Regine Tolentino returns to acting; continues entertainment-related business ventures

Sabik talaga si Regine Tolentino na magbalik-acting. Pahayag niya: “I wish they could see that part of me na kayang-kaya kong magkontrabida or magdrama. Para I have something to prove naman when it comes to acting.”


Kung noon ay madalas lang siyang humahataw sa dance floor, lately ay nakikita na ang kagalingan ni Regine Tolentino sa pag-arte.

Naging bahagi siya ng nagtapos na drama series nina John Lloyd Cruz at Bea Alonzo sa ABS-CBN na A Beautiful Affair.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) last April 17, sa kanyang Regine’s Boutique sa San Juan City, sinabi ng dating MTV Asia VJ na kahit under contract siya sa GMA-7 ay nakakapagtrabaho pa rin siya sa ibang network.

Saad ni Regine, “I’m so blessed because GMA-7 has been so kind to allow me to guest on different shows.

“And you know... kasi, iba-iba naman kasi ang role ko as a celebrity.

“Sa Channel 7, I’m a dance guru. Sa TV5, more on a celebrity judge or an actress and sa Channel 2 naman ay nagda-dance rin ako at drama.”

BACK TO ACTING. Ayon pa sa actress/dancer/TV host, sobra siyang natuwa sa kanyang pagbabalik-acting at nabanggit din niyang mas handa na siya ngayon sa pagsabak sa mga dramatic roles.

“I’m so happy, I really love acting specially ngayon.

“Dati kasi, mayroon akong limitations because of I’m super-bulol, tapos, ay hindi pa ako masyadong nakaka-acting workshop.

“Pero ngayon, I feel so challenged and I feel na mas kaya ko nang gawin ang iba’t ibang klase ng roles.

“And it’s really fun for me and I feel good lalo na at pareho kaming busy ni Lander,” kuwento niya.

Kasal si Regine sa actor na si Lander Vera Perez at ngayon ay may dalawang anak sila—sina Reigne at Reigen.

“So, it works out well na nagsusuportahan kami sa mga schedules. And then... ’yon.

“Tuwang-tuwa kami kasi, we help each other, nagpapatulong ako sa kanya kapag mayroong mga hard scenes.

“And ako rin, nagre-rehearse rin naman sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Magte-taping ako sa Pidol’s Wonderland ng TV5, isang bad na super hero ang role ko rito.

“So, nakakatuwa talaga na nagagawa ko ang mga bagay na ito ngayon,” masayang dagdag pa ni Regine.

ALL-AROUND. Nasabi rin ni Regine na gusto niyang maipakita ang kanyang kakayahan sa pagda-drama.

Umaasa rin siyang matutuloy ang planong magazine-type TV show ng Viva para sa kanya.

Nakagawa rin siya ng mga pelikula noon.

“I love drama and natsa-challenge talaga ako roon, and I like them to see a different side of me.

“Normally kasi ang ginagawa ko ay yung cheerful, normally ay sexy iyong mga ginagawa kong mga dance.

“So, I wish they could see that part of me na kayang-kaya kong magkontrabida or magdrama.

“Para I have something to prove naman when it comes to acting.

“We’re working on a show for the Viva Channel, sa cable naman ito.

“They’re working on a concept about fashion, beauty, motherhood, fitness…

“So, hopefully ay matuloy ang show na iyan dahil dream ko talaga na magkaroon ng show na ganoon,” sambit pa niya.

YOUNG STARS. After makatrabaho sina John Lloyd at Bea sa isang drama series, sino pang mga top stars ang gusto niyang makasama sa isang TV project in the future?

“Sa mga bagets, gusto ko si Gerald Anderson at saka si Coco Martin,” nakatawang saad ni Regine.

“Then sa mga girls, I love Kim Chiu, gusto ko siya at saka si Jasmine Curtis—gusto ko siyang makasama sana sa soap.”

SHOWBIZ MEMORIES. Bago nakasal kay Lander, isa si Regine sa miyembro ng first batch ng Star Circle noong 1995 kasama sina Victor Neri, Rico Yan, Maricel Morales, at iba pa.

Kamakailan, naging finalist sina Regine at Lander with their kapamilya sa katatapos na Bida Kapamilya Celebrity Round ng It’s Showtime!

Inamin ni Regine na nandoon pa rin iyong parang stigma ng insidenteng nangyari sa ASAP ten years ago nang naka-showdown niya ang dating aktres na si Angela Velez.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Matatandaan na naging kontrobersiyal sa segment ng Clash Dance ang kanilang showdown na umano’y pananabotahe ng kampo ni Angela kontra kay Regine.

Naakusahan noon ang kampo ni Angela na sinadyang magtapon ng langis at gaas sa dance floor matapos ang kanyang number.

Ito ang naging sanhi para madulas ng ilang ulit si Regine, na siyang sumunod namang nag-perform.

Subalit hindi ito naging hadlang para magdalawang-isip sila sa pagsali rito.

Bukod sa for fun, game raw sila dahil sa mga charitable institutions na gusto nilang tulungan at hahatian nila ng premyo.

“Oo, parang phobia rin iyon, kaya everytime kami na tumapak sa stage, tsine-check ko, ‘O, may gaas ba diyan?’

“Tsine-check ko kung madulas, kung basa…

“Pero hindi ako nagdalawang isip na sumali roon, excited akong bumalik sa ABS at magpakitang gilas ulit.”

SAME EXPERIENCE. Halos ganoon din ang naging experience ni Isabel Granada na nadulas at nahulog sa isang lifting, pero hindi halos nahalata dahil sa kanyang pag-adlib.

Eventually ay naging grand winner si Isabel kasama ang kanyang kapamilya sa Bida Kapamilya Celebrity Round.

Ano ang masasabi ni Regine sa pagpapakitang-gilas ni Isabel?

Tugon niya, “Ganoon talaga ang professional, the show must go-on.

“Tama iyong ginawa ni Isabel, proud ako sa kanila. Mas ikahahanga pa nga sa kanila iyon...

“Na nahulog, tapos ay ang ganda ng recovery, nandoon iyong presence of mind ni Isabel.”

Nang nangyari ito sa iyo ten years ago, ano ang pumasok sa isip mong dapat gawin para ma-save ang inyong production number?

“Ay… Go! Bahala na! ‘Next! Ano ba iyong next? Ituloy natin, tapusin natin ito, bahala na!’

“Ganoon ang na-isip ko, pero habang sumasayaw ako noon ay masakit talaga.

“Na-injure iyong tail bone ko, hip bone, ankle… hindi ako nakatrabaho noon ng ilang months.

“Super hirap iyon, super hirap, ang dulas… Parang naba-black-out ka kung ano ang gagawin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Parang nag-uusap na lang kayo ng dancers kung ano ang gagawin.

“Iyong isang dancer ay nabungi nga, na-chip iyong ipin niya, na-sprain rin sila.

“Kaya iyong Showtime ay balewala na lang sa akin, kasi lahat na ay na-experience ko na, e.

“Pero dapat talaga, kailangan talaga sa mga ganoong situations, lagi na the show must go-on talaga.”

ENTERTAINMENT BUSINESS. Bukod sa paglabas ni Regine sa Unang Hirit, abala rin siya sa kanyang business na Regine’s Boutique at Regine Tolentino’s Studios.

Dito’y nagtuturo sila ng dance, taekwondo, jiu jitsu, zumba dance na siyang latest craze sa fitness world, workshops, events production, at iba pa.

Sa kasalukuyan ay on-going ang Regine Tolentino’s 2013 Ultimate Summer Workshops sa likod lang ng Broadway Centrum.

Sa Summer Workshops, nagtuturo si Regine dito ng dancing, hosting at modelling sa kanyang studio.

Nasabi ni Regine na sa kanyang hectic schedules, kailangan niyang maging physically fit at healthy talaga.

“Yes, kailangan talagang maging fit na fit tayo,” eksplika ng actress/TV host na ang waistline ay super-slim pa rin sa sukat na 24 inches.

Bilang isang fashion designer naman, siya ang gumawa ng mga costume sa Kapatid Network TV show ng Enchanted Garden.

Gumagawa rin siya ng mga cosplay costumes sa mga tulad nina Alodia at Myrtle Sarrosa, winner sa nagdaang PBB Teen Edition.

Ikinuwento rin ni Regine kung paano siya nagsimula sa business bilang fashion designer.

“Nag-aral ako ng fashion design, pattern making and sewing and I know how to do the bead work and I do the draping and I do everything,” nakangiting kuwento niya.

“Nag-start ako by supplying for Rustan’s, supplying for SM nationwide, sa mga department stores.

“And then from there, ayun, nag-start iyong boutique.

“Right now, supplier kami sa Talentadong Pinoy, sa Eat Bulaga.

“May mga movie rin na kami ang nagsu-supply, iyong mga artista rin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kami ang nag-supply ng mga costumes sa Enchanted Garden, tapos ngayon ay may bago, yung Cassandra [pinagbibidahan ni Eula Caballero sa TV5].

“Sa amin din lahat ng costumes doon... I design everything.

“Pati sa mga artista sa mga awards night… sa Disney Philippines, licensee kami roon dati.

“Sinu-supply namin doon iyong mga princess’ gown sa mga kids like yung children’s costumes and formal wear like Cinderella,” dagdag pa ni Regine.

FAVORITE CLIENTS. Dahil sa kanyang pahayag, inusisa ng PEP.ph kung sino ang maituturing niyang malaking challenge na mabihisan o magawan ng costumes.

“Well, I love dressing up Ruffa Gutierrez, kasi ang ganda-ganda niya. Pati si Alice Dixson, ang sexy niya. Sa Enchanted ito…

“Ang favorite na favorite kong bihisan ay si BB Gandanghari dahil ang graceful niya at very fashionable siya.

“And then, na-challenge lang ako kasi sa schedules at saka medyo ano... si Ate Guy, nahirapan kaming hagilapin siya, hindi siya makapag-fit.

“Sa Subic pa namin siya pinuntahan, e, pero in fairness, nagustuhan niya iyong costume niya.”

Sinu-sino ang mga celebrity na madalas niyang bihisan ng mga formal gown?

“Ang mga nabihisan ko na, yung mga favorite kong bihisan?

“Nabihisan ko na sina Ruffa Gutierrez, Pauleen [Luna], Solenn [Heussaff], Rufa Mae Quinto, Heart [Evangelista], Julia Clarete, Tippy Dos Santos, Sheryl Cruz…

“Si Ruffa, maraming beses ko na siyang nabihisan, pati mga anak niya. Kasi, kapag may birthday, lagi sa amin.

“Kapag may theme, kapag Halloween, lagi siya sa amin nagpapagawa… sina Solenn, sina Bubbles Paraiso.

“Pati sina Piolo [Pascual], Anne Curtis at Sarah Geronimo, kami ang gumawa ng costumes nila para sa isang billboard.

Ipinakita ni Regine ang mga cellphone photos niya ng mga nabanggit na stars suot ang kanyang creations.

“Pati mga singers din, kapag may concerts sila… pati si Angel Locsin, nabihisan na rin namin para sa isang commercial,” saad ni Regine.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Si Eddie Gutierrez, binibihisan ko iyan lagi kapag may show iyan, gusto niya lagi ay Elvis.

“Pati si Ryzza Mae Dizon, binibihisan ko rin iyan.

“Pati iyong mga sexy outfit sa FHM, sina Ellen Adarna, Wendy Valdez, Cristine Reyes…

“Nagde-design ako for them, tatawag sila kapag rarampa sa FHM. Sa pictorial din, not really swimwear, pero pang-pictorial talaga for FHM.

“Thank God it’s fun to dress-up all these different artists,” pagtatapos niyang saad.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN