Sa mini-presscon na ipinatawag ni Sen. Jinggoy Estrada para sa kanyang amang si Joseph Estrada na tumatakbo bilang mayoral candidate for Manila, nagpahayag ng kanyang katuwaan ang dating pangulo sa pagharap niyang muli sa movie press.
“Unang-una, since the time I was elected as mayor [San Juan], senator, vice-president and president, ngayon lang ako nakapagpawatag ng press conference. Hindi dahil nakalimutan ko na ang movie press. Pero ngayon lang ako muli nakaharap sa movie press na suggestion nga ni Jinggoy,” paliwanag ni Joseph, na mas kilala sa tawag na Erap.
“Naisip ko nga ang tagal-tagal na nga pala na nakasama ko ang movie press during my time in showbiz. Nakalimutan ko na nga pala sila.
“Kaya ako ay humihingi ng paumanhin sa ating mga movie press dahil naging busy ako sa aking political activities ko.
“Ang focus ko nasentro sa pulitika kaya nakalimutan ko ang showbiz. But that doesn’t mean na nakalimutan ko na yung utang na loob ko sa press kaya sa ngayon ako ay humihingi ng tawad dahil hindi ko kayo nahaharap man lang… how many years?
“My apologies and sana next time magkita-kita tayong muli,” panimulang speech muna ni Erap sa pagsisimula ng presscon.
Isa ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa mga naimbitahan ni Sen. Jinggoy sa nasabing press conference na ginanap sa mansion ng mga Ejercito sa may Sta. Mesa, Manila kamakailan lang.
Patuloy ni Erap, gusto niyang ipaalam sa movie press ang pagnanais niyang i-akyat ng level ang karera nila ni Alfredo Lim sa pagka-mayor nito at huwag na silang magpersonalang dalawa.
“Ang issue dito, hindi personalan kundi ang isyu dito ang kalagayan, sitwasyon ng Maynila, kung bakit nagkaganito. Lahat naman ng studies ng mga UP professors and it was given to us, that Manila has the highest level of poverty, numbers of jobless people, peace and order is beyond... I mean, compared to other cities and municipalities.
“Policemen are involved in some criminalities, kidnapping, carnapping and extortion.
“So, it goes to show only in the survey, out of... again, this is the report of the DILG [Department of Interior and Local Government], out of 38 highly organized cities, Manila is number 36. And Manila is in debt of P3.5 billion deficit.
“Hindi ako nagsasabi no’n. It’s the report of COA [Commission on Audit]. And then, also the Meralco.
“These are all documented,” sabay pakita ni Erap sa hawak-hawak niyang dokumento.
“Kaya pag kina-cut na ng Meralco ang power, talagang magdidilim ang Maynila.”
Marami pang ipinakitang dokumento si Erap patungkol naman sa problema sa peace and order sa Maynila. Patuloy niya, lahat ng kanyang mga binanggit ay dokumentado.
Nagpasaring pa si Erap sa sitwasyon ng Maynila at ibinase niya ang kanyang joke sa kampanya ng Turismo sa Pilipinas.
Sabi niya, “I remember yung slogan ng Department of Tourism na ‘It’s More Fun in the Philippines.’ Dito sa Manila maraming pan... karnapan, holdapan, kidnapan at kahirapan! Kaya walang pumapasok dito sa Maynila,” pagpapatawa niya.
PARA SA MASA. Ipinagmalaki pa ni Erap ang nagawa niya para sa San Juan sa 17 taon niyang panunungkulan bilang mayor. Niresolbahan muna niya ang peace and order sa San Juan at nang maayos niya ito, unti-unting umangat ang ekonomiya ng kanyang nasasakupan.
“I was patrolling San Juan 24 hours every day, and I was only 31 years old,” banggit pa niya.
Binanggit isa-isa ni Erap ang mga economic landmarks ng ibang city. Ang Makati ay naging business center. Ang Taguig ay merong Global City, QC ay may Eastwood, Pasay ay may MOA (Mall of Asia).
Pero ang Manila na Capital city ay wala raw ganitong mga economic landmarks.
Ayon pa kay Erap, naging malaking bahagi ng buhay niya ang masa kaya naman hindi niya ito puwedeng pabayaan.
“Sabi ko nga in my speech, it’s the masa who made me. From the movie actor, I became the mayor, senator, vice-president and the president because of the masa.
“So, the masa made me, as a leading man, as a producer, as a public servant.
“There’s this saying na kapag wala ka na sa puwesto, wala ka na sa poder, pati mga kaibigan mo kakalimutan ka na. Ako, hindi lang ako nawala sa puwesto, I was incarcerated.
“Hindi lang ako nawala sa puwesto, kinulong pa ako.
“Pero nung pinakandidato ko yung asawa ko si Dr. Loi, for senator, nanalo. Tapos, inulit ko kay Jinggoy for senator, nakakulong pa ako, nanalo pa rin. So, that goes to say na yung masa hindi ako iniwan kahit nakakulong ako.
“O, ngayon dahil ba natalo ako sa nakaraang eleksyon iiwanan ko na sila?
“Hindi ko sila puwedeng iiwan. Parami nang parami ang nakikita kong mahirap sa Maynila.
“These are the last years of my life and I am giving them to the masses of Manila, where I was born. That’s the reason why, kaya ako tumatakbo ako ngayon.
“Hindi ko matiis na pabayaan sila. Hindi ako iniwan ng masa. E, malakas pa naman ako, bakit ko sila iiwan ngayon?
“Sa huling hibla ng aking buhay, ilalaan ko ito para sa mga mahihirap.
“Lagi ko ngang sinasabi sa kanila, in my speech. Mamatay-mabubuhay si Erap, hindi makakabayad ng utang na loob sa mga mahihirap.”
Meron na raw development urban renewal plan ang grupo ni Erap para sa Manila. At aminado siyang hindi niya mababago ang Manila sa loob lang ng tatlong taon dahil sa dami nang mga problemang naiwan.
Pero lahat raw ng pundasyon ay uunahin muna ni Erap gaya ng peace and order para umusad ang economic growth; upang maka-enganyo ng mga businessmen na mag-invest sa Manila.
Kapag nakita na raw niya ang pagbabago sa Manila, maaari na niya itong ipagkatiwala sa kanyang bise (alkalde) na si Isko Moreno na mula sa kahirapan at alam ang pangangailangan pati na pulso ng mga mahihirap.
Puring-puri ni Erap ang katapangan ni Isko nang banggain nito ang kanilang mayor na si Lim. First time nga raw sa political history ng Manila ang pagsama ng 29 councilors sa dating teen actor para suportahan ang laban nito sa kanilang Mayor.
Gusto sanang huwag nang banggitin ni Erap ang personalan nilang bangayan nila ni Lim pero may inilabas kasing mga larawan ang huli na may caption pang na siya raw ay kriminal, magnanakaw.
“Sabi ko nga 2007, nakakulong pa ako pero bakit siya nagpapa-endorse sa magnanakaw?
“Bakit siya nagpapatulong sa kriminal o sa magnanakaw?” banggit nito sa paglapit sa kanya ni Lim para sa ikatlong termino nito sa pagka-mayor ng Maynila.
USED TO BE GOOD FRIENDS. Pinagsisihan ba niya ang endorsement niya kay Lim nong 2007 at ang pagtakbo nito sa Senate?
“Hindi ko akalain na ganung ka-ingrato yung taong yun, e. The one and most ungrateful person I’ve ever known. Lumaban ‘yan sa akin noong 1998 for president, he lost. Nakiusap sa akin ‘yan, plus yung mga padre-padrino, in-appoint kong secretary of DILG kasi anong ginawa niyan? Nagkakagulo sa Malacañang, lalabas lang raw siya aayusin niya si [former Lieutenant] General Maganto at para hindi raw makapasok yung mga aktibista sa loob ng Malacañang.
“Hindi naman niya inayos. Ang ginawa tuluy-tuloy sa EDSA 2! Iniwan ako sa madaling salita.
“Sinabihan niya si President Cory, 'you’re too late.' Hindi siya pinapansin.”
“Lahat ng mga cabinet members ko binibisita ako sa Veterans Hospital. Siya hindi. Bumaba ako 2001,” na ang tinutukoy ni Erap ay ang paglabas sa ospital.
“No’ng 2004 biglang dumating, umiiyak. Binisita niya ako sa Tanay. Sabi ko, kalimutan mo na ‘yan. Tapos na ‘yan.
“Yun pala, nagpapa-endorse, sumasama sa senatorial team ni FPJ.
“Siyempre, naawa ako iyak nang iyak at saka pinatawad ko, madali naman akong magpatawad.
“Kinausap ko si FPJ [Fernando Poe Jr.], hindi ako matanggihan ni FPJ dahil higit pa kami sa magkapatid. Isinama ko sa line-up. Nanalo. Pagkatapos ng term niya gusto raw niyang bumalik sa pagka-mayor. Hindi raw siya kumportable sa pagka-senator.
“Sige, in-endorse ko, ako pa ang gumawa ng strategy. Si Jessie [Ejercito], siya pa ang gumawa nang mga videos niya, tinulungan namin, nanalo.
“O, pagkatapos non ano’ng ginawa? Ngayon gusto kong tumakbo dahil nakita ko, wala siyang nagawa at naawa naman ako sa mga mahihirap. Tapos ilalabas niya, kriminal raw ako?”
“Tinulungan ko siya, pinatulungan ko sa kapatid kong si Jessie. Yung aking roving cinema, araw-araw lumalabas, ako pa yung gumagastos. Tapos, gaganunin niya ako? Hindi ba ungrateful yun?
“Siya ang nag-umpisa nito, e.” kuwento niya.
So, pinagsisihan n’yo po ba ang endorsement n’yo noon kay Lim?
“E, hindi naimbento na nasa una ang pagsisisi, e. Kung naimbento yun, hindi dapat nangyari eto, e.”
Pero saad naman ni Erap na mapagtawad siyang tao na sinundan niya sa pagre-recite ng gospel words at isang quotations na sinulat ni Mahatma Gandhi tungkol sa pagpapakumbaba.
NO PLANS TO DO A BIO-PIC MOVIE. Buti hindi niyo naisip na gumawa ng true-to-life movie ninyo bago mag-election?
Ipinalabas kamakailan lang ang isang bio-flick tungkol kay Lim na pinagbidahan ni Cesar Montano.
Sagot agad ng nakangiting si Erap, “Yun atang kasalukuyang mayor [Lim], tatlo ata ang ginawang true-to-life movie, e?”
Sa kabuuan, apat na ang nagagawang bio-flick ni Alfredo Lim. Ang mga ito ay pinagbidahan ng yumaong Rudy Fernandez, Eddie Garcia, Ramon Revilla Sr. at ang pinaka-latest ay si Cesar.
“Ang dami ah, apat!” bulalas ni Erap.
“I think, siya lang ata ang gumawa na apat na true-to-life story... ang gagaling pa ng mga artista.
“Balita ko nga, e, pati etong huling pelikula namimigay na nang passes, hindi pa rin pinasok ng tao! Nakakaawa!
“Isipin mo no’n, namigay na ng passes ayaw pang pumasok? Sa City Hall [Manila] nga, namigay na ng passes para lang pasukin ng tao?” natatawang saad ng dating pangulo.
“First day, last day?” tanong niya habang nangingiti.
“And he’s trying to penetrate showbiz… kamukha niyan, ginawa niya ng statue si FPJ, ngayon naman si Dolphy. Ako kaya, kailan niya ipagagawa?” pabiro niyang sabi.
Dugtong pa ni Erap, “Wala pa akong balak,” sagot na niya sa tanong kung hindi ba niya binalak na gumawa nang true-to-life movie niya.
“Making a true-to-life story while I’m still alive is very self-serving.
CONTRIBUTION TO MOVIE INDUSTRY. Tinanong ang actor-turned-politician kung ire-revive ba niya ang Manila Film Festival kung manalo siya sa darating na halalan.
“Well, I was very much involved then. I was the President of the Philippine Motion Picture Producers Association [PMPPA]. What really happened, nagkaroon ng... well, thanks to Mayor Villegas, the founder of Manila Film Festival, talagang ano noon.
“Yun nga lang nagkaroon na ng maraming first run theaters sa Quezon City, Parañaque, Malabon… lahat.
“Pag nilabas mo sa Manila Film Festival, nalulugi ang mga producers. Ayaw nang tanggapin sa Quezon City, Parañaque dahil considered second run na raw. So, as of the President of the PMPPA, of course, the bottom line is to help the whole movie industry, kaya we thought of asking President Marcos to hold the proclamation of Metro Manila Film Festival.
“Dati ilan lang ang sinehan sa Maynila, ilan lang ang kumikitang producers.
“Pero no’ng naging Metro Manila Film Festival, dumami at malaki na ang kinikita ng movie industry.
“That’s history. It was a big, big advantage when it was created through President Marcos’ proclamation of the Metro Manila Film Festival, para sa lahat ng sinehan sa Metro Manila.
“Malaking boost yun sa movie industry dahil noong araw, pag Manila Film Festival sabi ko nga, ilan lang ang sine dito sa Maynila. Pag natapos sa Manila, ayaw na ngang tanggapin sa QC dahil considered second run na.
“Hindi ninyo ako nakikita noong araw dahil I’m very engrossed and nakatutok ako sa Metro Manila Film Festival. Naka-angkas pa ako sa mga motorcycle. Ako yung nagli-lead, ako yung nag-a-ayos.
“Gusto ko talagang tulungan ang movie industry kaya binuo namin yung Metro Manila Film Festival and yung Mowelfund. That’s my contribution to the movie industry.”
Kasama po ba sa master plan ng urban-renewal ang pagbuo muli sa Intramuros, Escolta at iba pang historical landmarks ng Manila gaya rin ng Metropolitan Theatre?
“That’s one of our plans to attract tourists. We have to restore the historical landmarks of Manila. So our plan is not only for urban-renewal but restoring the historical landmarks of Manila.
“Yung Metropolitan Theatre, it was restored by the First Lady Imelda Marcos tapos napabayaan na lang.
“Bubuhayin natin yun. Madali na yun. Pag mayor ka na madali nang makahingi ng contribution for that.
“That’s one of the agendas, restoring the landmarks of Manila.”
SUPPORT FOR GRACE POE. Samantala, nagpahayag ng kanyang suporta at pagnanais na mangampanya ni Erap para sa anak ng yumaong FPJ, si senatoriable Grace Poe.
“Of course, I will support in my personal capacity, helping her. Sometimes I campaign for her. I’m asking those executives in the UNA that.. isasama ko siya sa sample ballot ng UNA.”
Nagpapasalamat naman si Erap kay Mayor Lim sa malasakit nito sa contribution ng mga kaibigan niyang sina Ronnie Poe at Dolphy, nang ipagpatayo nito ng monumento ang dalawang haligi ng showbiz industry.
Sabi pa ng dating presidente, “Well, nagpapasalamat ako sa kanya at hanggang ngayon nakikita niya ang importansiya ng artista at si FPJ, nagpagawa siya ng estatwa ni FPJ.
“Sana magpagawa ka pa ng marami at mapuno ng mga artista ang Roxas Boulevard.”
Baka ang kasunod niyan ay sa inyo na ang ipapagawa?
“Ay, huwag naman! Ayaw ko pang mamatay, bah?!” sabay tawa ng non-active movie actor.
ON SON JAKE. Tungkol sa kanyang anak na si Jake Ejercito na nagpahayag ng kanyang pagnanais na sundan ang yapak niya sa pulitika, hindi raw ito pipigilan ni Erap.
“Well, yung ama ko, hindi niya ako pinakialaman sa aking ambition, e.
"Sa palagay ko he’s old enough. He’s already in college at nag-aaral pa siya sa London. He’ll decide on his own future, kung saan siya at ease.
“Yung mga brothers and sisters ko are college-degree holders, they’re all professionals. But nung nag-drop out ako sa college, pinili kong maging artista ako, hindi sila nakialam.”
E, kung piliin niyang mag-artista gaya ninyo?
“Hindi ko siya pipigilan, bahala siya. Okay lang.”
Pagdating naman sa mga personal affairs ni Jake gaya ng lovelife niya?
“Ah, lalong hindi ako makikialam doon. I don’t interfere with their personal [affairs]. Lalo na si Jake, he’s old enough. He has his own mind.”
Bilang ama, paano kayo nagri-react kapag merong tampuhan sa pamilya?
“E, gumagawa ako ng paraan para magkasundo-sundo sila. Natural lang yun, e. Yung mga mag-asawa nga nag-aaway, e, yun pang magkapatid, di ba? Natural lang yun. There are conflicts that arise.”
