Joseph Estrada says it will take years to bring back Manila to its old glory

If ever he wins in the upcoming national elections, Estrada admitted that it will be a very big challenge to bring back Manila to its former glory.


“Ang isyu dito hindi yung personalan; ang isyu dito ang kalagayan, ang sitwasyon ng Maynila; kung bakit nagkakaganito,” bungad ni former President Joseph Estrada sa ipinatawag niyang press conference noong Abril 17, Miyerkules, sa bahay nila sa Sta. Mesa, Manila.

Hindi naman kaila na ang pinapasaringan ni Estrada, na tumatakbo sa pagka-alkalde ng Maynila, ay ang kanyang katunggali sa posisyon, si incumbent Manila Mayor Alfred Lim.

Ani Estrada, masyadong personal ang pag-atake sa kanya ni Lim sa kanilang labanan sa pulitika.

Isa sa mga tinalakay ni Estrada sa nasabing press conference ay ang mga naglabasang mugshots niya at may caption pa na “Mapagkakatiwalaan ba ang taong ito?”

Himutok ni Estrada, pinaparatangan daw siya ni Lim na isang “kriminal at magnanakaw.”

Aniya, si Lim umano ang nag-utos na maglabas ng nasabing smear campaign laban sa dating pangulo.

Matatandaang noong 2000 ay sinampahan ng impeachment case ng House of Representatives si Estrada dahil tumanggap umano siya ng milyun-milyong halaga galing sa jueteng.

Na-detain si Estrada at inilagay sa house arrest sa loob ng halos pitong taon bago siya nahatulan ng guilty sa kasong plunder noong September, 2007.

Gayunpaman, nabigyan siya ng executive clemency ni dating pangulong Gloria Macapagal-Arroyo sa sumunod na buwan.

Sa harap ng press people ay ipinakita naman ni Estrada ang ilang reports na nagpapakita sa hindi magandang kalagayan ngayon ng Maynila.

REPORTS ON MANILA’S CONDITION. Ayon sa kanya, ang Maynila “has the highest level of poverty incidents, the highest number of jobless people and the peace and order is beyond… I mean compared to other cities and municipalities, the police [in these areas] were not involved in so many criminal activities like kidnapping, carnapping, distortion,” buwelta ng dating San Juan City mayor.

“It goes to show only that in the survey—again this is the report from the DILG [Department of Interior and Local Government Unit]—out of the 38 highly-urbanized cities, Manila is number 36,” ani Estrada.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“And Manila is in debt [with] P3.5 billion deficit. This is a report from the COA [Commission on Audit].”

Ipinakita rin ni Estrada ang photocopy ng report na lumabas sa Inquirer na may pamagat na “MPD ‘dirty dozen’ sued for kidnapping.”

Sumunod naman niyang ipinakita ay photocopy ng report mula din sa national daily broadsheet noong October 2, 2012 na may titulong “Manila overtakes QC as ‘car capital’: 19 cases in one month.”

“WHAT HAPPENED TO MANILA?” Ibinida naman ni Estrada na naranasan niyang lahat ang ganitong suliranin noong siya ay mayor ng San Juan.

Aniya, nagsilbi siyang mayor ng siyudad sa loob ng 17 taon at nagawa raw niyang palaguin at paunlarin ang San Juan.

Pagpapatuloy pa ng actor-turned-politician, una raw niyang tinutukan ang pagkakaroon ng kapayapaan at kaayusan sa kanyang pinamumunuan.

Ang paniniwala raw kasi niya, “There can never be economic growth without peace and order.”

Dagdag pa niya, dati ay mas angat ang Pilipinas sa mga karatig-bansa nito, subalit ngayon ay naungusan na at napag-iiwanan na ang Pilipinas.

“We were richer than Hong Kong before, we were richer than Taiwan, we were much, much richer than Malaysia, Singapore, Thailand. Now, where are we?” tanong ni Estrada.

“So, what happened to Manila? Bakit nag-aalisan ang mga investors dito?

“Before, it used to be a financial center. Now, andun na sa Makati… the development in Makati; development in Taguig; andun na ang Global City, The Fort; in Quezon City, andun yung Eastwood; in Pasay andun ang MOA [Mall of Asia].

“Bakit ang Manila wala? Sabi ito… Manila [is the] capital city.”

FOR THE MASA. Paliwanag ni Estrada, nahikayat siyang tumakbo sa pagka-alkalde ng Maynila para matulungan ang masa na nag-akyat sa kanya sa tugatog ng tagumpay, mula sa larangan ng showbiz hanggang sa mundo ng pulitika.

“Masa made me as a leading man, as a producer and mayor [of San Juan],” pahayag ng 76-anyos na pulitiko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“They made me senator, vice president and more so, as a president.”

Dugtong pa ni Estrada, “Dahil ba talo ako sa nakaraang [2010 presidential] eleksiyon iiwan ko na sila? Hindi pwede silang iwan.”

Noong manalo si Pres. Benigno “Noynoy” Aquino III sa May 2010 presidential election, pangalawa si Estrada sa mga nakakuha ng pinakamaraming boto.

“Nakikita ko parami ng parami ang naghihirap sa Manila.

“These are the last years of my life and I’m giving it to all the masses of Manila, where I was born.

“That’s the reason why I cast in my candidacy for mayor.

“I hope you know the reason why hindi ko puwedeng matiis na iwan ang masa dahil ako’y malakas pa naman.

“Bakit ko sila iiwan ngayon?”


READY TO LEAD MANILA. As early as now, ay may development plans na raw si Estrada para sa Maynila.

“For renewal,” aniya ukol sa kanyang ambisyon sa siyudad, sakaling siya ang manalo.

“I know I cannot change Manila in years [as mayor]. It’s impossible.

“There are so many problems left behind.

"First of all, anong magagawa ko kung walang pera?

“So, I really think so many years [is needed] to bring back the glory of Manila.”

Pagdidiin niya, kung sakaling siya ang mailuklok na alkalde ng Maynila, “Unahin ang peace and order [and then] economic growth.

“Hindi uusad ang anumang lungsod o bayan kung walang kapayapaan.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN