Gerald Santos wants love to come “naturally”: “Para maging natural din—organic and genuine yung relationship kung natural.”

Todo-bigay kung mag-perform ang singer na si Gerald Santos sa kanyang concerts at anumang shows. Paliwanag niya, “Sa mga maliliit na mga bagay, doon mo pala makukuha yung malalaking opportunity na hinihintay mo.”


Hindi lang sa mga aktor at aktres nauuso ang lipatan ng mga network kundi maging sa mga singers din.

Pinaka-latest nga si Christian Bautista na mula sa ABS-CBN ay nasa GMA-7 na ngayon; kagaya ng mga kasamahan niya noon sa ASAP na sina Mark Bautista at Rachelle Ann Go.

Ilang taon na ang nakalilipas ay lumipat din ang Pinoy Pop Superstar Season 2 winner na si Gerald Santos mula GMA-7 papuntang TV5.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Gerald, tinanong namin kung tama ang kanyang desisyon na lumipat ng istasyon.

Sagot niya, “Okay lang po sa akin.

“Natural lang naman po ito sa industriya dahil iyon nga po, kung saan siyempre may trabaho, doon po tayo, di ba?

“Ito yung source of livelihood naming mga singers, so kung saan may opportunity, doon po kami.

“And basta ibigay lang parati yung best, kahit nasaan ka man, wala pong magiging problema doon.”



CONCERT GUESTS. Mamayang gabi, April 30, ay gaganapin ang concert ni Gerald sa Music Museum—Gerald Santos (The Prince Of Ballad): Soaring High.

Style nina Martin Nievera at Gary Valenciano ang ginagawa ni Gerald, pero hindi niya kinuhang guests ang mga ito sa kanyang concert. Sa halip ay sina Rufa Mae Quinto at Arnell Ignacio ang special guests niya.

“Siguro po sa susunod na concert ko,” pag-asam ni Gerald.

“Actually, yung 2011 kong concert, pinlano naming i-guest either si Gary or si Martin, kaso hindi po sila available.

“Alam naman po nating palagi silang may US tour, may ano, so hopefully, sa susunod kong concert, mai-guest ko na sila.

“Dahil dream ko talaga mai-guest sila, grabe! Lalung-lalo na si Martin Nievera.

“Siguro po, late this year makapag-concert po ulit.”



REGULAR CONCERTS. Hindi nawawalan ng producer na ipinagpo-produce ng shows si Gerald kaya regular pa rin ang mga concert niya.

Sabi niya tungkol dito, “Opo, very thankful! Sobrang pasasalamat ko po sa Diyos dahil iyon... talagang afloat pa din...

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kahit alam naman po natin kung gaano kahirap ang industriya din ngayon, kung gaano kahirap ang mag-strive and mag-survive sa industry.

“So, ako po, very blessed na nandito pa rin po ako... ayan may mga nagpo-produce, may mga nagititiwala pa din.

“Salamat po talaga, maraming-maraming salamat. And siguro nagpe-pay-off din yung pagtatrabaho ko sa sarili ko...

“Kasi, talagang hindi ako pumapayag na second best lang yung ibibigay ko, talagang yung the best palagi.

“Kahit sa mga maliliit na events lang, talagang the best performance ang ibinibigay ko.

“Doon na nagdo-domino effect yung mga producers na, ‘Ang galing niyan, ah! O, sige, ipagpo-produce kita.’

“So, iyon, talagang kahit sa maliliit, huwag mong pababayaaan dahil minsan, nandoon yung opportunity e.

“Sa mga maliliit na mga bagay, doon mo pala makukuha yung malalaking opportunity na hinihintay mo.”

Dagdag niya, “At least once a year, meron akong major concert and album. Nakakapag-continue pa rin yung paglalabas ko ng albums.

"Sobrang thankful, very thankful!”



NON-SHOWBIZ GIRLRIENDS. Iyon nga lang, loveless si Gerald.

“One year mahigit na!” at natawa ang young singer.

Hindi ba mahirap na wala siyang inspirasyon?

“Ano naman ako e, before naman kasi, sunud-sunod naman kumbaga... mga non-showbiz!” at muli siyang natawa.

“So siguro, kumbaga, panahon rin para makagpahinga, para maalagaan ang sarili.

“Kumbaga, kasi noon, medyo siguro napagod din na... kasi let’s face it, kahit papaano nakaka-distract po, e.

“Lalo pa at non- showbiz, hindi rin nila totally naiintindihan yung mundo ko.

“May pressure on my part palagi na, kumbaga, siyempre gusto ninyo magkasama kayo palagi, so medyo nakaka-stress din.

“Siguro, kung magkakaroon man ako ngayon, siguro i-try naman natin na showbiz siguro!” sabay-tawa muli ni Gerald.



SHOWBIZ CRUSHES. Si Jasmine Curtis Smith ba iyon na nali-link sa kanya?

“Sana!” tumatawa pa ring sabi ni Gerald.

Bakit hindi niya ligawan si Jasmine?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“May Sam [Concepcion] na ‘ata siya, e.

“Kung mag-stay pa rin sa [TV]5, baka magkaroon ng chance.”

Bukod kay Jasmine, sino pa ang mga crush ni Gerald?

“Yung dalawa nasa ABS—si Maja Salvador and si Sarah Geronimo.”

Balitang mahigpit daw ang ina ni Sarah.

Pero sabi ni Gerald, “Crush lang naman, so kung may opportunity pa din, hindi pa din natin masabi.

“Hindi natin masasabi pa din yung mga pangyayari, sa sitwasyon.”

Crush din daw niya si Kathryn Bernardo.

Si Maja at Sarah ay na-meet na niya ngunit si Kathryn ay hindi pa.

Balladeer pa man din si Gerald kaya kailangan niya ng paghuhugutan kapag kumakanta ng love songs.

Hanggang kailan niya kakayanin na walang inspirasyon?

Natatawa niyang tugon, “Oo nga po e, ang hirap i-resist, e.

“Siyempre ano po, ‘ika nga, pag lalaki po, parang hindi kumpleto pag walang romance and walang inspirasyon.

“Pero ngayon naman po, I’m happy sa support ng family ko and sa aking napakasipag na manager si Kuya Rommel [Ramilo], very thankful ako.

“Pero siguro, hanggang next year kaya ko pang maghintay.

“Pero hindi ko pa rin masabi kung may dumating na magpatibok sa puso ko. Siyempre, hindi naman natin mapigigil ‘yan, e.



NOT LOOKING FOR LOVE. Naniniwala si Gerald na hindi hinahanap ang pag-ibig.

“Yes, opo. Iyon din yung naging prinsipyo ko right now, na hindi ko hahanapin yun—I’ll let love find me.

“Kumbaga, hindi ko hahanapin ang pag-ibig.

“Dahil baka hilaw na hilaw, di ba? Sobrang hinog sa pilit.

“Para maging natural din, organic and genuine yung relationship kung natural.”



TRAVEL SHOW. Samantala, sa ngayon ay on-hold muna ang travel show ni Gerald.

Paliwanag niya, “Nag-abroad si Kuya E [Neo de Padua], yung producer.

“Nakapag-tape ako ng isang episode, dito muna sa Metro Manila, itong Manila ang feature namin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero iyon apparently, nag-abroad si Kuya E, so hopefully pagbalik niya ay matuloy na po.”

Gusto rin ni Gerald na bumalik sa pag-arte sa isang soap opera. Naging bahagi siya dati ng I Luv New York ng GMA.

“Yes! Opo, of course. Gustung-gusto kong magkaroon ng soap.

“And hopefully, kung sa 5, gusto ko sanang magkaroon ng soap with Jasmine.

“Sana po. Sana po magkatrabaho kami.

"Tingnan po natin, baka may spark, may chemistry, di po ba?”

Na baka magkaroon ng bagong loveteam ang TV5?

“Sana po,” at tumawa si Gerald, who will turn 22 years old on May 15.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN