Eula Caballero on replacing Alex Gonzaga as TV5’s “new” princess: “Napi-pressure ako pero I’m more of taking it as a challenge.”

Pinapakiramdaman pa raw ng Kapatid young actress na si Eula Caballero kung bentahe ba ang may ka-loveteam. Sabi niya, “Pero ayoko rin naman ng mag-stick ako sa isang partner lang na dependent ako sa kanya… I mean, I could be good na may partner ako and I can be good na ako lang.”


Bilang grand winner ng artista search na Star Factor noong 2010, si Eula Caballero ang itinuturing na homegrown talent ng Kapatid network.

Ayon kay Eula, sa presscon ng pinagbibidahan niyang Cassandra: Warrior Angel, sa tatlong taon niya sa showbiz ay masasabing masaya siya sa lahat ng nangyari at nangyayari sa kanya.

Ano nga ba ang ginawa niya sa mga napanalunan niyang cash at bahay mula sa Star Factor?

“Yung cash, I saved most of it. At meron lang din akong kailangan bilhin for myself since bago pa lang ako.

“And of course, make-up, clothes, shoes, kailangan kong mag-invest all that.

“And then, nahihiya lang ako sa dad ko, kasi binenta niya ang sasakyan namin sa Cebu para bumili ng bago at may magamit ako.

“Kasi, awang-awa na siya sa akin. Nagbigay lang ako ng konti for that."

Hindi raw ugali ni Eula ang gumimik kaya madalas, kung walang trabaho, nasa bahay lang daw siya o sa mga kamag-anak niya sa Imus, Cavite.

“And then, yung bahay ko po, tinitirhan ko siya sa Cavite, sa Trece Martirez, doon talaga ako nakatira.”



PRESSURED. Aminado naman si Eula na kahit paano ay may pressure na ang Cassandra ang papalit sa iiwanang timeslot ng Kidlat ni Derek Ramsay. Bilang naging maganda raw ang reception sa Kidlat at nag-extend pa ito.

Saan ba siya mas napi-pressure kapag may bagong project—sa rating o sa magiging feedback ng ipapakita niyang performance?

Sagot ni Eula, “Of course, sasabihin ko, both.

“Pero saan mas? Mas pressured ako sa acting ko kasi, I know, doon mag-uumpisa… if I deliver.

“Kung magaling ang pag-arte ko, for sure, papanoorin ng tao ‘yan… maghahatak ng ratings ‘yan.

“So, mas doon ako pressured kasi yun ang pinakauna kong gagawin."

LOVETEAM. Naniniwala ba siyang mas may edge na makilala pa siya kung may ka-loveteam siya?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sagot niya, “Depende na lang po siguro yun.

“Like ako, happy ako but I think I need someone rin to help me.

“Alam naman po natin na yun ang gusto ng audience natin ngayon, yung mga pampakilig.

“Pero ayoko rin naman nang mag-stick ako sa isang partner lang na dependent ako sa kanya.

“So, in short, gusto ko pa rin na ako and whoever rin na maibibigay sa akin na makaka-partner ko o makakatrabaho ko, maging okay pa rin.

“I mean, I could be good na may partner ako and I can be good na ako lang.”



LEADING MEN. Sa dalawang leading men niya sa Cassandra na sina JC de Vera at Albie Casiño, kanino niya mas gustong ma-involve?

Sabi ni Eula, “Hindi ko po masabi. Kasi si JC, matagal ko na siyang hinahangaan.

“Bilang ang dami ko na rin alam sa kanya at matagal ko na rin siyang kilala bilang tao at artista, sobra ko na siyang hinangaan.

“Si Albie naman, naa-amaze ako sa kanya dahil sa short time pa lang ng pinagsamahan namin, naa-amaze ako kung ano ang naibibigay niyang energy sa set, sa mga kasama niya."

Kuwento pa niya, “Noong nag-Lokomoko nga kami, ang inaabangan ko talaga doon, si Aki [Akihiro Blanco] at si Albie.

“Noong nag-Lokomoko kami, for example ngayon, ang set namin kinabukasan, sabi ko, ‘Ano ba ‘yan? Nami-miss ko na si Albie!’

“Sabi niya, ‘Ako rin.’ Kasi, sobrang nakaka-amaze kapag nag-open up na talaga siya.

“Doon mo talaga makikilala na ibang-iba siya sa unang perception sa kung sino siya at paano siya.

“He’s amazing, naa-amaze ako sa kanya. So, I can’t choose between the two—napakahirap.”



DAD’S REQUEST. Sa May 23 ang 18th birthday o debut ni Eula. Ano ba ang plano niya sa kanyang birthday?

“Wala pa po akong plano. Hinihintay ko ang family ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kasi, sabi ni Papa, gusto niyang palit muna sila ni Mama—sa kanya muna ako ng mga dalawang buwan.

“Sabi ko, ‘Pa, ayoko. Wala akong friends, wala akong kakilala doon.’

“But of course, I understand na thirty years na OFW ang tatay ko—ang pinaka-ate ko, 29.

“Ang sinasabi niya sa akin, ‘Wala akong anak na nakita kong lumaki, dalawang buwan lang. Pero, okay na sa akin.’

“So, yun ang sabi niya, pero ang sabi ko, siguro some other time na lang.

“Kasi ngayon, hindi maganda ang timing, may Cassandra ako.

“Naintindihan niya naman at na-surprise ako nang bigla siyang tumawag na, ‘Sige na nga anak, nag-file na ako ng leave at nandiyan na ako sa birthday ko.’

“So, hinihintay ko na lang ang plan nila since nandito na naman pala siya.

“Mahirap lang talagang pagsama-samahin ang family ko ngayon since may family na rin sila at may mga babies.

“Pero ako, okay na ako basta magkasama lang kami ng dad ko at mapagsama ko lang ang mom ko at ang dad ko sa birthday ko, masaya na ako.”



DEBUT PARTY. Hindi ba niya pinapangarap ang isang bonggang debut party?

Sagot ni Eula, “No... napaka-weird ko siguro, pero sobrang mahiyain ako sa party... kapag feeling ko, lahat nakatingin sa akin, sa totoo lang.

“So, yun, sabi ko sa kanila, ‘Naku, Ma, ayoko ng bababa ako sa hagdan.’

“Sabi naman niya, ’Pag-usapan natin kung saan ka magiging masaya.’”



AVID SUITOR. Naging bukas si Eula na matagal nang nanliligaw sa kanya ang dating finalist din ng Star Factor na si Christian Samson.

Pero tila may namumuo sa kanila ng bago niyang leading man na si Albie Casiño, na sa pagkakaalam namin ay may non-showbiz girlfriend naman.

Mahihirapan ba siyang mamili sa pagitan nina Christian at Albie, kung saka-sakali?

“Hindi naman. Kasi, wala naman akong obligation o hindi naman ako obliged.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So, kung sinuman ang piliin ko kay Albie o kay Christian, wala, of course, na magagalit because I’m not with any of the two guys.

“Of course, kapag pinili ko si Albie, mas maiintindihan niya yun. Kapag pinili ko si Christian, maiintindihan ni Albie yun.

“So far naman, I’m friends with them at hindi ako committed sa kahit na sino.

“Wala naman akong nakikitang may mao-offend sa kanila because I’m friends with them.”

Binigyang-diin naman namin na si Christian ang matagal na niyang kaibigan.

Pagsang-ayon naman ni Eula, “Yes, I’m friends with him for the longest time, Star Factor pa lang magkasama na kami.

“Siguro, silang dalawa na lang. But if it’s with my last dance, ibibigay ko yun for sure sa daddy ko.”



TV5 PRINCESS. Naitanong din kay Eula ang tungkol sa pagbalik ni Alex Gonzaga sa ABS-CBN. Si Alex ang tinaguriang TV5 Princess noon.

Ngayong wala na si Alex sa bakuran ng Kapatid network, posibleng si Eula na ang maging bagong prinsesa ng network.

Nakaka-pressure o nakaka-challenge ba sa kanya ang posibilidad na yun?

Sagot ni Eula, “Napi-pressure ako pero I’m more of taking it as a challenge.

“Si Ate Alex, ang laki ng nai-contribute niya sa network at napakasipag niya rin at napakagaling niya rin.

“At tuwing mabibigyan siya ng project, nandoon siya palagi sa ’kaya ko ito, magagawa ko ito, may maipapakita ko.’

“Isa siya sa mga princesses na nakaka-inspire, kasi nakikita ko siyang nagsisipag talaga.

"So, it’s a challenge for me.

“Kaya ko bang gawin yung mga ginawa niya? Kaya ko bang mag-contribute as much as she did?

“And for me naman po, bilang artista ng TV5, palagi ko namang sinasabi na palagi akong inaalagaan ng TV5.

“They always make sure na nasa mabuting kamay ako. Kahit nasaang production man ako, kahit saan ako ilagay, nandoon sila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi ako nababastos at masaya ako.

“So ako, bilang anak ng TV5, isa sa mga unang homegrown talent ng TV5, gusto ko ring makatulong.

“As I grow, gusto ko rin na makatulong ako sa pag-grow ng network.”



CHANGES. Naitanong din kay Eula kung anong pagbabago ang makikita sa kanya, lalo sa mga karakter na gagampanan niya at iba pa niyang mga balak.

“Right now, hindi ko pa talaga alam,” nakangiting sabi niya.

“Sa ngayon, hindi ko pa alam kung hanggang saan ang kaya kong ibigay in terms of going sexy.

“Siguro, kapag may mga ganitong issues na hindi ko alam, hindi ko masabi.

“Tinatanong ko na talaga ang magulang ko, managers ko, mga boss ko, tinatanong ko na talaga sila.

“Kasi, sila yung mga mas nakakaalam kung ano ba talaga—nakakatulong ba ito sa akin or makakasira lang sa akin?

“Nakikinig naman po ako sa kanila and, of course, meron din naman po ako na mga ayaw na ganito.

“Pero when I’m in doubt, humihingi ako ng tulong sa magulang ko, sa TV5, sa managers ko and, of course, kay God.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN