Philippine Daily Inquirer issues apology over TIME Magazine PNoy "spoof cover"


Isang maikling statement ang inilathala ng Philippine Daily Inquirer (PDI) kagabi, April 20, sa kanilang website na www.inquirer.net.

Nakasaad dito, "We stand corrected. It was an honest mistake."

Ito ay may kaugnayan sa diumano’y "spoof cover" ng TIME Magazine na nagpapakita ng larawan ni President Noynoy Aquino na lumabas sa front page ng national broadsheet kahapon, Sabado, April 20.

Inilabas daw ng website ang statement kaugnay na rin sa naglabasang batikos na "fake" diumano ang naturang cover picture ng pangulo sa prestihiyosong magazine.

Nilinaw ng PDI na bagamat kasama si PNoy sa list ng “100 Most Influential People in the World” na tampok sa April 29, 2013 issue ng TIME, hindi siya ang nasa cover ng nasabing issue.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN