Gladys Reyes discovers funny side of Raymart Santiago while working on Home Sweet Home

Sa teleserye nilang Home Sweet Home “nakilala” raw ni Gladys Reyes si Raymart Santiago, mister ng kaibigan ng aktres na si Claudine Barretto. Kuwento niya, “Hindi ko ine-expect na funny pala siya. Kasi, palagi siyang seryoso ang mukha. Hindi naman siya yung palangiting ganyan na smiling face.”


Unang beses pa lang magkakasama sina Gladys Reyes at Raymart Santiago sa ipalalabas na teleserye ng GMA-7 na Home Sweet Home.

Sa taping ng mga naunang eksena nila, nalaman ni Gladys na mahilig pala si Raymart magpatawa na akala niya noon ay seryoso.

Saad ni Gladys, “Yun nga, hindi ko ine-expect na funny pala siya.

"Kasi, palagi siyang seryoso ang mukha.

“Hindi naman siya yung palangiting ganyan na smiling face.

“Pero halimbawa, magkaeksena kaming ganyan, blocking pa lang…

“Minsan nga, ako ang nako-concious na baka marumi ako o baka masyadong makapal ang make-up ko.

“Tapos, maya-maya, blocking… biglang sasabihin niya, ‘Saan ka nagpakulot?’ Yung ganoon!

“Siyempre, matatawa ako.

"Tapos maya-maya naman, ‘Okay ang belt mo, a!’ Gusto yatang maging stylist ko!” natatawang kuwento ni Gladys.



COMFORTABLE. Ayon din kay Gladys, baka raw paraan iyon ni Raymart para mas maging okay ang working relationship nila.

Si Gladys at ang misis ni Raymart na si Claudine Barretto ay madalas na nagkakasama sa mga nakaraang proyekto nila.

“Siyempre, never pa kaming nagka-work ni Raymart. Si Claudine kasi, palagi.

“Tapos, kailan lang din yata kami nagkausap ni Claudine sa phone.

“Parang siya na lang din yata ang hindi ko nagge-guest sa show ko na Moments.”

Biro naman namin kay Gladys, meron pa pala siyang hindi nagiging guest sa kanyang talk show sa Net25.

“Oo, si Claudine, si Jinkee Pacquiao, hindi pa.

"Si Claudine naman, umoo na siya sa akin.

“Sabi niya lang, ’Konting weeks na lang, Mare.’ Meron siyang tina-target na weight siguro."

Kuwento pa ni Gladys, “Pero nakita siya ni Christopher [Roxas, Gladys’s husband] sa Viva, she looks good.

“Si Christopher ngayon, under Shirley Kuan and Viva na rin.

“Nagkita raw sila sa Viva, sabi nga niya, ang ganda raw ni Claudine, she looks good.”



FAMILY AFFAIRS. Bilang alam ni Raymart na magkaibigan si Gladys at ang misis ng aktor na si Claudine, napagkukuwentuhan ba nila ni Raymart si Claudine?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi pa, more on ang pinagkukuwentuhan namin…” bitin niyang sagot.

“Well, kasi nagkita kami kailan lang ni Raymart kasama ang anak na si Santino sa Time Zone, sa Eastwood—minus Claudine.

“So, siguro busy si Claudine.”

Sa puntong ito ay natanong kay Gladys kung alam niya ang isyu na diumano’y hiwalay na o may pinagdadaanan ang mag-asawa.

Nagulat naman si Gladys sabay sabing, “Talaga? Hindi ko ‘yan alam, ha? At sa iyo ko lang ‘yan nalaman!

“Hindi ko nga alam. Pero tinanong ko si Santino... o, ito bata, hindi naman nagsisinungaling.

“Sabi ko, ‘Where’s your mom?’ Then he said, ‘At home.’

“E, nanood kami ng sine ng pamilya, a week ago lang, doon ko nakita si Santino sa Time Zone. Si Raymart naman, may kausap sa phone.

“So, sabi naman ng bata, nasa at home naman. He’s at Home Sweet Home. O, di ba, sinegue!” natatawang sabi pa niya.



REAL SCORE. Naalala naman ni Gladys ang naging sagot ni Raymart noong press conference nang tanungin ito kung "home sweet home" ba sa kanilang tahanan.

“Minsan sweet, minsan sour,” sagot daw ni Raymart.

Sabi ni Gladys, “Nakakatuwa naman si Raymart kasi ganoon naman talaga.

“Hindi naman talaga palaging sweet, may mga ups and down din kayo.”

Para kay Gladys naman, ang tugon niya sa tanong na iyon ay "sweet" daw ang home niya.

May time ba na hindi sila sweet ni Christopher?

“Ay siyempre, hindi mawawala yun. Hindi mawawala ang tampuhan.

“Pero masarap yun… after ng tampuhan, aamuin ka na, lambingan… para spice. Then bulungan, harutan… alam ninyo na!”



SILVER ANNIVERSARY. At saka naalala ni Gladys ang caption niya sa picture nilang mag-asawa sa Instagram noong mag-birthday si Christopher na hango sa isang kanta.

“I love him more today than yesterday. But not as much as tomorrow… May masabi lang!” natawang sabi ng aktres.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Labing-isang taon nang magkarelasyon sina Gladys at Christopher bago sila ikinasal nine years ago.

Kuwento niya, “So, twenty years na kami. Five more years, magse-celebrate kami ng aming silver [anniversary].

“At ang balak ko, mag-celebrate kami ng silver na pagsasamahin ko yung naging kami.

“Para naman ma-enjoy namin na bagets pa kami kesa naman yung… di ba?

“At least, makaka-dance-dance galore pa kami!”



FOREVER. Para kay Gladys, alam niyang pang-habambuhay na sila na ni Christopher.

Bukod pa sa wala raw annulment o divorce sa relihiyon nila na Iglesia Ni Cristo.

“Walang divorce sa relihiyon namin. Talagang kapag ikinasal kayo, pang-habambuhay na yun.

“May mga takot kami at alam namin ang limitasyon namin—alam namin kung ano ang hindi namin puwedeng gawin.”

Hindi na rin sila puwedeng mag-asawa ng iba kung magkahiwalay sila?

“Ay, hindi po, unless mamatay ang isa.”

Paano kung physically abused ang isa?

“Ano po yun, may ministers from us na talagang kakausapin. Medyo mahaba-habang proseso po ang pagdadaanan.

“Iba po ang kaso ng medyo nananakit na. Halimbawa, noong mag-boyfriend kayo, hindi mo natuklasan, tapos noong ikasal kayo.

“Siyempre, hindi rin naman po hinahayaan na magtiis kayo. Kahit nga gawin ka lang punching bag.

“Pero, mahaba-habang proseso talaga. Hindi ganoong pinapayagan kayong maghiwalay totally.

“At kung talagang ganoon na walang ibang solusyon, nanakit, siguro puwede pong paghiwalayin, pero mananatili silang mag-asawa sa isa’t isa.

“Ipinapatupad talaga sa Bible na mananatili kayong mag-asawa sa isa’t isa at makakalag lang ang tali once na mamatay ang isa.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN