Daniel Padilla on his "mayabang" tag: “Mukha lang siguro akong mayabang pero hindi lang talaga ako nagpapaapi, ’no!”

Daniel on being often misunderstood: “Minsan kailangan mo ring ipakita yung ganung image mo para lang yung mga taong ayaw sa yo maintindihan ka lalo. Kasi akala nila porke artista, ‘Pa-cute ng pa-cute lang yan, wala naman yang mga yan!’ Hindi ganun yun, no! Pantay-pantay lang tayo dito, nagkataon lang na nasa TV ako, di ba?”


“Ayoko nang sagutin, sabi ko nga ayoko ng problema, gusto ko masaya lang tayo. Bahala na sila, okay lang ako.

“Di ba ho? Kumbaga alam mo na kung anong meron ka ngayon, e, bakit ko pa papatulan,” ang isinagot ni Daniel Padilla tungkol sa mga nang-iintriga sa kanya ngayon.

Isa na rito ang tungkol sa isyu sa pagitan nila nina Julie Anne San Jose at Elmo Magalona.

Sa ngayon kasi, sa dami ng blessings na dumarating sa buhay ni Daniel, puro positibong bagay ang tumatakbo sa isip niya ngayon; ayaw niyang pumaytol sa kahit na anong intriga o paninira.

“Oho, masaya ako sa buhay ko ngayon,” diin niya.

Nakausap si Daniel ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kahapon, April 20 sa Whistle Stop restaurant sa ABS-CBN compound para sa presscon ng kanyang major concert na Daniel Live: A Birthday Concert sa Araneta Coliseum sa April 30 na produced ng ABS-CBN at ng Star Records.

April 26 ang eksaktong petsa ng eighteenth birthday ni Daniel.

Pinasikat ni Daniel ang kantang Nasa ’Yo Na Ang Lahat; kaya naitanong sa kanya kung nasa kanya na ba ang lahat?

“Hindi, wala pa,” pag-amin niya.

Ano pa ang kulang?

“Basta marami pang kulang, marami pa. Hindi pa, kumbaga kuntento ako ngayon pero hindi ko inaano yung sarili ko na hanggang dito na,” pag-klaro niya.

EARLY RETIREMENT? Marami pa siyang gusto ma-achieve…

“Marami pa ho, marami. Ang aga-aga pa, disi-otso pa lang ho ako. Aabot pa ako ng trenta, ang tagal pa.”

At ini-reveal ni Daniel na kung siya ang masusunod, pagdating niya ng thirty one years old ay hihinto na siya sa pag-aartista.

“Oho, magla-lie low na ako pagka-thirty one ko, e. Magre-relax na ako.

“Kasi after thirty one ho, gusto kong i-explore yung sarili ko sa buong mundo,” saad niya.

Gusto raw niyang puntahan ang iba’t ibang mga bansa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

At ang una niyang pupuntahan…

“Gusto ko sa Europe.”

By that time, may asawa na siguro siya.

“Siguro naman. Ewan ko, bahala na ho kung anong mangyayari nun.”

At iyon na nga, by that time wala na siya sa showbiz.

“Kung puwede ho, gusto ko ng magpahinga nun, di ba, parang…”

Magne-negosyo na lang raw siya sa kanyang early retirement.

“Oho, magbi-business na kami lahat nina Mama, tapos ako,” pahayag pa ng guwapong anak nina Karla Estrada at Rommel Padilla.

“Marami ho kasi akong gustong gawin talaga, e, di ba?

“Pero ngayon siyempre hindi ko pa masyadong iniisip pero sa future ho tingnan natin.

MARRIAGE PLANS. Tungkol na rin lang sa future ang usapan, natanong si Daniel kung anong age niya planong mag-asawa?

“Bakit ganito ang mga tanong, bakit parang alam ko na lahat,” ang tawang-tawang reaksyon ng binata.

“Hindi ko alam, aabangan natin.”

Bago siya magreretiro, mag-aasawa muna siya? O pagkaretiro niya?

“Habang, para pagkaalis ko may kasama na ako.

“Ano ba to, asawa na agad? Anak ng tokwa naman,” at muling tumawa ng tumawa si Daniel.

Birthday niya, pero halimbawang siya ang magreregalo, sino ang reregaluhan niya at ano ang ibibigay niya?

“Pamilya ko, tapos bahay ang ireregalo ko. Pamilya muna siyempre.”

Ano ang birthday gift sa kanya ni Kathryn Bernardo na ka-loveteam niya at espesyal na babae sa buhay ni Daniel?

“Wala pa, hindi ko pa nga birthday actually, wala pa.”

Ano ba ang gusto niyang matanggap?

“Wala... okay na ako, masaya na ako.”

Nauna rito, last March, bilang regalo ni Daniel sa sarili niya ay nakabili siya ng kotse na Dodge Challenger.

CONCERT DETAILS. Sa concert niya, around eleven or twelve songs daw ang kakantahin niya.

“Kakayanin,” sabay tawa ni Daniel.

Ano ang ginagawa niya para sa boses niya, para hindi siya mawalan ng boses?

“Wala, hindi ko alam, basta kanta lang ako ng kanta! Hindi ko nga alam kung paano ko nagagawa, e,” at muling tumawa ang sikat na matinee idol.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi raw siya sasayaw sa concert niya.

“Hindi ho. Ibigay na natin sa iba yung pagsasayaw, kakanta na lang ako.”

Guest si Kathryn sa concert ni Daniel.

“Kakanta rin ho siyempre.”

Magdu-duet sila.

“Siyempre ho.”

Maliban dito ay hindi niya alam kung sino ang iba pang mga guests sa show niya.

ON TURNING EIGHTEEN. Eighteen na si Daniel; legal na ba siyang gawin ang lahat bilang isang binata?

“Sa lahat? Huwag muna. Ayokong mamroblema, hassle sa ulo yun.”

Marami na ba siyang alam sa buhay?

“Oo naman! Mulat naman ako sa lahat ng bagay. Pero siyempre hindi naman kailangang ibulgar yun, alam nyo na yun, understood na yun kumbaga nating lahat yan,” ang napakatotoong sagot ni Daniel.

Sabay-bawi niya ng…

“Bata lang naman ako, e, wala pa akong alam,” at muli siyang tumawa.

Pero alam naman raw niya kung ano ang tama at kung ano ang mali.

“Oo naman. Dati pa. Pag hindi ko alam, sasampalin ako ni Mama,” sabay tawa niya muli. “Ngayon alam ko na!

“Pero okay na ho ako.”

At dahil binata na siya, natanong si Daniel kung umiinom ba siya?

“Hindi ako umiinom ng alak. Pero na-try ko naman minsan, umiinom pero madalang yun kasi hindi ako mahilig talaga, pangit ang lasa nun.”

FAVORITE TITO? Sa tanong naman kung sino sa mga Tito niya ang pinaka-close niya…

“Huwag na ho dun sa mga Tito-Tito. Lahat ho gusto ko, lahat.

“Iba-iba ho ang pagkatao ng mga Tito ko at lahat sila merong kakaibang pagkatao na talagang gusto ko kaya wala ho akong pipiliin sa kanila, kahit ho tatay ko.

“Iba-iba [sila].”

Kailan lang ay magksama sila ni Robin Padilla sa shoot ng isang endorsement. First time ito at nag-enjoy raw sila.

“Oo naman! Si Tito Robin the best yan, e. ’Tsaka sobrang bait nun, si Tito Robin.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Wala siyang hininging payo dito tungkol sa pag-ibig.

“Hindi, hindi kami nag-uusap tungkol dun.”

Ano ang pinag-usapan nila?

“Masaya lang, trabaho. Marami kaming balak kasi ni Tito Robin, e. At marami rin kaming gusto ni Tito Robin na gawin.

“Marami ho, gusto rin kasi naming mag-travel, kaming lahat— Padilla lahat.

“Mag-movie kaming Padilla rin na lahat. Kasi pamilya namin iyon, na parang isang barangay ng barkada yun, e.

“Kaya masaya ho kami.”

Sinabi ba ni Robin na nagulat ito sa kayang phenomenal na pagsikat?

“Hindi ho namin pinag-uusapan.”

May advise ba si Robin tungkol sa kanyang career?

“Nasabi lang ho niya, laging sinasabi sa akin ni Tito Robin na ano, na parang, matalino naman akong bata, e.

“Hindi naman matalino na parang tungkol sa aral-aral mismo, pero sa buhay kumbaga, di ba?

“Na ‘Wise ka na.’ Kung bata pa ako, tumatanda na akong alam ko ang kailangan kong gawin.

“At maganda ang nasa isip ko, hindi lang para sa sarili kong kasiyahan, di ba? Kundi para sa lahat. Para sa tao, para sa pamilya ko, para sa lahat mismo.”

Kanino siya mas close, kay BB Gandanghari o kay Robin?

“Kasi naman ho kay Tita BB, hindi ho kami masyado, pero kay Tito Robin man ho tsaka kay tita BB, minsan lang naman ho kaming magkita ni Tita BB. Pero sobrang bait, the best rin si Tita BB napakabait na tao!

“At si Tito Robin nagkikita kami pero as in pareho lang, wala naman hong ano.

“Pumupunta po siya [BB] sa bahay ni Mama Eva [Cariño-Padilla na ina nina Robin at BB], pag andun ako. O kung ako naman ang bumibisita kay Mama Eva tapos andun naman siya.”

KYLIE DEFENDS DANIEL. Ipinagtanggol si Daniel ng anak ni Robin na si Kylie Padilla. Na kilala daw ni Kylie si Daniel, at hindi ito mayabang tulad ng paninira ng iba sa binata.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Totoo naman, e,” reaksyon ni Daniel na biglang naging seryoso ang mukha.

“Mukha lang siguro akong mayabang pero hindi lang talaga ako nagpapa-api, ’no! Hindi naman ako nang-aapi pero hindi rin ako nagpapaapi siyempre.

“Minsan kailangan mo ring ipakita yung ganung image mo para lang yung mga taong ayaw sa yo maintindihan ka lalo.

“Kasi akala nila porke artista, ‘Pa-cute ng pa-cute lang yan, wala naman yang mga yan!’

“Hindi ganun yun, no! Pantay-pantay lang tayo dito, nagkataon lang na nasa TV ako, di ba?”

Sinabi rin ni Kylie na hindi na ito nagulat na sisikat si Daniel, na noon pa daw ay alam ni Kylie na sisikat si Daniel.

“Grabe naman si Kylie,” at muling tumawa si Daniel.

“Hindi naman. “Pero si Kylie din kasi talagang Padillang-Padilla yang si Kylie at pinagmamalaki niyang Padilla ang dugo niya.

“Ganun talaga. Napakabait din ni Kylie talagang masarap ding kasama yun, e.

“’Tsaka mulat din si Kylie sa buhay, matalinong babae.”

Boto ba siya kay Aljur Abrenica para kay Kylie?

“Hindi ko ho… bahala na ho sila diyan, wala pong makakaintindi sa pagmahahal, kumbaga. Silang dalawa lang ang magkakaintindihan, wala ho tayong karapatang husgahan kung ano ang para sa kanila.”

BIRTHDAY WISH. Ngayong birthday niya, wini-wish ba ni Daniel na maging sila na ni Kathryn?

“Hindi ho, hindi ho. Ano lang, hindi ko ho wini-wish kasi wala, parang kinkontrol ko na hong masyado pag ganun, e. Bahala na ho si Kathryn kung anong desisyon niya. Iyon lang ho.

“Si Kathryn ho, ibig kong sabihin, na kinokontrol ko na wish ko kami, hindi naman ho ganun.

“Hindi naman wini-wish yun, dumadating lang ho yun sa tamang oras at sa tamang panahon. Kung mangyayari, mangyayari,” pangwakas niyang saad.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN