PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Rocco Nacino on Lovi Poe: “We’re really at ease with each other.”

Rocco says he doesn't see anything wrong with tackling sexy or adult roles
by Glenn Regondola
Published Apr 21, 2013
Rocco on what he likes most about Lovi: “Ang gusto ko kay Lovi is her personality. Her sense of humor. How we treat each other. That’s basically what makes her different.”

Kay Lovi Poe nauugnay ngayon ang TV actor na si Rocco Nacino matapos nitong makipaghiwalay kay Sheena Halili.

Nagsimula ang tsismis na ito nang magkasama sila sa defunct na Yesterday’s Bride ng GMA-7.

Witness ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa sobrang ka-sweet-an ng dalawa sa dressing room ng Studio 6 ng Kapuso network.

Kapansin-pansin ang pagbubulungan nilang dalawa, ang paghaplos ni Lovi sa noo ni Rocco at walang humpay na hampasan sa kani-kanilang balikat bukod pa sa paghu-holding hands.

Mula sa kabilang studio kung saan may rehearsal ang Party Pilipinas mainstays ay sinadya pa ni Rocco si Lovi na naroroon naman sa taping ng Walang Tulugan ni Master Showman para mag-promote ng pinakabago niyang pelikula, ang The Bride and The Lover.

Kaya, nang makausap namin ang aktor ay tinukso namin ito sa aming nakita.

AT EASE WITH LOVI. Nangingiting paliwanag niya, “Hindi, ganun talaga kami kakulit.

“Nakita n’yo naman na ganun lang kami ka-kumportable sa isa’t isa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“At saka, ngayon lang uli kami nagkita kaya hayun, para wala lang sa amin yung akbayan.

“Walang problema. Lalo na yung nagte-taping kami, mas sobra yung kakulitan namin.

“We’re really at ease with each other.”

Pagkatapos ba ng Yesterday’s Bride, nawalan na ba sila ng communication sa isa’t isa?

Dagling sagot niya, “Meron. Meron. The thing is, after Yesterday’s Bride, hindi na kami nagkita.

“But we talk a lot.

“Nakakatuwa. Masaya kasi the communication is still open.”

Still beautiful pa rin daw si Lovi sa paningin niya.

“Oh, yeah, she’s still the beautiful Lovi na maganda before,” pag-describe niya.

“Physically, ganun pa rin siya. Yung smile na maganda and the eyes, of course... They talk a lot.

“Na-excite ako nung nag-text nga siya sa akin na may guesting nga raw siya dito [sa Walang Tulugan].

“Ako naman, nagre-rehearse lang sa kabila kaya sabi ko, 'sige, puntahan kita.' That’s why I’m here.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Aminado si Roco na kung ang pag-uusapan ay ang type niyang babae, kabaliktaran nito si Lovi.

“Usually kasi, I go for the chinita ones, yung fair ang skin,” kuwento niya. “Pero, ang gusto ko kay Lovi is her personality.

“Her sense of humor. How we treat each other.

“That’s basically what makes her different.

“Hindi ko rin nga maintindihan kung bakit ganito kami ka-close, e.

“It started pa from way back.

“Siya lang talaga ang morenang ganito ka-close ang relationship namin.”

Kaya nga nagkakaroon ng misinterpretation na sila na ngang dalawa.

Saad niya, “Kahit sa girls sa Party Pilipinas, ganun din ako sa kanila. Sweet, paakbay-akbay.

“Siguro, yung mga hindi nakakakilala sa personality ko, ganun nga lagi ang mangyayari.

“Mami-misinterpret nila ako.”

Sa pelikulang pinu-promote ng anak ng yumaong Fernando Poe Jr., makikita ang maraming hot scenes with Paulo Avelino.

NOT JEALOUS. Ano ang reaksyon niya dito?

“Grabe, step up na talaga,” bulalas niya. “Iba talaga kapag Joel Lamangan [ang director ng The Bride and the Lover].

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Maski ako, napapa-wow!

“Wow na wow talaga.

“Sa akin naman it’s work. It comes with work.

“Biro nga niya sa akin, ‘you should watch the movie.’

“Sabi ko, 'Okey.'

“Actually, natawa ako dun, e.”

Hindi kaya magselos siya?

“Ba’t naman ako magseselos?” balik-tanong niya sa amin.

“Even that I don’t know, e.

“Wala naman akong karapatan.”

READY FOR SEXY ROLES. On his part, handa na ba siya sa ganung ka-adult na role?

Aniya, “It depends. Kung maganda ang project at makakatulong sa career ko, siguro.

“Usually naman, I bring it up with my manager.

“Pag-uusapan namin yan.

“Pero, papunta na ako sa mga ganung roles. At para sa akin naman, why not?

“Part yan ng pag-evolve natin bilang isang artista, di ba?”

Sa pagsasayaw din siya sa Party P ay madalas naghuhubad siya ng T-shirt showing his abs. Kaya tuloy ang tingin sa kanya ng iba ay isang sex object.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Okey din sa akin yun,” wika niya. “It goes to show na yung paghihirap ko sa gym ay may nangyayari at may nakaka-appreciate.

“Sa akin kasi it’s part of being versatile—na I can play different kinds of personalities.

“Sexy, seryosong aktor at puwede ring magpatawa.”

NO BURNOUT. Napag-usapan namin yung nangyari kay Mark Herras.

Dumating kasi sa point na ang 1st Ultimate Starstruck Survivor ay naging unprofessional sa trabaho at naging pasaway.

Ang itinuturo nitong dahilan ay ang pagka-burn out.

Nararanasan na ba din niya ang ganitong pakiramdam sa sunud-sunod niyang projects ngayon?

Paliwanag ng Starstruck V 2nd Prince,”Kasisimula ko pa lang. Pangatlong taon ko pa lang sa showbiz.

“Bakit ako mapapagod? Everything is going well.

“Lalo akong ginaganahan. It’s the opposite. It’s the other way around.

“Parang mas gusto kong magtrabaho.”

Dugtong pa niya, “It happens to everybody siguro. For people who work 24/7, it happens.

“Malaki ang chance na mangyari sa akin pero ang dapat kong isipin na kailangang andun pa rin sa akin yung passion and determination to work.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“To be patient and positive para mapigilan yung that kind of feeling.”

ON BEING COMPARED TO STEVEN SILVA. Sa totoo lang, mas marami pa siyang TV projects keysa sa Ultimate Survivor grand winner ng batch niya na si Steven Silva.

Ano ang masasabi niya dito?

“Para sa akin, it’s really humbling and motivating para magtrabaho pa ng husto,” pahayag niya.

“Ginagahan ako lalo, hindi ako napapagod.

“Kung anuman ang blessings ko ngayon, ina-acknowledge ko na lang.

“Sabi ko nga, I am a good example na you don’t have to be always the winner to be working like this.

“Tiyaga lang talaga,” pagtatapos niya.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Rocco on what he likes most about Lovi: “Ang gusto ko kay Lovi is her personality. Her sense of humor. How we treat each other. That’s basically what makes her different.”
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results