Hayden Kho on how strong he is after all the controversies: "Mahirap matibag."

Hayden Kho says about acceptance from the public, "Actually, honestly, parang hindi ko na naging concern na maintindihan ako ng mga tao. Of course, mabuti yung kung mangyayari yun pero—and I say this for everyone—importante maintindihan mo yung sarili mo."


“We’re okay,” ang matipid na sagot ni Hayden Kho nang tanungin kung kumusta na ang relasyon nila ni Dra. Vicki Belo.

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Hayden sa opening ng Maldita Studio sa Panay Avenue, Quezon City noong Biyernes, April 19.

Si Hayden ay endorser ng Maldita Man kaya kinuha na rin siyang bilang ambassador ngayong napiling mag-venture sa hair salon business ng nasabing brand.

April 11 nang bumalik si Hayden sa Pilipinas galing Boston, Massachusetts, kung saan sinamahan niya si Dra. Belo na dumalo sa 33rd American Society for Laser Medicine & Surgery (ASLMS) Annual Conference.

Kumusta ang kanilang biyahe?

Pagbabahagi ni Hayden, “Boston trip was good. It was a learning opportunity.

“Pero actually, medyo malamig, e, so most of the time, nandun lang ako sa hotel, nag-aaral lang ako while sina Vicks naman attended the ASLMS, the laser surgery convention.”

Ayon kay Hayden, hindi sila nagkaroon ng pagkakataon na makapag-date ni Vicki sa Boston dahil naging busy raw ito sa seminar.

“Most of the time nasa seminar si Vicks, e. Nag-aaral lang siya, e.

"So ako, nag-aaral lang din ako dun sa hotel.

"Masyado talagang malamig, e, hindi ako makalabas.”

Ano ang pinag-aralan niya habang nasa seminar si Vicky?

Sagot ni Hayden, “Mostly about business.”

SMOOTH-SAILING CAREER. Taong 2009 nang maging kontrobersiyal si Hayden matapos kumalat sa Internet ang sex videos niya kasama ang iba’t ibang kilalang personalidad.

Matapos nito ay naging issue naman ang paulit-ulit na breakup at makeup nila ni Vicki.

Sa kabila ng pagkaka-revoke ng kanyang medical license, na kinumpirma lamang ng Court of Appeals last year, masasabing maayos naman ang career ngayon ni Hayden.

Aniya, “Yeah, I guess you can say that everything is going smoothly.

"ZO Skin, we’re bringing in Dr. Obagi on May 3. That’s doing well. Hayden Fragrances is doing well.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kasama rin siya sa upcoming movie na The Bride and The Lover na pinagbibidahan nina Lovi Poe, Paulo Avelino, at Jennylyn Mercado.

Sabi ni Hayden sa ginagampanan niyang karakter, “I will be the bodyguard of Lovi Poe here. It’s a romantic-comedy. And it’s a really intense movie.”

Nakatakda ring gumawa ng isang indie film si Hayden kaya naman natanong siya kung may balak siyang tumanggap ng acting projects sa telebisyon.

Sagot niya, “Feeling ko, baka hindi.

"Kasi yung ano na, matrabaho, e, di ba? Araw-araw ka nandun, e, masyadong marami akong ginagawa.

“So baka hindi ko matutukan yung ibang bagay, gusto ko konting balanse naman.

"At least pag movies, may mga naka-set na date kung kailan ka magte-tape, kailan ka magsu-shoot.

“Kapag gumagawa sila ng teleserye, every other day ’yan, tapos puyatan.

"So, wala ka na din magagawa sa mga rest day mo.”

Ngunit kung siya ang papipiliin kung anong klaseng TV project ang gusto niyang gawin, ani Hayden, “I would want to host a show.

“That’s what I would want to do. And it’s more like…

"Gusto ko ako yung... lagi na lang kasi ako yung ini-interview, e. Mas gusto ko yung ako yung nag-i-interview.

“Kasi mahilig ako to dig deeper into people’s personalities and sa situations.

"And I think I’d like to see myself as learned enough to talk about a lot of topics.”

LIFE LESSONS. Matapos ang lahat ng pinagdaanan ni Hayden, ano ang masasabi niyang lessons na natutunan niya mula sa mga ito?

Sagot ni Hayden, “Lessons about life? Ang haba-haba niyan.

"Kaya sometimes gusto kong mag-host ng show kasi ang dami kong... feeling ko ang dami kong mase-share na... gusto ko na ngang sumulat ng libro.

“Alam na Vicks ’yan, sometimes whenever I have small groups of five to seven, I give lectures.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Nagle-lecture ako about life. Sort of, sort of parang nagiging preacher ako.

"I think kasi para akong teacher by nature, e. Ang hilig kong nag-aaral at nagtuturo.

“Kung iisipin mo, yung father side ko kasi, yung family ko, Chinese side, most of them are, if not doctors or businessmen, they’re teachers.

“So siguro nasa dugo din namin talaga magturo.”

Nami-miss niya ba ang pagiging doktor?

“Okay lang, okay lang. Kasi, tingin ko naman, mabilis naman akong nakak-adapt sa mga situations.

“And right now, I’m really in management, businesses. And I’m really enjoying it.

"So yung tinatanong mo kanina kung meron akong ibang natututunan, marami.

“I’ve been studying about accounting, management, and inventories, supply chain, blah blah blah, and stocks, and stuff like that.”

Nalampasan na ba niya ang lungkot matapos ma-revoke ang lisensiya niya?

“Of course, at that time, mahirap tanggapin na tatanggalin sa ‘yo yung pinaghirapan mo.

“Pero life goes on and hindi naman dun nakatali yung buhay ko, hindi naman dun nakatali yung identity ko.

“And I guess what I’m saying is hindi naman nakatali sa past yung identity ko. So, I’m okay.”

Gaano na siya katatag ngayon?

“Mahirap matibag," sagot ni Hayden.

Paliwanag niya, “I guess ang sikreto naman sa mga tao is, if you know who you are and you have that assurance that who you are cannot be changed, kahit anong sabihin sa ’yo ng tao, kahit anong pagsubok yung daanan mo, hindi mababago yung kung sino ka.

"So, kung alam mo yun, nakakapag-relax ka.”

Sa tingin ba ni Hayden ay naiintindihan na siya ng mga tao ngayon?

Sagot niya, “Actually, honestly, parang hindi ko na naging concern na maintindihan ako ng mga tao.

“Of course, mabuti yung kung mangyayari yun pero—and I say this for everyone—importante maintindihan mo yung sarili mo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So it will take a lot of effort for a person to make other people understand them.

“But it’s not as essential as you understanding yourself. So dapat ang pinaghihirapan mo yung maintindihan mo yung sarili mo.”

JULIA MONTES. April 3 nang mag-trending ang hashtag na #RespectJuliaMontes matapos kumalat ang larawan kung saan kasama ni Hayden ang Kapamilya young actress na si Julia Montes.

Ipinagtanggol agad si Julia ng kanyang mga fans mula sa mga taong binigyan ng ibang kahulugan ang nasabing larawan.

Paglilinaw ni Hayden tungkol sa larawan, “Nasa bahay kami ni Vicks. Nagpa-treatment si Julia for… may mga certain procedures siya na ginawa, pampaganda, pampakutis ng balat.

“And then I was there… Atom [Henares, Vicki’s ex-husband] was there, Vicki was there. And wala lang, magkasama lang kami dun.

“Tapos, yung sinasabi ko sa ‘yong nagbigay ako ng lecture about life, dun sila for mga three hours, nagtuturo ako dun.

“And then nagpa-picture lang kami, as a group, and then as... dalawa lang kami, dalawa lang sila.”

Naisip niya ba na pag-uusapan ang nasabing picture?

Wika ni Hayden, “Well, more or less, alam kong mapag-uusapan yun.

“Pero hindi ka dapat nabubuhay na iniisip mo kung ano’ng gagawin mo, sasabihin ng ibang tao, di ba?”

Nang tanungin kung posible bang ligawan niya si Julia, mariing sagot ni Hayden, “Hindi, no. Hindi, hindi.”

Ang konklusyon na lamang ni Hayden sa pangyayari, “Pero I think it’s more of nakakatuwa na makita mo kung gaano kadaming fans meron si Julia…

“Gaano kadaming supporters and gaano siya ka-love ng mga supporters niya na talagang ipinagtatanggol siya.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN