PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

ABS-CBN: Kris Aquino will take a leave, not resigning

Kris will return on television after her leave to "fulfill contractual commitments."
by Nerisa Almo
Published Apr 17, 2013
ABS-CBN has agreed to let TV host Kris Aquino take a leave from work in June to fulfill her duties as a mother to Bimby and Josh. When she comes back, the network assures that Kris will “honor her responsibilities and will fulfill her contractual commitments to ABS-CBN.” Kris tendered her resignation in March 21 amidst the new controversy between her and former husband James Yap.

Ang panandaliang pagliban mula sa trabaho ang nakikitang solusyon ng ABS-CBN para kay Kris Aquino upang mas mapagtuunan nito ng pansin ang kanyang mga anak na sina Josh at Bimby.

Sa press statement na inilabas ng ABS-CBN kanina, April 17, sa pamamagitan ng Integrated Corporate Communications head na si Bong R. Osorio, nakasaad na napagkasunduan ng network at ng TV host-actress na mag-leave na lang muna ito sa Hunyo sa halip na mag-resign nang tuluyan sa kanyang trabaho.

Noong March 21, sinabi ni Kris na magre-resign na siya sa trabaho para magampanan niya nang mas mabuti ang kanyang papel bilang ina ng dalawa niyang anak na lalaki.

Ito ay nabanggit ni Kris sa kasagsagan ng panibagong kontrobersiya sa pagitan niya at ng dating asawa na si James Yap.

Kung sakaling nangyari ito, maiiwan ni Kris ang mga programa niya sa kasalukuyan—ang morning talk show na Kris TV, ang reality show na Pilipinas Got Talent, at ang matatapos nang teleserye na Kailangan Ko’y Ikaw.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

(CLICK HERE to read related article.)

Matatandaan na noong 2010 ay sinabi rin ni Kris na magre-resign siya sa kanyang entertainment talk shows na The Buzz at Showbiz News Ngayon.

Ang rason niya noon ay upang maiwasan ang pagbibigay ng anumang komento na maaaring makaapekto sa kanyang kapatid na si Benigno “Noynoy” Aquino III, na noon ay bagong halal na Presidente ng Pilipinas.

Dahil sa napagkasunduan ng ABS-CBN at ni Kris, umaasa ang network na matutupad pa rin ng TV and movie personality ang kanyang mga naunang commitments sa showbiz nang hindi maaapektuhan ang kanyang pagiging ina kina Bimby at Josh.

Narito ang kabuuang statemeng ng ABS-CBN:

“Ang pamunuan ng ABS-CBN at si Kris Aquino ay nagkaroon ng magkakasunod na meetings para pag-usapan ang kanyang intensyong mag-resign.

“Nauunawaan ng ABS-CBN ang kagustuhan ni Kris na maging isang mabuting ina sa kanyang mga anak na sina Bimby at Josh. Ngunit sa kabilang banda ay pinahahalagahan din ng network si Kris bilang isang iconic talent at respetadong media personality sa bansa. Kinikilala naman ng ABS-CBN at ni Kris ang responsibilidad niya sa publiko, sa kanyang mga katrabaho, at sa mga advertiser.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Kaya matapos ang masusing pag-uusap, sumang-ayon si Kris na pansamantala na munang mag-leave upang magkaroon siya ng panahon sa kanyang anak na si Bimby ngayong Hunyo habang ito’y nakabakasyon sa eskwela, at para madala na rin niya si Josh sa ibang bansa upang maisulong ang kanyang developmental progress.

“Pagkatapos ng kanyang leave haharaping muli ni Kris ang mga responsibilidad niya sa ating mga kapamilyang patuloy na tumatangkilik at sumusuporta sa kanya, at tutuparin ang kanyang contractual commitments sa ABS-CBN ng hindi naaapektuhan ang kanyang mahalagang tungkulin bilang isang ina."

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
ABS-CBN has agreed to let TV host Kris Aquino take a leave from work in June to fulfill her duties as a mother to Bimby and Josh. When she comes back, the network assures that Kris will “honor her responsibilities and will fulfill her contractual commitments to ABS-CBN.” Kris tendered her resignation in March 21 amidst the new controversy between her and former husband James Yap.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results