Eksklusibong nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang dating aktres na si Nadia Montenegro. Naganap ito sa taping ng Walang Tulugan ni German Moreno kagabi, April 19 sa Studio 6 ng GMA-7.
Si Nadia ay ang ina ng Kapuso star na si Ynna Asistio na limang taon nang karelasyon ni Mark Herras.
Naroon ang dating Regal baby kasama ang anim niyang anak bilang guest sa segment na Celebrity Talk with Aster Amoyo ng Walang Tulugan.
Dahil nitong mga nakaraang linggo ay lumutang ang isyung muntik nang maghiwalay si Ynna at Mark pero ngayon ay nagkabalikang muli, diretsahan naming inalam ang saloobin ni Nadia tungkol sa relasyon ng dalawa.
Simulang pahayag ni Nadia, “Pag nagka-problem sila, hindi na kami kumikibo kasi kapag affected ang isa sa kanila, affected lahat.
“And I always make it a point to tell Mark and Ynna na kung anuman ang problema ay ayusin nila kaagad. And nakakatuto naman kami.
“Natuwa naman ako dahil nung huling problem ay medyo pinakamabigat 'atang nadala nila which is first time ding hindi kami nakialam, kasi si Mark, 26 [years old] na at si Ynna naman 21 (years old).”
Dagdag pa niya, “Parang hindi naman talaga sila mga bata pa para pakialaman namin, unlike before na nakikialam talaga kami and nakita naman namin na hindi nila kaya, nagugulo na at hindi nila kayag ayusin na silang dalawa lang.
“Natutuwa na... kasi nakita nga ni Boy [Asistio, partner niya] na umiiyak si Ynna tinawagan niya si Mark.
“And naging maganda naman sa relationship naming lahat is that hindi namin itinuring na iba si Mark.
“Mark is a son to us... a real son to us. So, mahirap para sa amin kapag nagde-desisyon kami, we have to set aside the emotions kasi we love him just the same as Ynna but siyempre, amin yung babae.”
Hindi naman daw mahirap kausapin ang Starstuck Batch 1 grand winner.
Aniya, “Nakikinig naman. Kasi no holds-barred ako pagdating kay Mark, e.
“Kapag sinabihan ko, pag nagtampuhan kami at pa nag-away talaga kami, no holds-barred ako dun.
“I tell him what I feel, what is the right thing to do. But he has his own decision to do what is right or wrong.
“Ganun lang naman yun, e. Ganun lang naman ka-simple ang buhay, e.
“And I see naman na he’s really trying. He’s trying hard na ayusin ang lahat.
“Bata, e Nag-e-enjoy pa at napakarami pa niyang responsibility sa pamilya niya.” papuri niya sa binata.
WEDDING BELLS SOON? Sa huling interview kay Mark ng PEP ay tahasang inamin nito na kung siya daw ay mag-aasawa na ngayon ay si Ynna na raw talaga ng kanyang papakasalan.
“Oo nga, e,” pag-ayon naman ni Nadia.
“Naaano nga ako kasi parang ganun na ang mga datingan, e.
“Like what I’ve said, there are things that have to change.
“Sinasabi ko kay Mark na may mga bagay na hindi na niya dapat gawin kasi hindi na siya bata, so, napag-sasabihan ko siya dun kasi wala kaming problema kay Ynna.”
Dugtong pa Nadz, “Si Ynna kasi is very mature.
“And sometimes we have to put limitations.
“Ang lagi kong tanong kay Mark, 'Hanggang kelan? Hanggang kelan ka gagawa ng isang bagay na pambata?'
“Hanggang kelan ka magpapakasutil, magpapasaway?
“Hanggang kelan luluha ang anak ko?
“Kapag hindi ako tumigil sa kakatanong, baka ako ang maglagay na ng ultimatum.
“Kaya ginanun ko na siya,” masusi niyang paliwanag.
Ano naman ang reaksyon dito ni Mark, na bida sa Unforgettable ng GMA-7?
Lahad niya, “Sabi niya, ‘Nay, hindi naman ganun. Promise po, promise po.’ Spoiled kasi, e.
“Actually wala namang problema, e. Ang problema lang ay na-pressure sila kasi five years na.
“Five years na sila sa relationship nila kaya pressured sila dahil they’ve realized they haven’t grown...
“Na para sa akin ay mali. They should grow for each other and separately for each other, too.”
Kaya nga dumating sa point na hinamon na ni Ynna si Mark ng hiwalayan.
Sa article na lumabas dito sa PEP, sinabi ng kanyang anak na ang kakulangan ng oras ni Mark ang isa sa dahilan kaya gusto na nitong wakasan ang kanilang relasyon.
Eksplika ni Nadia, “Napagod ang anak ko. Napagod siya hindi dahil kay Mark, kasi sobrang love niya si Mark.
“Napagod siya sa sitwasyon na, ‘Ganito na lang ba tayo?’
“Kaya si Mark, kapag sinabi na, ‘O, yung girlfriend mo?’.
“Ang sasabihin niyan [Mark], ‘No, my ex-girlfriend kasi she’s the girl I want to marry.’ Ganun na raw siya mag-introduce ngayon.”
Bilang isang ina, ano ang nararamdaman kapag ganun ang sinasabi ng kanyang future son-in-law?
Bulalas niya, “May kaba... May kaba.
“Pero, hindi ako puwede ma-threaten kasi may usapan naman kami, e.
“Sabi ni Mark, inaayos na raw niya ang magiging mansyon na titirhan ni Ynna, na gagawn niya for Ynna.
“And I said, hindi importante ang mansyon, ang importante ay kahit maliit na bahay basta masaya.
“Ang problema, sabi ko kanya, bago kayo mag-move sa stage na yun, dapat ngayon pa lang ay ayusin n'yo na lahat ng mga problema.
“Which I think na matatagalan pa at dun ako kinakabahan,” humahalakhak niyang saad.
“Matagal... matagal talaga ang lalaki mag-mature, e.
“Pero, we are not giving up on him naman.”
In fact, bago ang panayam na ito ay nagkakausap pa lang nila ni Mark.
Kuwento niya, “Kani-kanina lang sabi ko sa kanya. Sabi ko, ‘Anak, alam mo, kung ano ang plano namin ay kasama ka na namin.’ Kasama na siya.
“Kaya lang, sabi ko pa sa kanya, ‘Ayoko naman atang magka-apo na mas immature pa yung tatay ng magiging apo ko.’
“Ganun ang mga usapan namin, so, nakakatuwa.”
Sa kabilang banda, ano naman ang opinyon ni Mark sa usapan nila?
“'Nay, magbabago ako, Sorry po,'” natatawang kuwento niya. “Yun lang naman.
“Wala naman talaga siyang bad attitude, immature lang talaga.”
ISSUES WITH MARK. Ano bang mga immaturity ang napapansin nila kay Mark?
“Si Ynna kasi is a 'stay-home-little-girl,'” eksplika niya. “Si Maark, wala siyang problema sa ganyan kay Ynna just like me.
“Walang naging problema ang tatay nila ng disco-disco. Wala, e. Hindi sila mahilig diyan, e.
“She’d be home waiting. Mark, you know, is taping.
“Malalaman na lang niya na one week na pala silang hindi nagkikita. Malalaman na lang niya na kasama pala mga barkada. Yung mga ganun.
“ Dahil mabait yung babae, hindi nagre-reklamo, go lang ng go.
“Ako naman ang nagereklamo. ‘Aba, unfair 'ata 'yan.’ Ba’t ganito... ba’t ganyan.”
Isa pa nga raw ay, “Bisyo... Sigarilyo.
“Kasi yung health niya, number one.
“'Di ba kasi pati Mommy niya nakikiusap sa amin kung pwede tulungan ko sila na mapitigil ang paninigarilyo niya.
“'Yun lang naman, little things pero it’s been going on for five years.
“Then, sabi ko nga sa kanya, 'Until when ka sasayaw?'
“'Paano yan, you still have a family na aasikasuhin mo, so, dapat ayusin mo na yang sarili mo para maayos mo yang pamilya mo at saka na lang ang anak ko.’
“Yun lang naman ang gusto ko kaya kampante ako na matagal pa.”
Paano kung maisipan ng dalawa ang magtanan dahil sa sobrang emosyon na nababalot sa relasyon ng dalawa?
Kaya ba niyang tanggapin ito?
Mariing wika niya. “Imposible. Wala silang reason na mag-elope dahil even Ynna can tell her father anything.
“In fact, the relationship of Mark and Ynna has changed Boy as a father.
“Because if you ask the sisters of Ynna, nung before, ang laging sabi ni Boy, 'Bawal ang ganito, bawal ang ganyan... Bawal ang mga usapang kasal.’ Yung ganun.
“So, ang laki ng pinagbago ni Boy as to how he deals with his daughters because that’s how he loves Mark.
“Kaya kung ano talaga ang magiging future nilang dalawa kung silang dalawa na nga talaga,would depend on them.”
FUTURE SON-IN-LAW? Sa point of view niya, nakikita na ba niya na si Mark na talaga ang future son-in-law niya o baka hindi rin siya sigurado?
Ano ang pakiramdam niya?
Pasubali ni Nadia,”I can’t tell, e. Well I think, the way I see it, yeah.
“With the way Ynna loves him and the way things are going, I don’t see anybody else.
“Like yung nangyari the other time, yung one month hindi sila nagkita at napansin na lang namin na Ynna is really sad, isa lang ang sinabi ng tatay niya.
“'Ynna, kung nahihirapan ka sa sitwasyon niyo, dalawa lang ‘yan,e. Magtiis ka o magtiiis ka na wala na siya sa buhay mo.'
“And they’re still together, so, alam mo na. 'Tsaka kinausap din ni Boy si Mark.”
Dugtong pa niya, “Alam mo, for us to see our daughter cry, kung noong araw 'yan, ewan ko kung nasaan na si Mark.
“Pero ngayon, nag-iba na. Nakita rin naman kasi niya kung gaano kamahal ni Mark ang anak ko na para bang he practically grew with them.”
REACTION TO BASHERS. At this point inalam namin sa kanya ang reaksyon niya sa mga bashers at negative comments sa kanya at kanilang pamilya tuwing may write-up na lumalabas dito sa PEP.
Kaswal niyang paliwanag, “Siguro dahil sa isyu sa amin before.
“Di ba, yung isyung ginagastusan daw kami ni Mark o inutangan namin siya.
“Kasi, di ba before, we eat outside together, we went out of town together, may mga gumawa na ng isyu na si Mark is spending for the whole family.
“Parang imposible naman.”
“Kela ba nga ba nag-start ang isyung yan? Pati kay Nay Lolit before [Lolit Solis, manager ni Mark] na parang nagselos before.
“Okey lang yun, naiintindihan ko naman.
“Maraming nag-try na siraan kami, hindi lang yan, marami pa yan.
“Hay, it’s up to them. Ang importante ay masaya kaming lahat,” pagtatapos ni Nadia.
