Kung hindi naging artista, marahil ay isa nang pre-school teacher ngayon ang actress-TV host na si Anne Curtis.
Ayon kay Anne, ang pagtuturo sa mga bata ang naiisip niya sa tuwing tatanungin niya ang sarili kung ano pa ang maaari niyang gawin.
“Gusto kong maging pre-school teacher one day.
“I feel na, if ever, this is something na no matter where in the world I will be, malapit pa rin ako sa children.
"That’s where my heart is,” sabi ni Anne sa press conference na inihanda para sa kanya ng Wrigley’s Doublemint Gum kahapon, April 18.
Kaya naman para tuparin ang pangarap na ito, nag-enrol si Anne sa Open Universities Australia para muling mag-aral.
“I’m very, very happy that I was able to enrol.
“Right now, I did English Literature, so Great Books is one of the first units under Griffith University.
“In the next semester, I’d be doing early education, so Bachelor in Education.”
Aminado si Anne na matatagalan bago niya matapos ang kursong ito dahil tuloy pa rin ang trabaho niya sa Pilipinas.
“Alam mo ‘yon, alam kong hindi ko naman siya matatapos in four years, which is when you’re full-time [student].
“But that’s the whole point na they encourage you to continue, na i-pursue yung studies mo kahit na in the long run, kahit ilang units lang ang kukunin mo.
“Yung Englist Literature nga, I’m just very lucky na kahit na mag-switch ako, parang sabi nila, it’s still an elective.
“Isa ‘yan sa mga pinapangarap ko—ang maka-graduate ng college,” natututuwang sabi ni Anne.
ANOTHER CONCERT. Bukod sa muling pag-aaral, isa rin sa mga pangarap ni Anne ang muling makapag-concert.
Sa pagkakataong ito, sabi niya, “MOA naman!”
Natatawang dagdag pa ng 28-year-old actress, “Dreams do come true, di ba?
“Ewan ko ba. Tingnan natin.”
Biro rin niya, “Feeling ko marami pa, e, marami pa akong puwedeng ibigay.”
Nagpapasalamat si Anne dahil kahit hindi siya professional singer, marami pa rin ang tumangkilik sa una niyang major concert, ang Annebisyosa: No Other Concert, sa Smart-Araneta Coliseum noong 2012.
Aniya, “I think I was very, very lucky na natanggap ng mga tao na hindi talaga ako singer.
“I was given the opportunity to perform and have my first major concert.”
Noong panahong iyon, may ilang kumuwestiyon sa pagsasagawa ng concert ni Anne.
Pero sabi ng aktres, “As I’ve said, and will always repeat, I’m not a singer, I’m a performer.
“I like to entertain people. I like entertaining... not necessarily with a perfect voice but I share the same passion like others.”
Dahil sa tagumpay ng concert na ito ni Anne, gagawaran siya ng Guillermo Mendoza Memorial Scholarship Foundation Inc. ng titulong Female Concert Performer of the Year.