PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Mark Bautista on split-second nudity on The Full Monty: "Baka mauna ako sa pagsara ng ilaw, makita yung ano ko!"

Mark welcomes addition of Christian Bautista in Party Pilipinas.
by Glenn Regondola
Published Apr 15, 2013
Aminado si Mark Bautista na flattered siya kapag itinuturing siya bilang isang sex symbol. Sabi niya, “Well, ang sarap pakinggan ‘yan kasi hindi naman lahat ay puwedeng tawaging ganyan, di ba? Wala, e. I-embrace mo na lang ang ganyang mga komento. Nakaka-flatter din pero malaking responsibility mo rin na may ganung tawag sa ‘yo.”

Ang singer-actor na si Mark Bautista ang isa sa mga bida sa local staging ng Broadway musical na The Full Monty.

Ito ay tatakbo mula April 19 hanggang May 5 sa RCBC Plaza in Makati.

Gaganap si Mark bilang si Jerry Lukowski, isang unemployed mill worker na naging male stripper sa isang local club sa Bufallo, New York.

Siguradong pag-uusapan ang ending ng nasabing stageplay dahil sa Broadway version nito ay may split-second nudity ang male cast nito.

Nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Mark sa dressing room ng Party Plipinas last Sunday, April 14, isa ito sa mga napag-usapan.

Pero bago ito ay kinumusta muna namin siya.

Bungad ni Mark, “Ayun, sabay-sabay nga, e. I will start nga nitong stage play next week and may album akong lalabas, at then yung concert ko sa June.

“Sana abangan nila. Lalo na itong album na ngayon lang ako gagawa ng standard songs.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“So, this is another challenge sa akin.

“I’m just happy na busy pa rin ako.”



THE FULL MONTY. Talking about The Full Monty, tinanong namin si Mark kung gagawin din nila ang nudity sa ending ng play.

“Yes, yes,” pagkumpirma niya.

“ Gagawin namin. Mabilis lang naman, e.

“Kahit may ilaw, mabilis lang naman. Kailangan kasi part yun ng play, e.

“Yeah, abangan nila yun!"

Dugtong ni Mark, “Actually, kinakabahan nga ako sa parteng yun kasi puwedeng magkamali.

“Baka mauna ako sa pagsara ng ilaw, makita yung ano ko!

“So, kailangan may timing.”

Paano kung accidentally ay makita nga ang kanyang private part? Paano siya magre-react?

Iiling-iling na sagot niya, “Oh, sucks! Sana mapanindigan ko.

“Abangan na lang nila kung ano ang mangyayari.”

Lalabas nga raw dito ang kaseksihan ni Mark.

Sabi niya, “I don’t know.

"Hindi ko nga alam kung sexy nga ba ako unless manggaling sa ibang tao. Kung sila ang magsasabi sa akin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Well, ang sarap pakinggan ‘yan kasi hindi naman lahat ay puwedeng tawaging ganyan, di ba?

“Wala, e. I-embrace mo na lang ang ganyang mga komento.

“Nakaka-flatter din pero malaking responsibility mo rin na may ganung tawag sa ‘yo.”

SEX SYMBOL. Okey lang ba na matawag siyang isang sex symbol?

Nag-isip muna si Mark bago sumagot.

Aniya, “Kasi ano… ganito yun, hindi naman kasi lahat ng sex symbol ay naghuhubad.

“Madami... madaming ganun na sexy star, pero hindi naman talaga naghuhubad. It’s just a name.

“Nakaka-flatter din na ma-label kang ganun, pero siyempre, ano… kumakanta din naman ako, sumasayaw din ako.

“I can do more things.”

Hanggang saan ba siya puwedeng magpaka-sexy?

“Sa movies, huwag muna,” sabi ni Mark.

“It’s hard kasi hindi mo alam kung ipa-pirate yung ano mo.

“At least dito sa theater, what happens inside the theater, stays inside the theater.

“Yun. Kaya may tiwala din ako sa project na ito [The Full Monty].”

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

May dahilan siya kung bakit he’s doing variety of things.

Sabi ni Mark, “Maganda yung marami kang puwedeng gawin. Yung paiba-iba.

“Kasi kung laging ganun, mabu-bore din sa ‘yo ang mga tao. Gusto ko iba rin iba ang mai-offer ko sa mga tao.

“Mas gusto ko yung iba naman.”



CHRISTIAN BAUTISTA. This time ay napag-usapan naman namin ang tungkol sa ASAP talents na lumilipat sa Party Pilipinas.

Si Mark ang naunang lumipat nang SOP pa lamang ang Party Pilipinas, at pagkatapos niya ay sumunod naman si Rachelle Ann Go.

Ngayon naman ay si Christian Bautista ang latest na lumipat.

Ano ang masasabi ni Mark dito?

“I’m happy that Christian is with us na,” sambit niya.

“Ganun lang naman ang industriya, maliit lang. Paikut-ikot lang ‘yan.

“Lahat naman ay merong lugar dito.

"Choice din naman kasi ‘yan ng kahit sinong artista o singer.

“Kung saan ka maggu-grow, go. Kung saan siya masaya, go.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Dagdag niya, “Masaya kasi parang nanumbalik yung memories.

“Parang nagpa-flashback yung mga pinagsamahan namin before.

“Masaya kasi parang at home na rin kami.”

Nabuhay rin ba ang kumpetisyon sa kanilang dalawa ni Christian?

Sabi ni Mark, “Competition is good as long as healthy naman.

“Pero sa akin naman, mas tinitingnan ko ang sarili ko, e .Mas nagku-compete ako sa sarili ko.

“Mas yun ang tinitingnan ko kaysa yung lilingun-lingon ako sa iba.

“Mas nagpu-focus ako sa trabaho ko.

“Three years na ako sa Party Pilipinas and let’s just move on.”

SETTLING DOWN. This time, ang tungkol naman sa kanyang personal life ang pinag-usapan namin.

Sa pagkakaalam namin, ang huling na-link kay Mark ay ang Miss World 2011 First Princess na si Gwendoline Ruais.

Pero iwas ni Mark, “Nagmu-move on na ako kaya nagbibisi-bisihan na lang ako.

“Ayoko nang pag-usapan pa yun. Ayoko na mag-expound. Okey na ako.

“Ayoko nang madawit ang kanyang pangalan. So, yun.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Finding someone again?

“Hindi pa muna,” mabilis niyang sagot.

“Siguro pag hindi ako busy.

"Pero not yet this time, tingnan natin after some time.”

Nag-iisip na rin ba siyang mag-settle down?

“Actually, pinag-iisipan ko na rin,” pag-amin ng 29-year-old singer-actor.

“Kasi, medyo nagkaka-edad na rin ako.

“Kinu-consider ko na rin kasi alam mo na.

“But I have to save pa for myself. Kailangan kong pag-ipunan ‘yan kasi ayaw kong pagsisihan pagdating ng araw.

“I have to be sure na wala akong pagsisihan.”

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Aminado si Mark Bautista na flattered siya kapag itinuturing siya bilang isang sex symbol. Sabi niya, “Well, ang sarap pakinggan ‘yan kasi hindi naman lahat ay puwedeng tawaging ganyan, di ba? Wala, e. I-embrace mo na lang ang ganyang mga komento. Nakaka-flatter din pero malaking responsibility mo rin na may ganung tawag sa ‘yo.”
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results