way till the end of eternity.”

Si Julia ay si Julia Barretto, ang anak ni Marjorie Barretto sa dating asawa nitong si Dennis Padilla. Pinasok na rin ni Julia ang showbiz bilang isa sa mga miyembro ng Star Magic Batch 2013.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa isa pang conversation thread, a certain "Marjorie Barretto" naman ang nakipag-usap sa isang follower, a certain "Joy Ortega" (joyortega).

Nakasaad dito: “Exactly Joy, her demons are coming out again… this time for all to see. @btchjuliaisbitch”

Isa pang sagot ni "Marjorie" kay ellabernal: “You are a very smart girl. Thanks for coming to Julia’s defense. You’re parents are right.”

Sagot naman ni "Gretchen" kay "Marjorie": “and don’t we all know who the demon is I pray she finds her happy place. I feel so sorry for her for she is all alone because of her evil ways.”

Sa isa pang conversation, nag-comment naman si btchjuliaisbitch ng: “Ang aarte.”

Sagot naman ni "Gretchen" dito: “awww you find it arte coz you are not a part of our affairs simply because of your evil ways. (you can never be happy for anyone of us) how can you desperately try to ruin your own blood… Sorry but there is no stopping Julia from shining bright like a diamond.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Burado na ang mga conversations na ito sa timeline nina "Gretchen" at "Marjorie" pero naka-save pa ito sa Instagaram account ni “iamdovey222."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN