Garrie Concepcion on sympathizing with sister KC during her breakup with Piolo Pascual: “Nasaktan, pero hindi nagalit.”

Garrie on how she maintains her closeness to half-sister KC: “Oo, hindi man kami nakakapag-spend time together nang madalas, tuwing puwede siya at puwede ako, nagkikita kami. Nag-uusap, mostly catching up.”


Sa kabila ng pagiging half-sisters nila KC at Garrie Concepcion, hindi maikakailang close na close ang dalawa.

Kinumpirma naman ito ni Garrie nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong nakaraang 61st FAMAS Awards Night last April 22 sa AFP Theater.

“Oo, hindi man kami nakakapag-spend time together nang madalas, tuwing puwede siya at puwede ako, nagkikita kami.

“Nag-uusap, mostly catching up,” panimulang kuwento ni Garrie.

SISTERLY BONDING. Di naman tinago ni Garrie na nag-o-open up sa kanya si KC kahit tungkol sa mga personal nitong issues o problema.

Nagkakilala nga sila ni Piolo Pascual noong kasintahan pa ito ng nakakatandang kapatid.

“Kung nag-o-open ba siya? Kasama na yun sa pagiging magkapatid namin.

“Oo, si Piolo. Tapos na yung issue. He’s very soft spoken, never naman kami nagkaroon ng chance na mag-usap talaga pero yun ang first impression ko sa kanya,” kuwento niya.

Aminado rin si Garrie na nasaktan din siya dati nung nakita niya kung gaano nasaktan ang kapatid noong mauwi sa hiwalayan ang relasyon nito sa aktor.

“Oo naman, nasaktan pero hindi nagalit, pero huwag na nating pag-usapan,” pakiusap nito.

RELATIONSHIP WITH DAD. Ayon kay Garrie ay maganda ang relasyon nila ng kanyang amang si Gabby Concepcion.

Ibinahagi niya rin kung anu-ano ang mga payong ibinigay nito sa kanya nang pasukin na rin niya ang mundo ng showbiz.

“Nagkikita kami, okay kami ni Papa. Last time nagpunta kami sa beach dahil mahilig kaming lahat sa tubig.

“Ganun din, kung ano ang trabaho mo, mahalin mo. Nandito lang siya para sa akin, supporting me also,” saad niya.

Sa isang interview ni Gabby ay nabanggit nito na hindi siya nakikialam at makikialam sa lovelife ng anak na sinang-ayunan naman ni Garrie.

“Ay, oo. Actually kami ni Papa, di pa kami nakakapag-usap about my lovelife pero siguro one day, darating tayo diyan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Siguro sa ngayon kasi focus sa trabaho and also I work sa family ng Mom ko, all work lahat,” dagdag niya.

Bukas na aklat naman na pinagdaanan ang inang si Grace Ibuna at ang kanilang pamilya nang mamatay ang live-in partner nitong si Cong. Iggy Arroyo. Masaya namang binalita ni Garrie na mas maayos sila ngayon kumpara noong nakaraang taon.

“Better than [the] previous year, may pinagdaanan ang family ko but now but now we’re okay, we’re getting better,” giit niya.

Isa siya sa mga performers noong nakaraang 61st FAMAS Awards Night.

Bagamat unti-unti na niyang nade-develop ang kakayahan bilang aspiring singer, inamin ni Garrie na di maiwasang makaramdam pa rin siya ng kaba tuwing nagpe-perform.

“Sa ngayon nandun palagi ang kaba, for me kasi healthy yun di ba? But otherwise, okay naman ako,” pag-amin niya.

ADVICE FROM MOM. Tulad ng amang si Gabby, nagbigay din ng paalala ang ina sa kanya ngayong pinasok na niya ang mundo ng showbiz.

“Well, sinabi lang sa akin ni Mommy na alagaan ko ang sarili ko, mag-ingat ako parati pero very supportive naman si Mommy ever since.”

“Kahit ano daw ang gawin ko basta mahalin ko ang trabaho ko, okay yun,” pangwakas niyang saad.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN