Jake Ejercito denies using issue with Andi Eigenmann for political purposes

Itinanggi ni Jake Ejercito na ginagamit lamang niya ang ex-girlfriend na si Andi Eigenmann para sa kampanya ng kanyang ama na si dating Pangulong Erap Estrada. Pahayag ni Jake, “Marami ang nagsasabing nagkabalikan kami… actually, may nagsasabi na ginagamit lang namin siya, for the campaign season—kaya kami nagkakausap ulit just for political purposes. Pero I wanna say na… I mean, hindi naman sa pagyayabang, to set things straight, when my dad ra


Isa si Jake Ejercito sa mga anak ni former President Joseph Estrada na todo ang suporta sa kandidatura nito bilang mayor ng Manila.

Nag-imbita si Senator Jinggoy Estrada ng panghalian sa ilang miyembro ng movie press kaninang tanghali, April 17, na ginanap sa tahanan ng kanilang ama sa Sta. Mesa, Manila.

Kasama ni Jinggoy ang anak niyang si Julian Estrada, na dumating para umistima sa mga kaibigang entertainment press.

Dumating din si Jake na nagbakasyon muna sa Pilipinas, mula sa pag-aaral niya sa London, para tumulong sa pangangampanya ng kanyang ama.

Si Jinggoy ay anak ni Erap sa asawa nitong si Loi Estrada, habang si Jake ay anak ng dating Pangulo sa dating aktres na si Laarni Enriquez.



NOT USING ANDI. Ayaw sanang magpa-interview ni Jake dahil iniiwasan na nitong pag-usapan ang isyu nila ni Andi Eigenmann.

Pero hindi siya nakaligtas sa talent manager at TV host na si Lolit Solis nang hinatak na niya ito upang interbyuhin para sa Startalk ng GMA-7.

Ayon kay Jake, hindi totoong nagkabalikan sila ni Andi, pero napanatili raw nila ang pagkakaibigan.

Pahayag ng binatilyong anak ni Erap, “Hindi po kami nagkabalikan.

“Marami ang nagsasabing nagkabalikan kami… actually, may nagsasabi na ginagamit lang namin siya, for the campaign season—kaya kami nagkakausap ulit just for political purposes.

“Pero I wanna say na… I mean, hindi naman sa pagyayabang, to set things straight, when my dad ran for President, halos walang tulong ng mga artista.

“Tita LT [Lorna Tolentino] was there, Tito Tirso Cruz…

“In terms of sa panggagamit ng mga artista, hindi naman talaga kami ganun.

“Si Andi lang, is being a friend to me, we’re good friends, tinutulungan lang niya talaga kami.”

Kaya malaki raw ang pasasalamat niya kay Andi dahil kahit may pinagdaanan sila noon, nandiyan pa rin daw ang friendship nila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nagpapasalamat din si Jake sa mga magulang ni Andi na sina Jaclyn Jose at Mark Gil dahil pumayag ang mga ito na tulungan sila sa pangangampanya.



AS A FRIEND… Ayaw nang idetalye ni Jake kung bakit hindi sila nagkabalikan ni Andi, pero ang mahalaga raw ay okay sila bilang magkaibigan.

Muli siyang tinanong kung inaayos ba nila ang kanilang pagbabalikan o kung mayroon pa siyang natitirang pagmamahal para kay Andi.

“As a friend po,” pakli nito.

“Tulad nga ng sinasabi ko, hindi naman madaling mawala yun, e.

“Kasi, since we were born, may photos kami na magkasama na kami na buhat-buhat kami ng aming mga magulang.”

Patuloy ni Jake, “I can’t say na hindi na mangyayari. I’m not closing my doors.

“But as of now po talaga… kasi I have one more year left, e, sa London, so siguro titingnan na lang natin when the time comes.

“But as of now, dito po muna ako.”

“Nagpapahinga ang puso ko ngayon,” napapangiti pa niyang pahayag.

“Hindi ko na iniintindi ang puso ko ngayon, e, busy lang talaga ako ngayon.

“I just want to concentrate on helping my dad.”



FUTURE POLITICIAN. Baka first week of May ay babalik na raw si Jake ng London dahil gusto niya talagang makatapos ng pag-aaral sa kursong Political Science and Business Management.

Nung maliit daw siya ay gustung-gusto niyang mag-artista, pero ngayon ay pulitika na ang nakakahiligan niya.

Kung sakaling puwede na raw niyang pasukin ang pulitika, magsisimula siya sa mababang puwesto gaya ng barangay captain o konsehal.

Kaya sinasanay na ni Jake ang sarili sa pagsama sa kanyang ama sa mga kampanya at pag-iikot sa Kamaynilaan.

Ang pag-aartista raw ay puwedeng-puwede sa pamangkin niyang si Julian Ejercito.

“Naiinggit na nga po ako kay Julian, siya pa ang napunta sa showbiz.

“Pero siguro sa kanya na lang… mas dapat yatang siya na muna ang mag-aartista,” sabi ni Jake.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi pa rin tinigilan si Jake ng tanong na kung sakaling mag-artista siya, sino ang gusto niyang makapareha.

“Siguro si Heart Evangelista? Siya talaga ang childhood crush ko, e!” natatawang sagot niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN