Jeffrey Jeturian’s Ekstra fails to make the cut in Cannes; two Filipino films chosen in Un Certain Regard section

Hindi nakapasok sa Cannes filmfest this year ang Ekstra (main photo), ang unang indie film ni Vilma Santos na idinirek ni Jeffery Jeturian. Sa kabila nito, dalawang Filipino films pa rin ang napili para sa Un Certain Regard section ng Cannes ngayong taon: ang Death March ni Adolf Alix Jr. at Norte, Hangganan Ng Kasaysayan ni Lav Diaz (insets).


Nabigong makapasok sa 66th Cannes International Film Festival ang first indie film ng Star For All Seasons at Batangas governor na si Vilma Santos—ang Ekstra (The Bit Player).

Matatandaang nagpadala ng screener sa selection committee ng Cannes ang producer ng Ekstra na si Atty. Joji Alonso ng Quantum Films sa pag-asang makunsidera ang pelikulang ito na idinirek ni Jeffrey Jeturian.

Sa Facebook fanpage ng Ekstra kahapon, April 18, ay ibinalita ang hindi pagkakasama ng first indie film ni Vilma sa Cannes:

“A programmer and member of the Cannes selection committee emailed us 2 hours ago to let us know that ‘unfortunately, Ekstra was not selected to form part of the Cannes selection this year. A number of the committee members liked the film but after the final voting held last Sunday over more than 5000 films, it failed to make the cut.’”

Noong 2006 ay ipinadala rin sa Cannes selection committee ang indie film ni Direk Jeffrey na Kubrador, na pinagbidahan ni Gina Pareño, at hindi rin ito napili.

Ngunit nag-premiere ito sa isang film festival sa Moscow at nanalo ng International Critics Prize.

Sabi pa sa Ekstra fanpage, “It [Kubrador] was eventually screened in over 100 festivals, won 12 international awards – 3 of which were the best actress plums for Ms. Gina Pareno.

“In the same token, Ekstra will find the right festivals in the months to come.

“Thank you to everyone who lent support to the film!!!”

Magpi-premiere ang Ekstra sa Directors’ Showcase section ng Cinemalaya Independent Film Festival ngayong taon.



TWO PINOY FILMS MAKE THE CUT. Hindi man nakapasok ang Ekstra sa Cannes this year, dalawang Filipino films pa rin ang napili para sa Un Certain Regard section ng prestihiyosong international film festival.

Ito ay ang Death March ni Adolfo Alix, Jr. at Norte, Hangganan Ng Kasaysayan ni Lav Diaz.

(CLICK HERE to read related story.)

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ito ang ikalawang beses na nagkaroon ng entry sa Cannes si Adolf. Una ay ang Manila (2009), which he co-directed with Raya Martin.

Tampok sa Death March sina Sam Milby, Sid Lucero, Jason Abalos, Luis Alandy, Benjamin Alves, Felix Roco, Ejay Falcon, Carlo Aquino, Jacky Woo, at Zanjoe Marudo.

Tungkol ito sa Fall of Bataan noong World War II.

First time naman ni Direk Lav na magkaroon ng entry sa Cannes.

Bida sa Norte, Hangganan Ng Kasaysayan sina Sid Lucero, Archie Alemania, Angeli Bayani, at Soliman Cruz.

Nakilala si Direk Lav dahil sa kanyang critically-acclaimed films na umaabot ng ilang oras ang screening time. Kabilang na rito ang Batang Westside (2002), Ebolusyon Ng Isang Pamilyang Pilipino (2004), at Kagandanan Sa Banwaan Ning Mga Engkanto (2007).

Ang mananalong best film sa Un Certain Regard Section ay pipiliin ng jury na pinangungunahan ng Danish director na si Thomas Vintenberg. May cash prize itong 30,000 euros.

Ang iba pang pelikula na nakapasok sa Un Certain Regard section ng Cannes this year ay ang mga sumusunod:

The Bling Ring (Sofia Coppola, USA)

Anonymous (Mohammad Rasoulof, Iran)

The Bastards (Claire Denis, France)

Bends (Flora Lau, Hong Kong)

Fruitvale (Ryan Coogler, USA)

Grand Central (Rebecca Zlotowski, France)

La Jaula de Oro (Diego Quemada-Diez, Spain)

L’image manquante (Rithy Panh, France)

L’inconnu du lac (Alain Guiraudie, France)

Miele (Valeria Golino, Italy)

Omar (Hany Abu-Assad, Palestine)

Sarah prefere la course (Chloe Robichaud, Canada)

Samantala, tatlong Filipino films naman ang nakapasok sa Cannes Short Film Corner: Katapusang Labok ni Aiess Alonso, Oasis Redux ni Carlo Manatad, at Mga Engkantong Laog sa Mahabang Dapithapon ni Roderick Cabrido.

Wala namang Filipino film na nakapasok sa Main Competition.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN