Arthur Solinap on getting a lead role: “Siyempre, deep inside, gusto ko…”

Walang kaso para kay Arthur Solinap kapag sinasabing nasa anino siya ng pinsan niyang si Dingdong Dantes. Sabi niya, “Akala nga nila, naiinis ako kapag sinasabi nilang ’si Arthur, pinsan ni Dong…’ palaging may karugtong na ganoon. Para sa akin, hindi.”


Ibinida ni Arthur Solinap sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang pakikipagtrabaho niya sa veteran actress na si Celia Rodriguez sa upcoming series ng GMA-7 na Home Sweet Home.

Saad niya, “Nakadalawang taping na ako at first time kong makatrabaho si Tita Celia.

“Nakatrabaho ko na siya sa I Heart You Pare, pero hindi kami magkaeksena.

“Pero ito kasi, sidekick niya kami, di ba?

"Medyo noong una, natakot ako, siyempre Tita Celia, bawal magkamali!

“Pero noong nakilala ko siya, ang bait. Gina-guide niya kami ni Patricia [Ysmael].

“Doon ko na-feel na ang sarap palang katrabaho ni Tita…

"Parang imbes na hayaan ka niya, tutulungan ka niya. Then, nawala ang takot ko.

“Tapos, nasa isang tent lang kami, may konting bonding, doon ko nakilala lalo si Tita Celia.

“Kaya ngayon, medyo kumportable na ako sa kanya.”

Nakausap ng PEP si Arthur sa presscon ng Home Sweet Home kagabi, April 16, sa GMA Network Center.



COMEDY ROLE. Masaya naman si Arthur sa bago niyang teleserye dahil kakaiba raw ang role niya dito.

Sa istorya ng Home Sweet Home, kasama siya sa mga na-trap sa salamin noong taong 1940s or 1950s.

Kahit 2013 na, hindi pa rin sila nakakalabas kahit na may nakapasok nang ibang tao.

Sabi niya, “Medyo nasasanay na rin ako sa comedy kaya para sa akin, hindi mahirap.

“Sobrang gaan, masaya—nag-e-enjoy lang, hindi mabigat.”

Bukod sa Home Sweet Home ay napapanood din si Arthur sa weekly sitcom na Pepito Manaloto.

Sa mga nakaraan niyang projects, parang sanay ang tao na nakikita si Arthur na kontrabida at nakadagdag pa rito ang mestizo looks niya.

Hindi ba siya naiilang na nagpapatawa tulad ng ginagawa rin niya sa Pepito Manaloto?

Sagot niya, “Hindi naman, kasi kahit kontrabida ako, masaya rin ako doon.

"Sa comedy, okay lang din.

“At saka, mas maganda rin na ang dating ko pala, pang-kontrabida pero puwedeng mag-comedy.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So, opposite yung dalawang role na yun.

“Kapag nabigyang-buhay ko ang dalawang role na yun, fulfillment yun sa akin.”

LEAD ROLE. Kadalasan, kontrabida o kaya’y kaibigan ng bida ang karakter na ginagampanan ni Arthur. Hindi ba siya naghahangad na maging bida naman?

“Honestly, hindi,” nakangiti niyang sabi.

Pero dagdag niya, “Siyempre, deep inside, gusto ko.

"Pero sinasabi kong hindi para hindi na ako nag-e-expect—go with the flow na lang.

“Kung bibigyan ng break, e, di mas masaya kesa hindi nga ako magkaroon ng lead role.

“Tapos, sobrang hinahangad ko, baka sumama lang ang loob ko, di ba, hindi ako mag-enjoy.

"Pero siyempre, may time na gusto rin.”

Kailan yung panahon na yun na gusto niya?

“E, kasi, noong Marimar, sabi nila, maganda raw ang break ko doon... doon ako nakilala.

“Akala ko noon, nag-expect ako na mabibigyan ako ng break na lead role. So, sa sinasabi ng mga tao, nag-e-expect ako.

“Noong hindi nangyari yun, doon sumama ang loob ko.

“Kaya magmula noon, sabi ko, i-enjoy ko na lang kung ano ang darating na blessing or work, at least mas okay.

“Pero siyempre, deep inside, meron pa rin.

“Siguro ako ngayon, ang gusto ko, ma-try lahat. At least, lahat iikutin ko.”



ON TOP. Bilang pinsan ni Dingdong Dantes, siya ang sumunod sa pamilya nila na pumasok ng showbiz. Bukod sa kanila ay nag-aartista rin ang pinsan nilang si Carlo Gonzales.

Naitanong ng PEP kay Arthur kung wala bang inggitan sa kanilang magpipinsan, lalo na’t sa kanilang lahat ay si Dingdong ang talagang umangat ang career.

Sabi niya, “Wala, e, never talaga.

“Wala talaga sa aming tatlo nina Carlo at nila Dong, wala talaga, e.

“Akala nga nila, naiinis ako kapag sinasabi nilang ’si Arthur, pinsan ni Dong…’ palaging may karugtong na ganoon.

“Para sa akin, hindi.

“Ano nga yun, parang proud nga ako. Hindi ko siya nakikitang negative.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi ba niya naiisip na makaalis sa pagkakakilala sa kanya bilang pinsan ni Dingdong?

“Wala," sagot ni Arthur.

"Although, sinasabi ng iba na kailangan nga raw magkaroon ako ng project na hindi kasama si Dong para meron akong sariling pangalan. Parang ganoon.

"Pero sa akin, hindi ko siya iniisip. Mas gusto ko nga siyang katrabaho kesa hindi ko siya katrabaho.”



INDIE FILM. Masaya rin si Arthur dahil ngayon ay nasusubukan naman niyang gumawa ng indie film, kagaya ng Gabriela Silang.

Kuwento niya, “Doon naman, first time ko, first indie ko.

“Tapos, ang unang eksena ko pa, si Direk Ricky Davao at isang theater actor.

“Tapos yung first scene, kami na, adlib lahat.

“Sinabi lang ang sitwasyon na nagmi-meeting kami, tapos magkuwentuhan kayo at tawanan.

“Ganoon pala sa indie, parang malaya kayo.

“Na-enjoy ko ang indie dahil parang alamin mo lang ang role mo, tapos bahala ka na.

“Walang script, e, pero may guide yung script.

"Pero sa eksenang nakunan namin, wala siyang script. Based on your character na lang.

“Doon mo na lang mababasa ang dialogue mo. Kaya sabi ko, ‘Ang galing!”



SHOWBIZ CAREER. Nakikita ba ni Arthur ang sarili na hanggang sa pagtanda niya ay artista pa rin siya?

“Oo,” mabilis niyang sagot.

“Siguro, hindi man ako one hundred percent na nagtatrabaho sa showbiz, pero hindi mawawala yun para sa akin.

“Kasi for me, forever na ‘yan, e. May asawa ka man, kung sakali may father role, para sa akin, hindi siya mawawala.

“Depende na lang sa ‘yo kung tatanggapin mo.

“Kung maging busy man ako sa ibang bagay, magkakaroon pa rin ako ng ibang project.

"Ayokong totally umalis sa showbiz.”



BIRTHDAY SURPRISE. Sa May 23 ang birthday ng girlfriend ni Arthur na si Rochelle Pangilinan.

Nakukuwento ni Rochelle na masaya siya kay Arthur dahil isa raw sa nagugustuhan nito sa boyfriend ay palagi siyang sinusorpresa nito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ngayong birthday ni Rochelle, ano ang magiging surprise niya?

“Oo nga, e, nauubusan na nga ako ng surprise.”

Hindi kaya mag-propose na siya?

“Hindi, hindi pa this year,” nakangiting sabi niya.

“Siguro ano lang, bakasyon lang.

"Kasi, mas gusto niya yung ganoon na pupunta sa ibang lugar kesa sa materyal na bagay.

“Mas gusto niya yung ganoong bonding.”

Ang maganda rin sa relasyon nina Arthur at Rochelle, magkasundo raw ang mga magulang nila.

Nakapagbakasyon na nga raw sila abroad kasama ang mga magulang nila.

Kuwento ni Arthur, “Parang after nga ng Hong Kong na yun, sila mismo, nagpaplano sila kung kailan ang next. ’O, kailan ang next natin? Singapore naman.’

"Sila naman ang nagpaplano.”

Kung magulang niya ang masusunod, gusto na ba ng mga ito na si Rochelle na ang makatuluyan niya?

“Oo,” sagot ni Arthur.

“Kasi, sabi ng parents ko, ngayon lang daw niya ako nakitang nagkaroon ng long relationship… ito talaga ang pinakamatagal ko.”

Dalawang taon daw ang pinakamatagal niyang naging relasyon, bago si Rochelle. Five years na ang relasyon nina Arthur at Rochelle.

May pressure ba siyang nararamdaman kapag tinatanong siya tungkol sa pagpapakasal?

Nakangiting sagot ni Arthur, “Hindi naman. Kasi, may plano naman ako—hindi lang ngayon.

“Nakaka-pressure kung wala kang plano, tapos parang minamadali na ako.”

Kung ikakasal siya, gusto ba niya yung engrande, malaking kasalan?

“Hati… gusto ko rin yun at gusto ko rin na makita rin ng ibang tao na parang gusto ko, maraming maka-experience sa wedding.

“Siya [Rochelle] naman, gusto niya, konti lang… family lang and friends.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN