Maricar de Mesa admits that frustrations and mounting pressure to have a baby put undue strain on her marriage

Despite the desperation and mounting pressure caused by wanting to have a baby, Maricar (and husband Don Allado in photo) stresses that her marriage is still intact. She says: “Minsan may mga away talaga na medyo malalim. Kailangan lang ng time para ma-patch up. Sabi nga nila time will heal. Ganun lang ang nangyayari. E, dadalawa lang naman kami, di ba? So far, so good naman.”


Mas tumitindi ang pagnanais ni Maricar De Mesa at ng asawa niyang si Don Allado na magkaroon na ng anak.

Sa interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Maricar sa Sofitel kung saan isa siya sa mga rarampa para sa designer na si Mark Bumgarner na magkakaroon ng mini-fashion show sa nasabing hotel kasama ang Hollywood A-list celebritiy designer na si Pia Gladys Perey sa Mother’s Day ngayong May, nagpahayag ito ng matinding pagkasabik sa pagkakaroon nila ng supling.

Una muna naming kinumusta si Maricar at sinabi niyang abala siya sa pagtatrabaho bilang aktres habang naghihintay siyang mabuntis.

Sabi niya, gusto na raw niyang magkaroon ng baby at sinubukan raw nila ng asawa niyang PBA cager na makabuo na.

Gaano katagal na ba kayong nagsasama bilang mag-asawa ni Don?

“Six years na? Six year and a half... going seven,” sagot ng aktres.

FRUSTRATED. Ano ba talaga ang naging problema at inabot ng ganitong katagal ang paghihintay ninyong magka-baby?

“No, wala naman talaga. Kasi the first five years talagang we planned na kami munang dalawa.

“Pero ’etong last year lang nag-decide na kami na let’s have a baby na.

“Kaya lang nung gustung-gusto na, hindi naman pala ganon kadali.

“Pero walang problema. Sa check-up namin so far wala namang problema,” paliwanag niya.

Ano bang dapat gawin para maging madali sa iyo ang magbuntis?

“Naku, actually under pressure kaming dalawa. Medyo stress raw causing it.

“Siguro, next month we’re looking at, trying in vitro…so, nagku-consult na kami. Maybe next month or the next coming months.

“Basta, bago matapos ang taon,” tugon niya.

Hindi ka ba nagsisisi na pinigilan mo ang pagkakataong mabuntis dati at ngayong gusto mo na, hirap na hirap ka naman?

“Ahm… hindi naman. Wala namang magagawa na kung magsisisi pa ako, di ba?

“So, we’ll try na lang our best.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi ka ba nakakaramdam ng frustrations dahil yung mga kasabayan mo may mga baby na?

“Oo, ’tsaka yung mga bata pa sa akin may isa o dalawa ng bata.

“Siyempre, minsan nakakaramdam ako ng... ’ah, buti pa sila, ganun.’

“Nakakainggit!

CAUSE FOR ARGUMENTS? Hindi ba nagiging cause ng away, discussion o tampuhan ninyong dalawa ni Don ang hindi ninyo pagkakaroon ng baby?

“Ahm, alam mo bilang matagal na kami together at bilang dadalawa lang kami, minsan cause siya ng argument.

“Napag-uusapan na hindi tayo ganito kung may baby tayo. Or iba siguro yung situation pag may baby, siyempre, yung focus nating dalawa iba.

“Kasi for now, it’s both our jobs... our work, di ba? Tapos kaming dalawa, pag nagkainisan, kaming dalawa rin lang din, dahil wala kaming bata.”

Anong nararamdaman mo kapag nagkakaroon kayo ng issue ni Don dahil sa kawalan ninyo ng anak?

“E, wala e, nandun na, e. Talk about it na lang. Well, minsan kailangang magpalamig. Minsan nga maganda rin na busy kaming dalawa sa trabaho dahil nagkakaroon kami ng time apart.

“So, ganun na lang ang mangyayari.”

Hindi naman ba ito magiging cause ng hiwalayan kung sakali?

“Hindi naman, hindi naman napag-uusapan... hindi naman.

“Well, we’re praying na sana hindi. Minsan lang napag-uusapan na what if? Mga ganun lang.”

ADOPTION AN OPTION? Huwag naman sana, paano kung hindi kayo magkaroon ng anak?

“Oo nga, huwag naman sana... pero ako gusto kong mag-ampon. Kasi, di ba? Yung ibang mga celebrities ginagawa nila nag-aampon. Tapos nagkakaroon sila ng baby.

“Pero siya kasi sabi niya, better na huwag muna. Gusto niya on his own... pinipilit niya talaga.”

BACK TO SHOWBIZ. Habang sinubukan nila ni Don ang pagkakaroon ng baby, babalik pa rin ba siya sa showbiz?

“Ah, yes. In fact, I’m current filming with direk Wenn De Ramas, bromance. Ang bida sina Zanjoe Marudo and Cristine Reyes. Tapos, first week of May I’ll be starting a new teleserye in ABS-CBN 2 with direk Wenn also.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Paano ka magkakaroon ng baby kung nagta-trabaho ka naman pala?

“Ahm, ang hirap kasi, e. Kasi feeling ko mababaliw ako..

“Nag-stop ako ng ilang months, e. Wala namang ginagawa. Light lang. Guesting-guesting lang. Pero nakakabaliw. Para akong naiirita. Parang lalo mo na siyang gustong…wala! Lalo lang kaming maga-away, e,” na ang tinutukoy niya ang kanyang asawa.

“Well, if it happens, it happens. Ipinagdadasal na lang namin.”

Ano ba ang pinakahuling teleserye mo?

“Yung Sana’y Ikaw Na Nga sa GMA-7, panghapon na series nila. Last January nag-end.”

POSSIBLE REASONS FOR STALLED PREGNANCY. Tinanong namin si Maricar kung nakaranas ba siya ng aksidente o may ginawa ba siya dati para mahirapan siya ngayong magbuntis?

Mabilis naman siyang sumagot, “Actually, wala. Nagkataon lang... ahm, hindi naman sinasabi ng doctor na hindi kami match.

“Pero we have series of check-ups na, e, like my tubes... lahat!

“Yung dito sa akin I had a series of check-ups na last year. Ahm, wala naman. Siya rin naman nagpapa-check. Could be his job din daw, possible. Kasi palagi rin siyang pagod.

“Tapos, stressful rin sa akin dahil lagi akong kontrabida.”

Hindi nag-iisa si Maricar sa mga showbiz couple na nahihirapan ring mabakabuo ng baby. Ang tanong namin kung puwede bang may kinalaman sa trabaho nila ang rason?

“Ahm, hindi rin naman ako genetics, e. But I’ll have to find out kaya nga I’ll have blood test next month. Kasi gusto rin malaman ng doctor ko. We’re seing a specialist na from Japan. Japan hospital siya in Makati. So, hopefully...

“Ang dami, like sina Beth Tamayo na nakakakuwentuhan ko. Nag-in vitro pero hindi nasunod. Even si Ate Lucy [Torres-Gomez]. Gusto niyang masundan na si Juliana pero hirap na hirap rin sila. Yung mga gano’n. Maraming factors, e.”

STILL TOGETHER. Okey pa rin naman ang pagsasama ninyo ni Don. Wala sa napipintong paghihiwalay?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi, hindi. Minsan may mga away talaga na medyo malalim. Kailangan lang ng time para ma-patch up.

“Sabi nga nila time will heal. Ganun lang ang nangyayari. E, dadalawa lang naman kami, di ba?

“So far, so good naman,” nakangiti niyang sabi


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN