Claudine Barretto posts "controversial Porsche" on her Instagram account

Nag-post ng dalawang larawan sa Instagram ang aktres na si Claudine Barretto kunsaan makikita ang luxury car na Porsche ng kanyang asawa na si Raymart Santiago. Ang "controversial Porsche" na ito ay nabanggit sa patutsada diumano ng mga kapatid ni Claudine na sina Gretchen at Marjorie Barretto.


Hindi sumagot at tumahimik lamang si Claudine Barretto sa mga diumano’y patutsada sa kanya ng mga kapatid na sina Gretchen at MarjorieBarretto sa photo-sharing website na Instagram.

Matatandaang kumalat sa Internet ang mga post diumano ni "Gretchen" noong April 13 sa kanyang Instagram account na "gretchenbarretto."

Kabilang sa post ni "Gretchen" ay ang mensaheng ito:

“Yuck. You know what yuck is? Your husband walked out coz you[r] violent ways. What exactly did you do to his Porsche? His laptop? Etc. oh pls reflect and go to your happy place..Medical City.”

Nag-post din ng mga mensahe ang kapatid ni "Gretchen" na si "Marjorie" bilang sagot sa mga post ni "Gretchen."

Bagamat walang binanggit na pangalan, naniniwala ang karamihan sa mga nagkomento ng ang tinutukoy nina "Gretchen" at "Marjorie" ay ang bunso nilang kapatid na si Claudine.

(CLICK HERE to read related story.)

Kaugnay ng isyung ito, dalawang magkasunod na posts ang inilagay ni Claudine sa kanyang Instagram account (claubarretto) kahapon, April 21, na may parehong larawan ng luxury car na Porsche, na pag-aari ng mister niyang si Raymart Santiago.

Sa unang litrato, makikita ang isang Porsche na may caption na "Raymart’s Porsche’s 1."

May 332 likes na ito at 34 comments.

Sa pangalawang litrato naman ay makikita ang tila masayang paglilinis ni Claudine sa nasabing kotse kasama ang anak nila ni Raymart na si Sabina.

May caption ang naturang larawan na "The Controversial Porsche."

May 327 likes na ito at 80 comments.

Karamihan sa mga comment ay nagpapahiwatig ng pagka-miss nila sa kanilang idolo.

May mga nagtatanong din kung kailan magkakaroon ulit ng proyekto si Claudine, at may mga nagsasabi ring bumalik na siya sa ABS-CBN.

Pagkatapos kasi ng kontrata ni Claudine sa GMA-7 ay hindi na siya naging visible sa TV at pelikula.

May mga followers din na ipinagtanggol ang aktres laban sa kanyang mga kapatid na diumano’y nagpapasaring sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Mula kay @ellaspeaks: “@claubarretto is this the Porsche that your sister mentioned? She didn’t name you directly but she did mention someone doing something to her husbands Porsche?”

Mula sa kanyang follower na si @immeltwithyou: “Claudine @claubarretto Your life is like a movie. Many people judge it while they don’t really understand what the story is all about. So, don’t give them the satisfaction seeing you suffer. When yesterday is a disappointment and today isn’t better, remember there’s always a tomorrow and make it something to look forward to. Smile and Keep praying! You’re still blessed in so many ways. I love you idol. Sa isip, sa salita at sa gawa! mwah

mershepherd: "Good to see you miss @claubarretto. I know in God’s perfect time everything will be ok.”

Mula naman kay @jeaniferdizon: “D controversial porsche of @raymartsantiago !!!..go clau!!!..defend urself..!!”

Sabi naman ni @mistacey: “Can’t wait for @gretchenbarretto to defend herself and use her very expensive language. Because that’s all she has. Money surely didn’t buy her class.”

May mga komento naman na nagbibigay ng payo sa magkapatid.

Sabi ni @esc_musicnlife: “Kung may problema man kayo ng mga sis mo sana hindi na nila broadcast. THOUGH ITS SHOWBIZ BUT STILL URE ALL SISTERS. Now, @marjbarretto @gretchenbarretto allows others to judge, hate and hurt @claudine more. Nakakaawa lang! It seems to me that shes not a threat, mas may power pa nga yung dalawa to protect or whatever diba?”

Dagdag pa ni @esc_musicnlife: “U have growing girls or children and its not a good example to show them. Any relationship is not perfect, yung mga ganitong bagay pagusapan nyo nalang ng personal... u shudnt embarass each other instead protect them @claubarretto @marjbarretto @gretchenbarretto”

May nagbigay naman ng ispirational message para kay Claudine.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon kay @rjdelmundo, “I will pray magka ayos na kayo ni @gretchenbarretto kse in the end kayo pa rin magka kasama after all , u are blood relatives!;) #sistersforlife”

Mula naman kay @janabanananana: “Luv u Claue! Stay positive and pretty:) don’t mind the negative things around you. Focus ka lang sa family and sa sarili mo. God bless!”


Ayon pa kay @jeloiz: “@claubarretto just keep ur head up high girl! Be positive. U have ur family intact...nobody can put u down. 👍”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN