PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Gelli de Belen on rumors of network transfer: “Ang pagpasok ng istasyon siyempre ang mag-iimbita sa iyo yung istasyon, di ba?”

Gelli reveals that she enjoys her "mother role" for her new kiddie gag show, Tropang Kulit
by Glen Sibonga
Published Apr 28, 2013
Gelli on possibility of working with Carmina Villaroel, Janice de Belen and husband Ariel Rivera: “You know what, I would love to work with them again. Siyempre kapatid ko 'yan, bestfriend ko 'yan, asawa ko 'yan, di ba? Of course, I would love to work with them. If puwede lang anytime kung gusto ko, e. Pero siyempre may mga limitasyon nga kami dahil sa mga kontrata namin. So, doon na muna tayo kung saan pwede. Doon na muna ako nagko-concentrate.”

Hindi raw naiisip lumipat ng ibang TV network ni Gelli de Belen ngayon dahil kuntento siya sa pag-aalaga ng TV5 sa kanya.

Mula kasi nang maging Kapatid siya ay sunud-sunod naman ang kanyang nagiging proyekto sa Singko.

Ang latest nga ay ang hinu-host niyang bagong kiddie gag-variety show ng TV5, ang Tropang Kulit, na mapapanood tuwing Sabado, 7pm simula sa May 11.

Sabi ni Gelli, “I’m really thankful that TV5 has always given me work. Since lumipat ako rito hindi pa ako nabakante.

“I’m grateful na lagi silang may naiisip na gawin for me o naisasali nila ako sa mga proyekto nila, hindi nila ako nakakalimutan. That’s why naman talagang ginagawa ko ang lahat para pagbutihan din naman ang trabaho ko.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Gelli sa presscon ng Tropang Kulit kahapon, Abril 27, sa Fun Ranch Tiendesitas sa Pasig City.

Parang halos lahat na nga raw ng program genre ay nagawa na niya sa TV5.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“You know what, sabi ko nga, in the past two years, I’ve done a soap (Nandito Ako), nag-Face to Face ako, I’ve done a TV mag show na may kainan (Gellicious), I’ve done a game show (Game ‘N Go), and now I’m doing a gag show.

“Ano pa kaya ang ibibigay sa akin? Ano pa kaya ang ibang ipapagawa sa akin ng TV5?”

Idagdag pa riyan ang pagiging guest host niya sa ibang shows ng TV5 gaya ng defunct showbiz talk show na Paparazzi at ang Pinoy Explorer. “Oo, nag-Pinoy Explorer pa ako. So, ano pa kaya ang next? Excited ako.”

NOT FEELING LEFT BEHIND. Hindi rin daw nararamdaman ni Gelli na left behind siya kahit nag-iisa lang siya sa TV5 at ang mga taong malalapit sa kanyang puso—ang asawang si Ariel Rivera, kapatid na si Janice de Belen, at bestfriend na si Carmina Villarroel—ay pawang nasa ABS-CBN at napapanood sa drama at talk shows.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Angat na angat naman sila sa drama ngayon. Kanya-kanya 'yan. So, ako naman happy ako dito sa TV5!” ani Gelli.

Hindi ba siya niyayaya ng mga ito para lumipat na rin ng istasyon?

“Ay, parang party lang? ‘Halika punta ka sa party!’” biro ni Gelli. “Ang pagpasok ng istasyon siyempre ang mag-iimbita sa iyo yung istasyon, di ba? And it’s a commitment.”

Tila ine-expect kasi ng mga tao na baka lumipat na rin siya ng network.

“O, e, nasa Kapatid network ako, e. So, dito muna ako.”

Hanggang Oktubre pa naman daw ngayong taon ang kontrata niya sa TV5 kaya hindi niya talaga naiisip na lumipat ng network. Pero sa tingin niya factor din yung mas magsa-shine siya sa TV5 nang solo siya kaysa yung makakasama niya sina Ariel, Janice at Carmina?

“You know what, I would love to work with them again. Siyempre kapatid ko 'yan, bestfriend ko 'yan, asawa ko 'yan, di ba? Of course, I would love to work with them. If puwede lang anytime kung gusto ko, e.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Pero siyempre may mga limitasyon nga kami dahil sa mga kontrata namin. So, doon na muna tayo kung saan pwede. Doon na muna ako nagko-concentrate.”

Ano naman ang sabi ni Ariel sa “pagsa-shine” niya sa TV5?

“Shine ka diyan!” tawa ni Gelli. “Siyempre natutuwa siya para sa akin dahil palaging may trabaho, palaging may bagong show.

“Nakikita niya na na-e-excite ako na, ‘Uy, may bago akong show. Ito ang gagawin ko, mga bata naman ang kasama ko.’ Sabi niya, ‘Wow, that’s good, different.’”

WORKING WITH ARTISTA ACADEMY KIDS. Nag-e-enjoy nga raw si Gelli sa taping kasama ang mga bibong batang cast ng Tropang Kulit, na kinabibilangan ng 35 talented at cute na cute na Artista Academy kids.

Napili ang mga batang ito mula sa audition ng Artista Academy kids edition, na originally dapat ay gagawing reality artista search for kids tulad ng naunang Artista Academy para naman sa teens na pinagwagian nina Vin Abrenica at Sophie Albert. Pero nagdesisyon na lang ang TV5 management na hindi na gawing kumpetisyon ang search kundi gawan na kaagad ng show ang mga nakapasa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pangungunahan sila ng Top 11 kids, na ang edad ay nasa pagitan ng 5 to 10, na sina Ixle Kyle Banzon, Julie Charlotte Cadeville, Peter Angelo Echaluce, Josh Clement Eugenio, Jonicka Cyleen Movido, Mariella Frances Grace Ortiz, Chloe Dominique Reyes, John Carlo Tan, at ang magkakapatid na sina Jason, Jhiani at Jhurel Zimmerman. Makakasama nila ang 24 “ajeje” kids na nakapasa rin sa audition.

Dagdag paliwanag pa ni Gelli tungkol sa show, “Puro bata, puro gags, syempre pagpapakita ng mga talent ng mga bata kasi in-audition sila, winorkshop sila.

“Yung iba sa kanila may kanya-kanyang talent maliban syempre sa pag-deliver ng mga gag o pati sa mga aarte sa mga mini-sketch ganyan.

“Pero basically it’s a fun kiddie show on a Saturday night habang nagre-relax ang mga magulang at ang mga bata, pwede silang manood.”

TEST OF PATIENCE. Malaking tulong ba yung pagiging nanay niya sa totoong buhay para mai-handle ang mga kakulitan ng mga batang kasama niya sa show?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“I think so, I think it’s a big factor kung paano ko sila maiha-handle. Kasi yung pagiging nanay kailangan twenty four hours patience, twenty four hours alert.

“Parang alam mo na kung paano makipag-usap sa mga bata. And iintindihin mo na yung point of view nila e ibang-iba sa point of view mo. So, I guess makakatulong din [ang pagiging nanay ko] dito.”

Naiintindihan din naman daw ni Gelli na baguhan pa lang sa showbiz at sa paggawa ng TV show ang mga bata.

“Siyempre maliban doon sa mga bata pa sila, this is their first time to work. So, medyo hindi pa sila sanay sa mga blocking, sa mga lines.

“Siyempre, iga-guide mo rin sila. Challenging pero pag nagawa nila, nakakatuwa, para kang proud parent na, ‘Uy, nagawa niya!’”

Sabi niya test of patience ang pakikipagtrabaho sa hindi lang isa kundi 35 mga bata na may iba’t ibang ugali. Gaano kahaba ang pasensya niya?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Hindi ko pa alam. So far, mahaba pa,” natatawang sabi ni Gelli.

TAKEOFF FOR REVIVAL OF TROPANG TRUMPO? Isa si Gelli sa original cast ng dating sikat na gag show ng TV5, ang Tropang Trumpo.

Ngayong ginagamit ulit ang salitang tropa, paramdam ba ito o takeoff point para sa muling pagbabalik ng Tropang Trumpo sa ere, lalo na at maugong ang balitang paglipat sa TV5 ng isa pang original cast na si Ogie Alcasid?

“Anong pinapalabas mo? Walang ganun,” aligaga ngunit natatawang sagot ni Gelli. “This is all for the kids. Nagkataon lang na gusto nilang i-coin ito from the original gag show that they had here sa TV5. Pero walang ganun. Basta ito Tropang Kulit.

Pero may alam ba siya kung muli ngang babalik sa ere ang Tropang Trumpo?

“Wala akong alam, e,” pangwakas niyang pag-amin.

Read Next
Read More Stories About
Gelli de Belen
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Gelli on possibility of working with Carmina Villaroel, Janice de Belen and husband Ariel Rivera: “You know what, I would love to work with them again. Siyempre kapatid ko 'yan, bestfriend ko 'yan, asawa ko 'yan, di ba? Of course, I would love to work with them. If puwede lang anytime kung gusto ko, e. Pero siyempre may mga limitasyon nga kami dahil sa mga kontrata namin. So, doon na muna tayo kung saan pwede. Doon na muna ako nagko-concentrate.”
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results