Kris Lawrence on accidental encounter with Hayden Kho: "Naramdaman ko yung galit, gusto ko siyang sapakin."

Marami nang pinagdaanan ang relasyon nina Kris Lawrence at Katrina Halili, ngunit sa kabila nito ay nanatili silang matatag. Sabi ni Kris tungkol dito, “We tried to forget it. All we’ve done is to move forward. Past is past and there’s nothing we can do about it. It’s there. We accepted it. We embraced it and moved on."


“Fatherhood is the best feeling.”

Ito ang unang pahayag ni Kris Lawrence nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa lobby ng GMA Studios last Sunday, April 14.

Matatandaan na isang malusog na batang babae ang isinilang ng kanyang girlfriend na si Katrina Halili seven months ago.

Dagdag pa ng proud father, “There’s nothing more rewarding than to see your baby sleeping beside you, waking up to your baby na pinapalo ang mukha mo.

“She’s very madaldal na, although hindi pa buo ang kanyang words. Yung mga ‘amamam’ pang lang.

“Pero, nakakatuwa talaga.

“Her name is Katrence, from Katrina and Lawrence, but sometimes we call her Katy.

“Iba ang sarap kapag nakikita mo ang anak mo.”



THE ONE. Ang relasyon naman nila ni Katrina ang sumunod kinumusta ng PEP kay Kris.

“We’re good,” sambit ng Party Pilipinas mainstay.

“The baby has definitely brought us a lot closer.

“Yung relationship naman e parang nag-mature. Na para nga kaming matanda.

“It’s a good relationship, it’s stress-free. Puro lang kami pag-e-enjoy.

“You know, we don’t fight. It’s good.

“We’re happier than ever.”

Any wedding plans?

Pasubali niya, “As of now, wala pa.

“Pero I know, one day, we are going to get married. Siyempre, for the sake din ng aming baby.

“Para sa akin, yeah, she’s the one. I really feel like that way.”

Hindi ba ito sinasabi sa kanya ni Katrina—ang makasal silang dalawa?

“She tells me,” sabi ni Kris. “She also tells me na ako na.

“Pero siyempre, marami pa rin akong kinu-consider. There are things that we have to sit down and discuss about.

“She’s back to work. She’s doing a lot of things now. She also attends to the baby.

“She knows that when the right time comes, it can happen.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sobrang dami na ang aming pinagdaanan at pinagdadaanan. So, it would be a shame kung hindi kami ang magkakatuluyan.”

Hindi kaya makasagabal ang pagbabalik-trabaho ni Katrina sa kanilang pagsasama?

Ani Kris, “Ever since naman na nagkakilala kami ni Kat [palayaw ni Katrina] ay nagtatrabaho na siya.

“And now she’s working again at tuluy-tuloy talaga siya, but I don’t think it’s getting into the way.

“I don’t think so.”



FORGET THE PAST. Sa kabila ng iskandalong dumaan sa buhay ni Katrina ay mas lalo silang naging matibay ni Kris.

Paano sila nag-cope sa bagyong dumaan sa kanilang relasyon?

Tugon ni Kris, “We tried to forget it. All we’ve done is to move forward.

“Past is past and there’s nothing we can do about it.

“It’s there. We accepted it. We embraced it and moved on,” sabi ni Kris.

Nagsi-share ba sa kanya si Katrina tungkol sa nangyari sa buhay nito, lalung-lalo na at isa-isang napapawalang-bisa ng korte ang mga isinampang kaso ng aktres laban kay Hayden Kho?

Sagot ni Katrina, “Yeah, she shares her thoughts… siguro sa amin na lang yun.

“She has her comments.

“And I commend her. Sobrang saludo ako sa kanya kasi napaka-strong niya.

“And I’m here to support her.

“We are pushing forward sa buhay namin and that’s all that matters.”

Ganoon na nga raw niya kamahal si Katrina.

Diin niya, “When you love someone, kayang-kaya mong tiisin ang lahat.

“Kung anuman ang effect nun sa akin, hindi ko gaanong naramdaman kasi my focus is just on her.

“Kung saan niya ako kailangan, nandun ako.”



ACCIDENTAL MEETING. Paano kung isang araw ay magkita sila ni Hayden? Ano kaya ang magiging reaksyon ni Kris?

Pagsisiwalat ng singer, “Actually, nangyari na yun at nagulat kami [ni Hayden].

“’Coz I was singing for an event sa Arena and nobody told me na he’s one of the judges pala. And I don’t know he’s around.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I was shaking the hand of Darling de Jesus [GMA-7 executive]. Kasi siya yung nag-invite sa akin sa event and I wanted to say thank you to her.

“Then, pagbaba ko sa stage, e, bastos naman na hindi ko isi-shake ang mga ibang judges.

“Kaya nang makita ko siya [Hayden], na siya yung man right beside Darling, hindi ko alam ang gagawin ko.

“Sabi ko sa sarili k, ‘Sh*t…’ parang nagblangko ang isip ko. ‘Am I going to shake the hand of this man?’

“Naramdaman ko yung galit, gusto ko siyang sapakin.

“Pero siyempre, I was there as a professional person, so I shook his hands.”

Paano kung sa ibang lugar sila nagkita?

“Siguro kung dati, I’ll start a fight.

“Pero sa ngayon, my life is so great.

"The little girl [Katrence] is such a reward for all the hardships and all. Huwag na nating sirain pa.”

Dagdag pa ni Kris, “Let’s all just be positive.

“If I’m positive, then I know all the positivities will come back to me.

“Let bygones be bygones.”



THE REVELATION. Inalam din namin kay Kris kung paano kapag dumating ang panahon na malaman ng anak nila ni Katrina ang iskandalong pinagdaanan ng ina. Ano ang sasabihin nila?

“I know where you are getting at… We’ll be honest. Just be honest.

“But just stay as minimal as it is.

“Alam namin na malalaman niya ‘yan one of these days. Inihahanda na namin ang sarili namin diyan.

“I know Kat as a strong person and an honest woman and her kindness.

"So, alam kong haharapin niya ito nang maayos.”



THE LATEST. Sa huli ay tinanong namin kay Kris ang latest update sa kanyang singing career.

Kuwento niya, “May lalabas na akong bagong album in about three weeks.

“It’s under GMA Records, it’s all original and about eighty percent of it was written by me.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“A lot of songs here were written by me since 2006.

“It’s like I got it from my archive and then heto na nga.

“The title of the album is Spread The Love.

“I believe we have our gifts, we have our talents, and that’s the way it is.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN