PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Dawn Zulueta on tackling "cougar" roles: “Parang di ko pa naman na-imagine ang sarili ko...”

by Arniel C. Serato
Published Apr 27, 2013
Dawn on her gratitude to ABS-CBN for giving her worthy and challenging roles: “Gusto ko rin naman na ibalik sa kanila, after all sila rin naman ang nagpa-bongga ng career ko. Lalo na nung binigay nila sa akin ang Walang Hanggan.”

Ipinaubaya na raw ni Dawn Zulueta sa kanyang mga anak ang desisyon kung gusto ba nilang pasukin ang mundo ng showbiz.

Pero, sa ngayon, ang gusto daw nilang mag-asawa ay magtapos muna ang mga ito sa kanilang pag-aaral.

Aniya, “We’ll see, but I don’t encourage it yet kasi ang gusto ko kasing gawin ng mga anak ko yung mag-aral na lang muna sila.

“Later on naman kapag naka-graduate na sila high school and college, they can decide naman if they still want it.”

Sa ngayon daw sobra siyang masaya sa pagiging ulirang ina.

Pagmamalaki pa niya, “Bukod sa meron kang mga bagong nilalang na dinadala sa mundo, I think yung the best as a mom for me ay yung makapag-raise ka ng mga anak—mga bata na [to] become the best that they can be.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ng Ang Latest ng TV5 si Dawn sa event ng Progress Pre-School Gold last Tuesday, April 17 sa New World Hotel, Makati.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

BB. PILIPINAS GOLD. Dahil sa 'gold' theme ng nasabing event, di naming maiwasang i-connect ang nasabing theme as kakatapos lang na Bb. Pilipinas Gold event, kung saan si Dawn ay isa sa mga main hosts.

Bukod sa naging matagumpay ang naturang timpalak ng kagandahan, marami rin ang nagsasabi na na-outshine daw niya ang mga kandidata noong gabing yun.

Nag-trending pa nga ang sinasabing kagandahan ni Dawn noong gabi ng pageant at sa isa pang former Bb. Pilipinas titleholder na si Alice Dixson.

Kuwento ni Dawn, “Ang ganda namang compliment yun, ang sarap pakinggan pero it was not my intention...

“As a matter of fact, I felt very honored that they choose me to host because it was the 50th year, so napaka-espesyal nang Bb. Pilipinas this year.”

“And then I just realized nga noong Sunday, na next year pala…na tayo rin ang host na country for the Miss Universe, so di ba that’s exciting?”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

BUKAS NA LANG KITA MAMAHALIN. Masaya ring ibinalita ni Dawn na maayos ang takbo ng taping ng kanilang bagong teleserye sa ABS-CBN.

Lahad niya, “Tuluy-tuloy ang taping ng Bukas Na Lang Kita Mamahalin (BNLKM), pondo lang kami ng pondo.”

“Very good, masaya... Masaya rin kami sa set, director namin si Jerome Pobocan. 'Tsaka si Trina Dayrit who’s with us also before sa Walang Hanggan. So, enjoy kami.”

Matatandaang after ng Walang Hanggan ay sinabi nito na after the election pa siya tatanggap muli ng trabaho dahil sa kampanya kung saan re-electionist ang asawa nito sa kanilang distrito sa Davao bilang congressman.

Pahayag niya, “Okay lang, kasi nag-e-enjoy din naman ako, e.

“Malaking pasasalamat ko sa asawa ko kasi naiintindihan niya, kasi siyempre pinramis ko nga sa kanya na wala akong trabaho during the campaign period, malay ko ba naman na after Walang Hanggan, e...

“Na biglang nagkaroon ng ganitong klaseng opportunity na I felt na, I won’t turn down naman the offer of my home network.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“That time na kinailangan nila ako, I didn’t want to say na, 'sorry I can’t do it.'

“Gusto ko rin naman na ibalik sa kanila, after all sila rin naman ang nagpa-bongga ng career ko. Lalo na nung binigay nila sa akin ang Walang Hanggan.

Pinalitan ni Dawn si Maricel Soriano sa Bukas Na Lang Kita Mamahalin matapos ang diumano’y tensiyong nangyari between the Diamond Star at sa bida nitong si Gerald Anderson.

Feeling ba niya may ginawang malaking adjustment sa script lalo na sa mga dialogue niya sa show?

Dagdag ni Dawn, “Ahm, parang in-adjust nila, ang feeling ko.

“Feeling ko in-adjust nila ng kaunti na parang sinasabi ni Sir Deo Endrinal na nagbago nga ng aktres na gaganap, they need to kind of tailor fit it also.”

“Kasi, I feel comfortable naman when I read naman kasi the lines, kumportable ako, I don’t feel na…'ay, parang di naman ata yung karakter.'

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Hindi naman ganun.”

Sa ngayon ay usong-uso ang mga kuwento sa pelikula at telebisyon na tumatalakay sa mga May-December affair kung saan ang babae, na binansagang “cougar,” ang mas nakatatanda kaysa sa lalake.

Handa na kaya siyang gumanap sa ganitong klaseng istorya?

Natatawang banggit ni Dawn, “Challenging yun, di ko pa alam and I have to think about it.

“Parang di ko pa naman na-imagine ang sarili ko, ngayon lang 'ata kasi nauuso yung mga cougar-cougar na yan, di ba?

“Nung panahon ko, let’s say noong dalaga ako, hindi naman masyadong…I mean nangyayari siya pero hindi siya masyadong pinag-uusapan, di ba? Nowadays it’s like... open.”

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Dawn on her gratitude to ABS-CBN for giving her worthy and challenging roles: “Gusto ko rin naman na ibalik sa kanila, after all sila rin naman ang nagpa-bongga ng career ko. Lalo na nung binigay nila sa akin ang Walang Hanggan.”
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results