Ikinasal na noong Lunes, April 15, ang singer na si Mystica (Ruby Rose Villanueva in real life) sa kanyang boyfriend na si Kid Lopez.
Ginanap ang civil wedding nila sa Aberdeen Court, Great Eastern Hotel, Quezon City.
Si Kid—Edwin Nuas sa totoong buhay—ay isa sa mga alaga ni Mystica sa kanyang talent agency.
Matatandaang ginawan pa ni Mystica ng indie film si Kid, na ang singer din ang nagdirek.
Sa ulat ng InterAksyon kahapon, April 17, kahit daw pinagtataasan ng kilay ng marami ang kanilang 22-year-old age gap ni Kid, hindi raw ito nakakaapekto sa kanilang pagmamahalan.
Si Mystica ay 45 years old, habang si Kid naman ay 23.
Sabi ni Mystica, “With that gap na half my age, I never expect I’d fall in love with someone like him.
“It was really fate, tadhana.
“Minsan lang po ito sa buhay namin.
“Kahit ano na po sabihin nila, we don’t really care. What matters is we are together and both happy.”
Inamin ni Mystica na noong una ay parang anak lang ang turing niya kay Kid.
Pero ayon kay Kid, na-develop ang kanilang relasyon nang mas malalim pa.
Natatawang lahad ni Kid, “Uuwi na po sana ako nun. Hindi ako nagpaalam nang personal, sa Facebook lang.
“Tapos, hindi po niya ako pinauwi. Sabi niya, wala siyang kasama sa kuwarto.”
Pero bawi ni Mystica, “That was a joke.”
Ngayong mag-asawa na daw sila, sisikapin nilang magkaanak agad.
Sabi ni Mystica, “It would be so unfair to him na hindi ko siya mabigyan ng anak, so kung ilan ang darating, go tayo riyan.”
