PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Kean Cipriano on Alex Gonzaga moving back to ABS-CBN: "Masaya ako para sa kanya."

Kean admits dating someone but refuses to reveal the girl's identity.
Text: Margie Alberto Interview: Kathleen Benavidez
Published Apr 19, 2013
Kean Cipriano is currently working on a movie with Rufa Mae Quinto titled Miriam: Ang Huling Henya. He relates, "Hindi ko alam kung ano pero may magnet na humahatak sa amin na parang, ‘Oy, gawin natin ‘to na masaya!’ Na parang hindi, feeling ko hindi lang ‘to yung gumawa ako ng movie with Rufa Mae Quinto. Pero gumawa ako ng movie and we became friends."

Kasama si Kean Cipriano, ang lead vocalist ng bandang Calla Lily, sa pelikulang Miriam: Ang Huling Henya ng Viva Films.

Ito ay pinagbibidahan ni Rufa Mae Quinto at nakatakdang ipalabas sa mga sinehan sa Mayo.

Sa interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), ikinuwento ni Kean ang gagampanan niyang role sa pelikula.

“Yung role ko dito ay si Dexter. Ako yung parang middle man ng agency. I’m one of the villains.

“Kami yung agency na gustong magnakaw nung invention nila Miri… nila Rufa Mae.”

Ang pelikula ay tungkol sa isang kick-ass at brainy agent na si Miri. Magkahalong action at comedy ang matutunghayan ng mga manonood dito.

Unang nagkasama sa pelikula sina Kean at Direk Marlon Rivera sa Ang Babae sa Septic Tank.

Nang matanong si Kean kung palagi na siyang makakasama sa mga pelikula ng direktor, tugon nito, “Well, bakit naman hindi?

"I mean, yung working relationship namin, ang ganda na, kasi nga ang ganda rin niyang nasimulan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Kaya kung kakailanganin niya ako sa project na gagawin niya, bakit hindi?

“I’m sure naman na kung ano yung gusto niyang gawin namin na project, e, maganda yun.

"Naniniwala ako sa taste ni Direk Marlon.”

RUFA MAE QUINTO. Kapansin-pansin din na naging close na sila ng bida ng pelikula na si Rufa Mae, kaya naman ikinagulat namin nang malaman na iyon pa lamang ang ikatlong araw nilang nagkasama.

Kuwento ni Kean, “Eto yung third day na nagkita kami, ever, na nagkasama kami.

"Una, yung script reading. Pangalawa, nung Sunday, yun yung first day of shoot namin.

“Hindi ko alam kung paano nangyari. Pero siguro, we belong in an industry of waiting games, di ba?

“Kaya nung last shoot namin, naghihintay lang kami sa tent. Tapos nagkukwentuhan lang kami.

“Hindi ko alam kung ano pero may magnet na humahatak sa amin na parang ‘Oy, gawin natin ‘to na masaya!’

“Na parang hindi, feeling ko hindi lang ‘to yung gumawa ako ng movie with Rufa Mae Quinto. Pero gumawa ako ng movie and we became friends.”

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Paglalarawan ni Kean kay Rufa Mae, “Nakakatawa sya! Nakakatawa siya, sa totoo lang.

“Kumbaga, hindi… tinanong ko nga sa kanya nang diretso, ‘Ganyan ka ba talaga magsalita? As in, di ko alam kung ganyan ka, o ginagawa mo lang.’

"Pero ganun talaga, e. She’s a natural.

“Kaya, yun yung masasabi ko. Kaya ang sarap niya katrabaho, ‘cause she’s a natural.”

COMEDIAN. Sa comedy na rin nalilinya ang musician-actor. Okay lang ba sa kanya na mapasabak sa drama?

Sagot ni Kean, “Hindi ko din ma-gets kung bakit ako napupunta sa comedy.

"[Pero] kung kailangan ng istorya, kung kailangan nung screenplay mismo, bakit naman hindi?

“Kung yung character talaga, e, umiiyak siya, wala tayong magagawa dun kasi you have to commit to the character.”

Hindi lang sa paggawa ng musika kilala si Kean ngayon. Visible din siya sa telebisyon at pelikula.

Hindi ba siya nahihirapan sa transition from being a musician to an actor?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Siguro pinaghahandaan ko, siguro interesado lang kasi rin talaga ako dun dahil I respect the art so much.

"I respect the craft of filmmaking.

“Kaya pag binigyan ako ng role, pag binigyan ako ng gagawin ko, kailangan kong ilagay yung sarili ko sa isang character na hindi ako, na hindi si Kean.

“Ibang character na kahit papaano, meron din siyang konting slice of me.”

WHICH NETWORK? Lumalabas din ang musician-actor sa mga palabas ng TV5 at ABS-CBN. Kung mabibigyan ng chance na mag-stay sa isang network lang, ano ang pipiliin niya?

Tugon ni Kean, “I am very blessed na… na feeling ko nirerespeto ng indutrsy kung ano yung ginagawa ko talaga, which is music.

“Dun naman, kumbaga, whatever I do, for kung ano mang network o kung ano mang… Star Cinema or Viva or kung sino man na makasama ko…

“Kumbaga, nagpapasalamat ako kasi nirerespeto nila na, at the end of the day, kahit man anong gawin kong project, it will all boil down to Calla Lily pa rin naman, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Ako pa rin si Kean Cipriano ng Calla Lily palagi. Parang apelyido ko yung Calla Lily sa akin, e.

“Pero, thankful dahil nga nirerespeto ng show business, ng showbiz industry yung... na ganun ako, na nakakagawa ako ng kung anumang project na by invitation naman, alam mo yun?

“Kumbaga, if the project is right, pag-usapan namin ng management kung gagawin namin.

"At kung gagawin namin yun, sisiguraduhin namin na 100 percent kami dun. Na we’ll give it all.”

ALEX GONZAGA. Nahingan din ng opinyon si Kean tungkol sa pagbabalik ni Alex Gonzaga sa ABS-CBN.

Na-link noon sina Kean at Alex noong pareho pa silang nasa TV5.

Aniya, “I’ve been hearing the news.

"And masaya ako, masaya ako para sa kanya dahil I’m sure kung ano yung paglipat niya from one network to another, e, kumbaga, malaking… mabigat na decision-making yung ginawa nila

“And kung sino man sa team ni Alex, malaking decision-making ang ginawa nila dun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Kaya, whatever it is, I’ll support them.”

Sa usaping lovelife naman, matipid nitong tugon: “I’m happily dating.”

Nang tanungin kung sino ang lucky woman, natatawang lang sagot ni Kean, “It’s just for me to know.”

Read Next
Read More Stories About
Kean Cipriano, Alex Gonzaga
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kean Cipriano is currently working on a movie with Rufa Mae Quinto titled Miriam: Ang Huling Henya. He relates, "Hindi ko alam kung ano pero may magnet na humahatak sa amin na parang, ‘Oy, gawin natin ‘to na masaya!’ Na parang hindi, feeling ko hindi lang ‘to yung gumawa ako ng movie with Rufa Mae Quinto. Pero gumawa ako ng movie and we became friends."
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results