PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Biboy Ramirez on doing love scenes in gay-themed movies: “Puwede, kung ready na ba ako physically, e. Bakit hindi?”

Biboy Ramirez says he’ll do nudity “depende sa materyal, sa materyal talaga ako nagbe-base.”
by Rommel R. Llanes
Published Apr 27, 2013
Pinaghahandaang mabuti ni Biboy Ramirez ang paglalagay niya sa tahimik. Dahilan niya: “Hindi ‘yan yung basta-basta naramdaman mo gagawin mo na. Kailangan prepared ka, kailangan kaya mong i-sustain yung relationship financially, di ba?”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang male star na si Biboy Ramirez na isa sa mga lead stars ng indie movie na In Nomine Matris (Sa Ngalan ng Ina), na produced ng Hubo Productions.

“Pinaka-first indie ko na ginawa ito,” simulang kuwento ni Biboy sa Icings restaurant sa T. Morato Ave., Q.C. noong April 25.

“Pero may ginawa na ako, ito kasi shinoot namin ng end of 2009.

“Matagal na itong shinoot, end of 2009, natapos lang yung post-production niya mga 2011.

“Matagal na siyang natapos pero una naming ipinalabas sa Metro Manila Film Festival last year, 2012.”

Bukod kay Biboy, bilang Daniel, ay bida rin dito sina Liza Diño bilang Mara at Al Gatmaitan bilang Enrique, na pawang mga indie stars.

Ang direktor naman ng pelikula ay si Will Fredo.

PRODUCTION DELAY. Ipinaliwanag ni Biby na matatagalan pa bago ito ipinalabas.

Kuwento niya, “Post-prod at dubbing. Kasi si Liza 'tsaka yung direktor namin, si Direk Will, paalis-alis ng bansa...

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Pumupuntang States, babalik, so hindi nila parang nai-straight yung trabaho sa post-prod, so marami rin silang inaasikaso.

“Gumagawa rin sila ng film sa LA [Los Angeles], so 'yon, so parang tumagal yung pagtapos nito.

“Pero feeling ko naman, blessing siya na ganoon siya natapos kasi sakto doon sa 2012 MMFF [Metro Manila Film Festival] New Wave Section pinalabas sa flimfest.

“Nanalo si Liza as Best Actress, tapos, yung film nanalo ng Most Gender Sensitive Award.”

“Leading man ni Liza pero hindi kami nagkatuluyan,” kuwento ni Biboy tungkol sa papel niya.

“Love triangle kami—ako si Liza at saka yung brother ko sa story, si Al Gatmaitan.”

Kanino napunta sa ending ang female lead?

“Actually, hindi ipinakita sa ending, e. So, open ending siya kung kanino siya mapupunta.

“Pero 'yon mas maganda kung mapapanood nila.”

COMMERCIAL SHOWING. Ayon kay Biboy, maraming cinema ang paglalabasan ng In Nomine Matris.

“Ipapalabas commercially ang pelikula ngayong May 8 to May 14 sa SM cinemas.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Hindi naman lahat, pero marami e, fourteen cinemas, e.

“Meron kami sa SM, meron sa Robinson’s, meron din sa Galleria at sa Metro East.

“Tapos, meron din sa Ayala Malls yata, at sa Trinoma.”

FLAMENCO. Malayo sa indie movie na Sayaw Ng Dalawang Kaliwang Paa nina Rocco Nacino at Paulo Avelino at hindi gay-themed ang In Nomine Matris.

At hindi rin seksi ang kanilang pelikula.

“May isang love scene pero hindi siya… between Liza and yung brother ko, pero hindi siya yung usual indie film na grabeng love scene.

“Bale ang pinaka-kuwento kasi is dancing, yung flamenco—dance film siya, e, pero flamenco dance, yung from Spain.

“Kasama rin namin si Clara Ramona, [who plays Mercedes], yung master Flamenco dancer na kilala sa States tsaka sa Spain.”

“Flamenco dancer siya talaga.

“Half-Filpina, half-American. Wala siyang Spanish blood.

“Minsan nga, kinukuwento niya sa amin na yung pag pumapasok siya sa mga Flamenco class, parang dina-downgrade siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Kasi, Filpino-American siya, wala siyang Spanish blood, e, pero master choregrapher siya ng flamenco.

“Kilala siya sa buong mundo... so iyon.

“Tapos, ang role ko is ako yung nagma-manage noong flamenco studio ng mommy namin [Mercedes].

“Tapos, si Al, yung kapatid ko, galing Spain... Umuwi siya, nakilala niya si Liza.”

CAREER. Napag-usapan naman ang tungkol sa showbiz career ni Biboy.

“May tine-tape kami na show sa TV5, yung Cassandra:Warrior Angel, kasama ako doon.

“Pulis ako doon na naniniwala na may mga maligno at kababalaghang nangyayari.

“May ginawa rin ako sa Channel 7, yung Cielo De Angelina noong December-January.”

Ayaw na ba niya sa GMA-7 kung saan siya nakilala?

“Hindi naman, gusto ko, nagkataon lang na may offer ang TV5.”

RELATIONSHIP. Going strong ang relasyon nila ni Vaness del Moral, pero hindi raw totoong nagli-live in na sila.

“Kasi, parehas kami ng street, three houses away.

“Kasi, simula noong na-Ondoy siya sa Provident [Marikina], tinulungan ko siyang maghanap ng apartment.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“E, sakto, merong malapit sa amin... so ganoon.”

Madalas lang daw maki-internet si Vaness sa bahay nina Biboy noong time na wala pa itong internet connection.

“Tapos ako, nakikikain ako sa kanila,” ang tumatawang kuwento ni Biboy.

Hindi rin daw totoong kasal na sila ng lihim.

“Hindi, hindi!” mariin niyang tanggi.

WEDDING PLANS. Three years and seven months na ang relasyon nila, pero wala pa raw silang planong magpakasal.

“Wala pa. Kasi, marami pa kaming balak gawin sa buhay tsaka siyempre pag kasal kailangan pinaghahandaan ‘yan...

“Hindi ‘yan yung basta-basta naramdaman mo gagawin mo na.

“Kailangan prepared ka, kailangan kaya mong i-sustain yung relationship financially, di ba?”

Hindi pa ba sapat ang mahigit tatlong taon na preparasyon?

“Ipon pa, e—kulang pa, e.

“Mas maganda yung pag may pamilya ka na, yung hindi ko inaalala kung saan ko kukunin ang panggastos dito...

“Saan ko kukunin yung ano, maganda yung may nakatabi na.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Hindi yung magtatrabaho ka na parang isang kahig, isang tuka—maganda yung ready na kapag may family.

“Ngayong single ako, okay lang yung ganoon na parang... di ba?”

Wala daw silang joint account ni Vaness.

“Meron siyang sarili, meron din akong sarili ko.”

Pero may nakatabi na para sa future nila.

“Meron akong tinatabi, meron akong tinatabi.

“Maganda yung bahay muna bago wedding para, at least...

“Siyempre, kung saan ako nakatira ngayon, sa likod lang ng bahay ng parents ko, e, so walang privacy.

“Nagpatayo ako doon sa likod. Pero same lot noong bahay ng parents ko sa likod lang. Matagal na yun, matagal na yun.”

PERMISSION. Nilinaw naman ni Biboy ang diumano’y siya ang pumipigil kay Vaness na mag-sexy pictorial para sa FHM…

“Hindi! Ayaw niya,” paglilinaw naman niya.

“Never naman akong nagpigil sa ganyan, e.

“Kahit kanino, e, kahit sa ex [girlfriend] ko, never naman akong nagpigil pagdating sa trabaho, basta gusto niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Pagdating sa trabaho, wala akong problema kasi sa FHM, pag nag-pose siya doon, trabaho yun, di ba?”

Ano ang sekreto ng relasyon nila at nagtatagal sila? Sino ang nagdadala?

“Parehas, e, parehas, e. 'Tsaka siguro isang factor din yung sobrang work-oriented siya, career-oriented siya.

“Tapos, ako naman, supportive ako sa mga gusto niya.

“Tapos, at the same time, nag-mature na rin ako, nagiging career-oriented na rin ako, so parang doon nagdya-jibe.”

GAY-THEMED MOVIES. Bukod sa In Nomine Matris, may mga iba pang projects na nagawa si Biboy.

Aniya, “Marami akong ginawa kay direk Joven Tan.”

Hindi pa siya nagpaseksi sa kahit na anong indie film pero kapag may offer na gay-themed na pelikula kaya?

“Actually yung huli kong ginawa, bading yung role ko pero cameo lang, ang nagdirek si Carlos Morales, yung Piring.”

Kung isang buong pelikula na bading ang role niya, papayag si Biboy, kahit may love scene sa kapwa niya artistang lalaki.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Puwede, kung ready na ba ako physically, e. Bakit hindi?”

Kahit may love scene at torrid kissing scene?

“Depende kung sino,” sabay tawa ni Biboy.

“Depende kung sino at tsaka kung maganda ba yung story, kung kailangan ba talaga.”

Kahit tunay na bading ang ipapareha sa kanya…

“Okay lang... walang problema.

“Ano na ako, magti-thirty two na ako, e. Di ba magandang magawa ko bago ako umabot ng kuwarenta siguro?”

Kahit mag-take advantage ang kaeksena niya sa eksena?

“Hindi, trabaho e. Wala na akong pakialam sa agenda noong kapareha ko, e.

“Ang concern ko lang, yung magawa ko nang maayos yung trabaho.”

Nudity?

“Hindi ko pa alam. Pero puwede siguro... depende sa istorya.

“Hindi kasi ako yung madaling mabuyo, e... depende sa materyal, sa materyal talaga ako nagbe-base.”

FORMER CO-STARS. Napag-usapan naman namin ni Biboy ang tungkol sa mga dati niyang co-stars sa CLICK. Sikat na teen show dati ito ng GMA-7.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Iba-iba na ang buhay namin.”

“Si Sherwin Ordoñez may asawa na, si James Blanco may asawa, si Trina Zuñiga meron na, si Tricia Roman meron na, si Joseph Ison meron na.

“Yung mga ka-batch ko halos lahat meron na. Ang wala na lang ako, si Alex [Alessandra de Rossi], si Roxanne [Barcelo].

“Actually, hindi ko ka-batch si Chynna [Ortaleza], nauna ako kay Chynna.”

Naging sila rin ni Alex noon.

“Matagal na yun,” at natawa si Biboy.

Mina-manage si Biboy ngayon ni Ricky Gallardo at hindi na siya exclusive sa GMA-7.

“Hindi na, freelance na ako,” kumpirma niya.

Read Next
Read More Stories About
Biboy Ramirez, vaness del moral
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Pinaghahandaang mabuti ni Biboy Ramirez ang paglalagay niya sa tahimik. Dahilan niya: “Hindi ‘yan yung basta-basta naramdaman mo gagawin mo na. Kailangan prepared ka, kailangan kaya mong i-sustain yung relationship financially, di ba?”
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results