PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Miriam Quiambao on issue about fellow beauty queen Janine Tugonon: “Ganyan talaga kapag pumasok ka sa showbiz.”

Miriam enjoys new career in corporate industry.
by Nerisa Almo
Published Apr 23, 2013
“As much as possible, she would have to leave a certain level of privacy for herself. Kapag nasa limelight ka na, parang lahat ng tao gustong makita ang lahat ng aspeto ng buhay mo,” Miriam Quiambao’s unsolicited advice to fellow beauty queen and newbie celebrity Janine Tugonon.

Bilang dating Bb. Pilipinas-Universe titleholder, hindi naiwasan na mahingan ng opinyon si Miriam Quiambao tungkol sa isyung ipinupukol ngayon sa kapwa beauty queen niyang si Janine Tugonon.

Parehong naging first runner-up sa Miss Universe sina Miriam at Janine; si Miriam noong 1999 at si Janine noong 2012.

Noong nakaraang linggo ay umani ng iba’t ibang reaksiyon ang pag-amin ni Janine, on national television, tungkol sa breakup nila ng non-showbiz boyfriend niyang si Jaypee Santos.

Kasabay ng pag-amin na ito sa morning talk show na Kris TV, nabanggit din ni Janine na patuloy pa rin ang komunikasyon nila ng frontman ng The Script na si Danny O’Donoghue.

(CLICK HERE to read related article.)

Hindi pa raw nakakausap ni Miriam si Janine tungkol sa intrigang ito, pero ang unang reaksiyon niya tungkol dito, “Ganyan talaga kapag pumasok ka sa showbiz. Yung sa kanya, simula pa lang.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng media si Miriam sa press launch ng “Celebrities for Children” fundraising campaign ng charity organization na World Vision kaninang tanghali, April 23, sa Annabel’s restaurant, Tomas Morato, Quezon City.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sabi pa ni Miriam, “Siguro, kung may maia-advice ako sa kanya, just take it in a stride.

“As much as possible, she would have to leave a certain level of privacy for herself.

“Kapag nasa limelight ka na, parang lahat ng tao gustong makita ang lahat ng aspeto ng buhay mo.”

Nabanggit din ng dating Miss Universe 1strunner-up na, “Yung celebrity kasi, hindi totoo ‘yan, e.

“Parang it’s just an image, parang resulta lang ‘yan ng success niya ngayon.

“In the long term, talagang kailangang isipin niya at balikan niya kung ano talaga siya, kung ano ang totoo sa kanya, at yung mga taong importante sa kanya, kasi opinyon nila ang pinakaimportante at opinion ni God.”

Diin niya, “Ganyan talaga kapag pumasok ka sa showbiz, e.

“May mga intriga, lalo na kapag pati personal life lumalabas sa media, so just take it in stride.”



ADVICE TO NEW BEAUTY QUEENS. Noong April 14 ay may mga bagong kinoronahang beauty queens ang Binibining Pilipinas.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ano naman ang maibibigay na payo sa kanila ni Miriam?

“Just take things one day at a time.

“I’m sure nao-overwhelmed pa sila sa overnight celebrities, sa mga bagong atensiyon na natatanggap nila ngayon, lalo na sa media.

"I-enjoy lang nila ngayon.

“Tapos, kung ano ang ibinibigay na training sa kanila ng Binibining Pilipinas, i-maximize nila ‘yon at i-appreciate nilang lahat.”

May paalala rin si Miriam sa mga bagong kinoronahan ng Binibining Pilipinas.

Aniya, “I suggest they think about what’s beyond the crown or the international pageants that they’ll be participating. Kasi, ‘yon ang mas tatagal.

“Ang pagsali sa mga beauty pageants na ‘yan, stepping stones lang ‘yan.

“Pero most importantly, sa tingin ko, mas sinusuportahan ni Lord kung may mga goals tayo beyond ourselves.

“So, kung nabigyan sila ng pagkakataon ngayon to represent the country, sana gamitin nila ‘yon sa isang cause na makakatulong sa ibang tao.”



ENJOYING CORPORATE WORLD. Samantala, bagamat hindi na masyadong napapanood sa telebisyon at pelikula, abala naman si Miriam sa kanyang corporate job sa Unleash International Training Center.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Sabi ni Miriam, “Ngayon kasi parang wala na akong desire sa kasikatan.

“Kung may jobs na dumating, okay rin.

“Pero ngayon kasi, parang ang calling ko dito sa public speaking.”

Dagdag pa niya, “Nagkataon lang na yung Unleash International ang nagbigay sa akin ng platform.

“Para sa akin, I find it very fulfilling kasi, bukod sa ine-enjoy ko yung engaging with people through public speaking.

“Sa tingin ko, yung mga itinuturo namin dito, nakakapag-transform ng ibang tao.”

Kung sakali kaya ay imumungkahi rin ni Miriam sa mga bagong beauty queens na subukan ang showbiz?

Sagot niya, “Para sa akin, whatever is in their hearts, they are free to walk in to whatever doors.

“Ang advice ko lang sa kanila, be wise kung anuman ang papasukin nila.

“Kung showbiz man ang nasa puso nila, maging wise lang sila.”

Bagamat masaya na si Miriam sa bagong career niya ngayon, nagpapasalamat pa rin siya sa pagiging bahagi niya ng showbiz.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Para naman sa akin, kahit papaano nag-enjoy naman ako sa trabaho ko, maraming blessing din naman akong natanggap.

"At nagamit ko pa yung pagiging celebrity para tumulong sa ibang tao, at yung mga savings na-invest ko pa sa business,” pagtatapos ni Miriam.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
“As much as possible, she would have to leave a certain level of privacy for herself. Kapag nasa limelight ka na, parang lahat ng tao gustong makita ang lahat ng aspeto ng buhay mo,” Miriam Quiambao’s unsolicited advice to fellow beauty queen and newbie celebrity Janine Tugonon.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results