Aminado si Jed Madela na mayroong “tampo” sa kanya ang dati niyang record label na Universal Records, na nakasama niya sa loob ng siyam na taon.
“There’s a little bit of… hindi naman sama ng loob, more of tampo or… not naman to the point na hindi na kami nagpapansinan,” wika ni Jed.
“We still talk, and hindi naman maiiwasan na sumama ang loob kasi with the number of years na magkakasama kami, of course may konting tampo rin.
“Pero we still talk and who knows, we might collaborate again in other albums in the future.”
Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ibang entertainment press si Jed kanina, Abril 19, sa Sir Boy’s restaurant sa Panay Ave., sa Quezon City.
MANAGEMENT’S DECISION. Hindi naman daw bago kay Jed na makatrabaho ang record label na Star Records.
Ilang collaboration na rin daw kasi ang nagawa ni Jed kasama ang iba pang talents ng Star Records, kahit nasa ilalim pa siya noon ng Universal Records.
Itinanggi rin ni Jed na basta na lamang nagbigay ng offer ang bago niyang record label.
Aniya, “It’s more of my management’s decision, na they’ve decided na I’ve been with Universal for nine years already, and they were the ones who brought me up when I was still a nobody in the industry.
“You know, sobrang laki ng utang nan loob ko sa kanila.
“But of course I need to grow, we have to explore other possibilities na working with new artists, collaborate with other creative minds para naman [for a change].
“So, I’m so happy with Star [Records] kasi ang dami kong na-discover na kaya ko palang gawin, like this album, hindi ko naisip na kaya ko pala ‘tong gawin... na puwede kong gawin... puwede palang gawin ng boses ko ‘to.
“So, I’m very happy with the album.”
LOVE WILL COME. Maganda ang takbo ng career ngayon ni Jed, pero nananatiling tahimik ang kanyang lovelife.
Ayon sa mang-aawit, personal decision niya raw na panatilihing pribado ang kanyang buhay pag-ibig, lalo na at puro non-showbiz ang nakakarelasyon niya.
Three years na raw ang makalipas nang huling sobrang na-in love si Jed, pero hanggang ngayon ay nananatili siyang single.
Hindi naman daw pine-pressure ng kanyang pamilya ang 31-year-old na mang-aawit.
“With the family naman, they’re not… hindi sila nagpe-pressure sa akin,” sabi ni Jed.
“Uhm, what matters to them is I’m happy with my status in life now. Uhm, kumbaga open-minded kasi yung pamilya ko, e.
“As long as I’m happy, it doesn’t matter if I’m in a relationship or not. Nakikita naman nila na successful yung career ko.
“I’m happy with my brother and sister, lalo na they have kids already, so the more na dapat i-pressure nila ako but hindi, e.
“It’s a… my mom and dad are very supportive talaga with what I do.”
Pagdating sa pag-ibig, naniniwala rin daw kasi si Jed na “it will arrive, it will come.” Ayoko na i-push.
“Kasi nga the last one that I really fell for was really, uhm, not naman a traumatic experience. But it was an experience na nawindang ang mundo ko, parang gano’n.
“So, she’s already okay now and that’s what matters naman, e, so sana makahanap na ako nang mamahalin, kumbaga in the future.
“Pero hindi ako naghahanap, it will just come.”