Sarah Geronimo: "The next time na I fall in love, sana totoo na."

Hindi raw nawawalan ng pag-asa si Sarah Geronimo na darating din balang-araw ang lalaking tunay na magmamahal sa kanya. Sabi ng Pop Princess, "Kahit ilang taon ako maghintay, okay lang, basta totoong pagmamahal. Kahit na hindi mag-work out, kahit mag-fail, at least naramdaman ko yung totoong pagmamahal—hindi lang yung para lang sa mga taong nakakakita.”


Masuwerte man sa career bilang singer at actress, pero pagdating sa pag-ibig ay tila kulelat ang Pop Star Princess na si Sarah Geronimo.

Kaya naman daw sa susunod na pagkakataong iibig siya, sisiguraduhin niyang ito ay isang taong magpaparamdam sa kanya ng totoong kahulugan ng salitang "pag-ibig."

Sa panayam sa kanya ng ABS-CBN News na lumabas kahapon, April 18, sinabi ni Sarah na kahit matagal niyang mahanap ang ganung klaseng tao ay willing siyang maghintay.

Aniya, “Sabi ko nga, the next time na I fall in love, sana totoo na. Sana totoo na talaga.

“Iyon yung kahit ilang taon ako maghintay, okay lang, basta totoong pagmamahal.

“Kahit na hindi mag-work out, kahit mag-fail, at least naramdaman ko yung totoong pagmamahal—hindi lang yung para lang sa mga taong nakakakita.”

Dalawang beses nang nabigo si Sarah sa kanyang lovelife, kahit na hindi man niya ito tuwirang inamin sa publiko.

Una kay Rayver Cruz at pangalawa kay Gerald Anderson.

Ngayon, wala naman daw hinahananp na katangian sa lalaki si Sarah.

Saad niya, “May mga nagsasabi na kailangan may ideal man ka, may hahanapin ka.

“Okay din iyon, pero ang pag-ibig kasi, hindi mo maipaplano iyan.

“Minsan, ‘Ayaw ko sa ganito, sa ganyan.’ Hindi mo talaga masasabi kung kanino ka mai-in love.”

PARENTS’ APPROVAL. Pangako pa ni Sarah, ayaw na niyang magkamali ulit na nangyari na noon sa dalawang lalaking naging malapit sa kanya.

Sabi ng Pop Princess, “Napakaimportante ang say ng mga magulang.

“Ayaw ko nang gawin ang mga naging pagkakamali ko in the past.

“Kailangan balanse lahat, e. Mayroon din akong sariling desisyon pero kailangan i-honor ko din yung gusto ng mga magulang ko.”

Deklara pa ni Sarah, kahit single siya ngayon ay wala naman daw siyang mahihiling pa dahil masaya naman siya.

Sabi niya, “Tahimik ang buhay na walang lovelife. Ang sarap kayang maging single!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Iyan kasi ang bagay na ayaw mong... siyempre may pagkakataon na nalulungkot ka, naiinggit ka.

"Pero at the end of the day, kailangan mong intindihin na mayroong tamang panahon para sa pag-ibig.”



IT TAKES A MAN AND A WOMAN. Malaki naman ang pasasalamat ni Sarah sa lahat ng mga nanood ng bagong pelikula nila ni John Lloyd Cruz na It Takes A Man And A Woman.

Ayon sa Star Cinema, kumita na ito ng lagpas sa P300 million. Pumapangalawa na ngayon, in terms of box-office gross, sa Sisterakas.

Sa panayam naman ni Korina Sanchez ng DZMM sa Popstar Princess last Thursday, April 18, sinabi ni Sarah na masaya silang lahat pero hindi nila inaasam na malagpasan ang kinita ng Sisterakas.

Saad niya, “Hoping po siyempre na talagang tanggapin ng mga manonood ang part three, pero happy na ako personally dahil ang ganda-ganda po ng nagawa naming pelikula.

“Hindi na po ako masyadong umaasa na kailangan ma-surpass ang highest-grossing.

“Pero hoping tayo siyempre, bonus na lang kung mangyari iyon.”

Dagdag pa ni Sarah, “Ang nangyayaring success ng pelikula na one week pa lang, umabot na agad ng 200 million, sobra-sobra na po iyon.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN