Jhong Hilario on “revealing” viral photo: “Kung sinuman ang na-offend ko, I’m sorry, I made an honest mistake.”

Jhong’s message to netizens who continue to circulate his controversial photo: “Sa mga nagkakalat, I know na trabaho nila yun... kung saan sila masaya. Basta ang statement ko hindi pa sa ngayon ako magsasalita, sa tamang panahon.”


Lumikha ng kontrobersiya sa social media ang kumakalat na Instagram photo ni Jhong Hilario kung saan bahagyang nakita diumano ang maselang bahagi ng kanyang katawan.

Agad na kinuha ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ng Cinema News ang panig ni Jhong tungkol sa lumabas na larawan na siya raw mismo ang nag-post sa Instagram.

Bagamat panandalian lang daw itong naka-post online at agad-agad din niyang binura, marami na rin ang nakakita at nakapag-download ng nasabing photo, at laganap pa rin ang pagkalat nito sa social media.

Kasalukuyang umiiwas si Jhong sa pagbigay ng komento tungkol sa naturang isyu.

“Hindi pa ako puwedeng magsalita about that, management ang kailangang kausapin,” paliwanag ni Jhong.

APOLOGY. Dahil sa kanyang magandang imahe bilang isa sa regular hosts ng It’s Showtime, agad namang humingi ng tawad si Jhong sa mga taong maaaring na-offend sa nangyari.

“Kung sinuman ang na-offend ko, I’m sorry, I made an honest mistake. Hindi natin puwedeng sabihin na tao ka nagkakamali, madaling sabihin yun.”

May mensahe ding iniwan si Jhong sa mga taong nagkalat nito sa kabila na agad niya itong binura sa Instagram.

“Sa mga nagkakalat, I know na trabaho nila yun... kung saan sila masaya. Basta ang statement ko hindi pa sa ngayon ako magsasalita, sa tamang panahon.”

Labis-labis naman ang pasasalamat ni Jhong sa mga kasama sa Showtime na buo ang suporta sa kanya.

“Sila ang nagpapalakas ng loob ko. Kilala nila na hindi ako ganung tao,” pangwakas niyang pag-amin.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN