PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Danita Paner on getting fewer acting assignments: “I decided to go back to music and do a second album.”

Danita Paner on her lovelife: “Ay, wala! Papapayat muna ako, papaganda!”
by Rey Pumaloy
Published Apr 27, 2013
Okay lang kay Danita Paner na wala pa siyang assignment sa TV5. Katuwiran niya: “Kailangan sa showbiz, meron ka pang isang fallback or puwedeng pagka-abalahan. Like ako, kumakanta naman ako, so, 'eto muna ang pinagkaka-abalahan ko ngayon.”

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Danita Paner sa rehearsal ng kakatapos na concert nila ng kanyang Ate Tina Paner.

Nag-concert ang magkapatid sa Zirkoh kamakailan na tampok din sina Sam Milby at Rico Puno.

Nakibalita kaagad ang PEP kay Danita tungkol sa biglaang paglipat ng kaibigan niya at isa sa mga tinaguriang Prinsesa ng TV5 na si Alex Gonzaga.

Ayon sa kanya, “Balita ko nga nasa The Buzz na raw siya.

“Sobrang saya ko sa friend ko kasi yung talent niya kailangan talagang i-abot sa kabilang mundo.

“And then, magkasama nga sila ng Ate niya [Toni Gonzaga]. So, masaya talaga ako for her.”

TURNOVER. Nababalita namang ang mga naiwang projects ni Alex sa Kapatid Network ay maaaring mapunta sa iba pang mga Prinsesa ng istasyon gaya niya.

Ano ang masasabi ni Danita tungkol dito?

Tugon niya, “Ahm, nakakalungkot, at the same time kasi, si Alex ay isa sa pinaka-close ko na ka-trabaho sa TV5, kami ni Arci [Muñoz].

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Pero at the same time, para rin naman sa group na yun as an artist.

“Kasi nga, marami kaming mga Princesses ng TV5.

“Ahm, actually, hindi ‘yan pumasok sa isip ko dahil magkaiba naman kami ni Alex ng genre.

“Ako rin naman may plano rin naman ako for myself, bilang wala namang plans ang TV5 para sa akin for now…

“Medyo busy pa sila, bumalik na ako sa music scene. So, gagawa ulit ako ng second album.”

WAITING. Nagkausap at nabanggit ba sa kanya ni Alex ang tungkol sa posibilidad ng paglipat niya bago ng kontrata sa Kapamilya Network?

“Actually, hindi. Sobra akong nasorpresa. Nagulat ako na nandoon na siya.”

Gaano katagal na bang walang work sa TV5 si Danita?

“Nine months,” nangingiting sagot ni Danita.

“Ang pinaka-last ko, Isang Dakot na Luha, yung kay Alice Dixson.

Paglilinaw pa niya, “You know, showbiz naman is all about waiting.

“Kailangan may patience ka diyan and hindi naman all the time ibibigay sa iyo ang projects, di ba?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Pag naibigay sa iyo ang opportunity, doon mo na lang ibigay ang one hundred percent mo—don’t expect na laging meron kang project.

“Kailangan sa showbiz, meron ka pang isang fallback or puwedeng pagka-abalahan.

“Like ako, kumakanta naman ako, so, eto muna ang pinagkaka-abalahan ko ngayon.”

Hindi ba siya napu-frustrate dahil sa tagal na wala siyang show?

“Minsan nakaka-frustrate dahil siyempre, pag napahinga ang isang artist, nakaka-purol yun.

“So, I decided to go back to music and do a second album.”

Alam ba ng TV5 ang nararamdaman niya para sa kanyang career?

“Hindi ko pa sila nakakausap, kasi sobrang busy sila and ako hindi naman ako yung taong nagde-demand or nangungulit.

“Siguro si Mommy [Daisy Romualdez], naga-ano [nagtatanong].

“Kung wala, e, di dito muna ako sa music scene. Eto naman ang first love ko.”

GOOD REVIEWS. Bagamat maganda ang rehistro sa viewers at mga reviews ng critics sa Isang Sakot na Luha, nakakapanghinayang lang na hindi na ito nasundan.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Actually, ang ganda ng simula since My Driver’s Sweet Lover,” banggit ni Danita sa una niyang show sa TV5.

“Kasi, yun ang pinaka-una kong teleserye. Tapos, ibinigay nila sa akin yung Bangis

“Tapos, yung Isang Dakot na Luha na sobrang drama na ang dami kong natutunan.

“Kasi, hindi naman ako artista, hindi ako aktres— singer ako. Pero yun, good experience naman lahat.”

Ano bang nangyari at parang nag-slow down ang TV career niya?

“Yun din ang tanong ko sa sarili ko… ‘What’s happening?’”

Ayaw munang sagutin ni Danita ang tanong namin kung posible bang tularan niya si Alex.

Ibinalita na lang niya na hanggang July na lang ngayong taong ang kontrata niya sa Kapatid network.

“May mga offers sila, pero pinag-iisipan pa namin ni Mommy,” balita niya.

“Kung yung possibility na magkita kami ni Alex? Hindi ko pa alam, pero lahat naman puwede…

“Feeling ko lang ngayon, malaki yung possibility,” sabay tawa niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Ilang tumbling lang, o, studio na!” sabay turo sa natatanaw niyang building ng ABS-CBN.

“Pero hindi pa natin masabi, bahala na. I’m sure mag-uusap muna.

“Pero hindi, e, ang laki pa rin ng utang loob ko sa TV5.

“Kahit anong mangyari, kung lumipat man ako o mag-stay ako, yung TV5, sila ang nagbigay ng opportunity.

“Kaya ako nakabili ng sasakyan, kaya ako nakilala ng mga tao—all these I owe it to TV5 talaga.”

COMPETITION. Na-intimidate ba siya sa mga bagong talents ng TV5 gaya nina Jasmine Curtis Smith, Ritz Azul o Eula Caballero?

“Wala, wala talaga,” iiling-iling niyang sabi.

“Ang pinaka-favorite ko ngang bata sa TV5 ay si Eula, kasi napakabait na bata at very talented.

“Pero wala kaming mga insecurities dahil para kaming magkakapatid.

“Kapag pinagsama-sama mo kami, para kaming mga baliw sa dressing room.”

GUARANTEED CONTRACT. Yung siyam na buwan na wala siyang show, paano na ang personal and household expenses niya?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Ay, hindi, kay Mommy ako naka-stay.

“Saka ang TV5, galante naman dahil kahit wala akong show, guaranteed naman,” saad ni Danita.

Kumusta naman ang lovelife ni Danita?

“Ay, wala! Papapayat muna ako, papaganda!

Balak niya, “Gusto kong mag-concentrate sa music ko...

“And paghahandaan ko kung anuman ang mangyayari sa career ko in the next few months.”

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Okay lang kay Danita Paner na wala pa siyang assignment sa TV5. Katuwiran niya: “Kailangan sa showbiz, meron ka pang isang fallback or puwedeng pagka-abalahan. Like ako, kumakanta naman ako, so, 'eto muna ang pinagkaka-abalahan ko ngayon.”
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results