Senator Chiz Escudero on rift with Heart Evangelista’s parents: “Di naman ako bato.”

Senator Francis “Chiz” Escudero (right) on Heart Evangelista’s (left) parents’ objection to their relationship: “I thought forbidden love is only seen on TV or in the movies. I thought that a rich girl falling in love with a not-so-rich boy is only the subject of teleseryes. I guess I thought wrong.”


Personal na desisyon daw ni Senator Francis “Chiz” Escudero na hindi isama ang nobyang si Heart Evangelista sa kanyang pangangampanya.

Ito’y ayon sa artikulong inilabas ng Philippine Daily Inquirer noong Linggo, Abril 14.

Paliwanag ng senador, imbes na siya ang pakinggan ng mga tao, mapupunta lang ang atensiyon nila kay Heart.

“When people look for Heart, I tell them, ‘I didn’t bring her along because you will only pay attention to her, not me.

“Early on, I already announced [that] Heart will not join me in any campaign sortie or rally and she will not campaign for me.

“She will not appear in any ad and I have stood pat on that.

"Can you imagine if I did that and this [controversy] came out?” pagtukoy pa nito sa pagtutol ng mga magulang ng kanyang nobya sa kanilang relasyon.

Dagdag pa ni Chiz, “As best as we can, we’re trying to address the [political] issues as well until this fades away so we can focus our eyes on the ball again—that is, on the issues.”

Kaya naman sa kabila ng mga isyung ipinupukol sa kanya ngayon, hiniling ni Chiz sa mga tao na mas bigyan ng pansin ang kanyang track record—"what I’ve done, what I have not done, what I’ve said, what I did not say and my qualifications and achievements.”



“I SMILE MORE OFTEN.” “Sometime in July” daw naging pormal ang relasyon nina Chiz at Heart.

Ang relasyon nilang ito ay inamin ng senador sa morning talk show na Kris TV, kung saan siya naging co-host noon ni Kris Aquino.

(CLICK HERE for related article.)

Mula noong maging magkasintahan sila ni Heart, inamin ni Chiz na “[I] smile more often.

“I also know the latest news in showbiz, like who dated whom or who broke up with whom.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Masaya raw ang relasyon ni senador Chiz sa 28-year-old actress.

Kaya naman mahirap para sa kanya ang pinagdadaanan nila ngayon ng kanyang nobya, lalo na at ang mga magulang ni Heart ang kasangkot sa isyu.

Aniya, “As a public official, we are obliged to answer to a certain degree, without violating the privacy of other people associated with the issue who are not public figures.

“This is not just a case of a fellow senator criticizing my work. I could easily answer back.

“For this, I need to stop myself from talking because, hopefully, in the end, I’d still get to see them when they’ve already patched things up with their daughter.

“Of course I am [distracted],” pag-amin pa ng senador.

“Tao lang ako, I get affected, especially when I cannot respond.

“Di naman ako bato. Hindi applicable sa akin yung kantang ‘Pusong Bato,’” pagbibiro pa niya.



FORBIDDEN LOVE. Bukod sa magulong mundo ng politika, napasok na rin si Chiz sa makulay na mundo ng showbiz.

At dito nabago ang paniniwala niya na “forbidden love is only seen on TV or in the movies."

Sabi pa niya, “I thought that a rich girl falling in love with a not-so-rich boy is only the subject of teleseryes.

“I guess I thought wrong.”

Iba’t ibang akusasyon kasi ang ipinukol ng mga magulang ni Heart laban sa kanya nang magpatawag ang mga ito ng press conference noong Marso 19.

Ilan sa kanilang mga paratang ay ang pagiging lasenggero at bastos daw ng senador nang una nila itong makaharap.

(CLICK HERE for related article.)

Gayunman, ayaw muna raw itong sagutin ni Chiz.

“I’m still weighing things out.

“Remember, I wasn’t the one who named someone as lasenggo, bastos, and walang modo.

“It’s hard to answer back.

“I’m trying my best not to say anything for the meantime. Heart and I were caught by surprise by what was said at the press conference.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I’m in an awkward position.

“Suffice it to say that everything they said, everything they’re doing now, is just because they want us to break up.

“They admitted this themselves during their press conference.”

Isa pang dahilan ng pagtutol ng mga magulang ni Heart kay Chiz ay hindi pa annulled ang kasal nito sa simbahan sa asawa niyang si Christine Flores.

Pero ayon sa senador, nag-file na siya ng annulment para sa kanyang church wedding. Ito’y “under process” na raw at “being heard now.”

Si Heart, ayon kay Chiz, ay naging “devastated” dahil sa naging alitan nila ng kanyang mga magulang.

Pero nagpapasalamat siya dahil unti-unti ay nagiging maayos na raw ang kalagayan ng kanyang nobya.



“TIME HEALS ALL WOUNDS.” Kung si Chiz daw ang nasa kalagayan ng mga magulang ni Heart, maaaring iba ang kanyang gawin upang iparating sa mga anak ang kanyang pagtutol.

Mayroong kambal na anak si Chiz kay Christine na mag-aanim na taong gulang na sa Setyembre.

Ani Chiz, “You see, I also have children—I love them—but this doesn’t give me the license to say bad things about them.

“When they grow up and eventually do something to displease me, I’d talk to them privately.

“I will not set up a press conference.”

Sa ngayon, hindi pa nakakausap ni Chiz ang mga magulang ni Heart. Pero naniniwala raw siya sa kasabihang “time heals all wounds.”

Aniya, “Things we thought to be impossible before are possible now.

“Let’s just look at the case of China and Taiwan. We all thought there would be war but a decade later there are over 300 flights from the mainland to Taiwan. Look at where they are now?

“But then again, these are nations, not individuals.”

Dagdag pa niya, “I’m not closing any doors. In fact, I’m opening even the windows.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Who wouldn’t want a happy ending?”



ARE YOU READY? Samantala, kinuha naman daily local broadsheet ang reaksiyon ng mga Ongpauco tungkol sa mga naging pahayag ni Chiz.

Ayon sa mensaheng ipinadala sa kanila ng ama ni Heart na si Rey Ongpauco, na inilathala nila kahapon, Abril 16, sinabi nilang “very offended” sila sa mga “glib comments” na binitawan ng senador.

Sinabi pa nitong itigil na ng senador ang “skirting the issues about his character” at mabuti pang sagutin na lamang nito ang kanilang mga akusasyon.

Kasabay nito, ilang akusasyon ang muling binitawan ni Mr. Ongpauco.

Aniya, “living together” na raw sina heart at Chiz sa condominium ni Heart mula pa noong July.

“He pounced on Heart as early as July [2012]… He acts like the owner of her condos and her cars, and orders her [not to talk] to her own parents.”

Inilarawan pa nga ni Mr. Ongpauco na “tragedy” ang naging desisyon ni Heart na suwayin ang kanyang mga magulang.

Kaya naman hamon ni Mr. Ongpauco sa senador: “Chiz can have Heart … However, his political ambitions do not give him the right to libel me and my wife, [to claim] that we’re lying.

“I am ready to take a lie-detector test anytime. Is Chiz [ready]?”

Sa kabilang banda, itinanggi ni Chiz ang mga naging paratang ni Mr. Ongpauco.

Aniya, umalis na raw si Heart sa condominium nito sa Makati, at ngayo’y nakikitira sa isang kaibigan.

“She feels uneasy, I guess,” wika ng senador.

Pagdidiin pa nito, “That’s why, as best I can, I’m maintaining respect.

“Heart and I would never say anything negative against [her parents]. We just try to understand where they’re coming from.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN