Paulo Avelino on BB Gandanghari: “Idol ko yun, e!”

Sino ang mas magaling humalik kina Jennylyn Mercado at Lovi Poe? Sagot ni Paulo Avelino: “Kailangang masubukan ko ulit para malaman ko... Hindi ko ma-gauge kung sino sa kanila ang mas magaling kasi walang dila, e.”


Nakasama ni Paulo Avelino sa pinakabago niyang pelikulang The Bride and The Lover ang dalawang magagaling na aktres na sina Jennylyn Mercado at Lovi Poe.

Bagamat isang Kapamilya actor na si Paulo, first time niyang nakasama sa pelikula ang Kapuso actress na si Jennylyn.

Si Lovi Poe naman, na ka-love triangle nila sa naturang pelikula, ay ilang beses na ring nakatrabaho ni Paulo.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), at sa aming kuwentuhan, napagkumpara ni Paulo ang dalawang aktres.

“Si Jennylyn, bilang katrabaho ay nakakatawa dahil madami akong nalaman at natutunan sa kanya,” umpisa niya kay Jennylyn.

“Nalaman ko na ang hilig niya sa mga physical activities, sports, ang dami niyang ginagawa.

“Nalaman ko rin na magaling talaga siyang aktres.

“Hanggang ngayon ay wala pa rin akong masabi sa galing niya… sa ganda niya.”

CAREFUL. Paano inalagaan ni Paulo ang dalawang leading ladies niya?

Saad niya, “Actually, parang sila ang nag-alaga sa akin.

“Medyo mahiyain rin ako minsan for the intimate scene, sa mga kissing scene, ayaw ko kasing maka-offend nang makatrabaho.

“Kung ano ang ibinibigay nila sinasabayan ko.”

MORE SKIN? Nagpakita na rin ba siya ng katawan dito? Meron ba siyang butt exposure?

“Madami akong ipinakita dito, e! Yun na lang ang tingnan ng mga manonood natin,” matipid niyang sagot.

Bakit napapayag siya ng ganitong role?

“Naniniwala kasi ako sa pelikulang ginagawa ko at ayaw kong limitahan ang sarili ko,” tugon niya.

Sino ang mas masarap kina Jennylyn at Lovi base sa karakter niya sa The Bride and The Lover?

“Magkaiba kasi sila—parang dalawang klase ng kagandahan dito sa Pilipinas.

“Isa morena, very Filipina, yung isa naman ay mestiza Filipina ang look. So, para sa akin equal sila, e!”

DIFFICULT CHOICE. Sino ang mas masarap humalik, si Lovi o Jennylyn?

“Kailangang masubukan ko ulit para malaman ko. Hindi... joke!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi ko ma-gauge kung sino sa kanila ang mas magaling kasi walang dila, e,” pagbibiro pa niya.

“Kidding aside, hindi ko kasi iniisip yung ganoon habang kinukunan yung love scenes ko kina Lovi and Jennylyn dahil acting lang yung ginawa namin.

“Kapag ganoon kasi, kailangang maging professional. Kailangang i-arte lang.

“Yung kay Lovi lang, medyo mas mahirap. Kasi nga, para kaming barkada.

“Close talaga, iisa ang ma­nager namin, tapos, may ganoong eksena nga.

“Pero as actors kasi, kailangan talaga naming gawin ’yon,” deklara niya.

Kung pare-pareho silang libre, sino ang pipiliin niya sa dalawa?

“Kung pare-pareho kaming libre, siguro... hindi ba puwedeng silang dalawa na lang? Ha!ha!ha!” pagbibiro niya.

“Hindi ko masabi, kasi hindi ko pa rin naman masyadong kilala ang dalawang girls.

“Siguro, nasa mood, minsan nasa mood ka na tisay ang gusto mong makasama, minsan naman ay Pinay na Pinay at morena,” tugon pa niya.

WORKING RELATIONSHIP. First time din niyang maidirek ni Joel Lamangan. Napaiyak ba siya ni direk o namura?

“Napagalitan... paminsan-minsan,” pag-amin niya.

“Lahat naman ng ginagawa niya ay para sa ikagagaling namin at ikagaganda ng pelikula.

“Tini-tiyaga niya kami talaga hanggang sa abot ng makakaya namin,” kuwento pa niya.

Ayon kay Paulo, isang obra ni Direk Joel ang The Bride and The Lover.

“Enjoy ako sa mga dialogue ng pelikula namin.

“I think it is one thing that makes our film unique dahil it’s very funny, very interesting.

“Kahit nakapikit ang mata mo, papakinggan mo pa rin ang mga dialogue,” saad pa niya.

Kamakailan, nakasama ni Paulo sa seryeng Kahit Konting Pagtingin si Sam Milby at Angeline Quinto.

Ano ang reaksyon ni Paulo sa sinabi ni Angeline na mas gusto niya si Sam Milby dahil ito’y mayaman samantalang si Paulo ay mayaman nga, pero kuripot.

“Oy, hindi naman. Iba kasi yung kuripot sa sobrang galante.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“E, si Sam kasi, sobrang galante... anong laban ko sa sobrang galante na tao?

“Si Sam kasi, laging nanlilibre, laging nagpapakape, laging nagpapa-ice cream.

“E, ako naman paminsan-minsan lang. Kung ano yung kaya,” reaksyon niya.

“Ako kasi, may tinitira ako para sa future at may tinitira rin para sa ikasasaya ko,” dagdag pa niya.


BB GANDANGHARI’S CRUSH: Ano naman ang masasabi niya na crush siya ni BB Gandanghari?

“Talaga? Seryoso? Idol ko yun, e!” natatawa niyang pahayag.

Napapanood daw kasi niya ito noong Rustom Padilla pa.

“Yung mga pelikula niya kasi dati... action, napapanood ko,” aniya.

Flattered ba siya?

“Hindi ko alam kung paano magre-react pero nakatutuwa na marinig kasi may nagkaka-crush pa pala sa akin,” sabi niya sabay tawa.

Paano kung pagsamahin sila sa isang movie na siya ang leading man, payag ba siya?

“Bakit hindi? Ako naman, malaki ang pagmamahal ko sa pelikula at sa pag-arte.

“Kung merong project na makakasama ko siya, bakit hindi?” pangwakas niyang tugon


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN